04/09/2026
Shoutout po kay President Klinton Tolentino, President ng CBAM. Sana po mabigyan ninyo ng pansin yung concern namin regarding kay Miss Lyka Magbuhos, lalo na po sa paraan ng reporting, pagtuturo, at pagbibigay ng grades sa mga students.
Sa reporting po kasi, binibigyan kami individually ng kanya-kanyang topic na kailangan naming i-report. Ang concern po namin, kami mismo ang nagdi-discuss at nagtuturo ng topic sa aming mga classmates, na para bang kami na yung instructor. Para sa amin, hindi po ito okay at hindi rin namin nakikitang valid na students ang gumaganap na parang teacher, samantalang dapat instructor pa rin po ang nagtuturo at nagbibigay ng proper explanation at clarification sa lesson.
Hindi naman po lahat ng students ay may sapat na understanding sa topic na ibinibigay sa kanila. Kapag kami ang nagdi-discuss, possible na may mga bagay na hindi namin ma-explain nang maayos o may hindi kami naiintindihan. Ganun din kapag classmates naman namin ang nagre-report—may mga lesson na hindi rin namin lubos na naiintindihan dahil wala namang proper discussion mula sa instructor pagkatapos.
Ang mas nakaka-disappoint po ay kahit kami na mismo ang nagpe-prepare at nagdi-discuss ng lessons sa buong class, ang matatanggap lang naming grades ay mabababa, tulad ng 3.0, at may iba pang umaabot sa 4.0 at 5.0. Nakaka-concern po ito dahil may mga students na maaaring maging irregular dahil sa ganitong grades.
Sana po mabigyan ito ng pansin at ma-review nang maayos. Hindi po ito para manira kay Miss Lyka, kundi para maiparating yung concern namin bilang students. Gusto lang po namin na matuto nang maayos, magkaroon ng proper instruction mula sa instructor, at magkaroon ng grading na patas at naaayon sa actual performance namin.
__
CBAM
20211
--------------------------
The views, thoughts, and opinions expressed in these confessions belong solely to the anonymous authors and do not represent the official views, policies, or positions of the university, its administration, faculty, or staff. This page is independently managed and is not affiliated with, sponsored by, or endorsed by the university in any capacity.