DepEd Tayo- San Jose ES- San Pablo City

DepEd Tayo- San Jose ES- San Pablo City

Share

Official Page of San Jose Elementary School

Photos from DepEd Tayo- San Jose ES- San Pablo City's post 05/06/2026

SEMINAR-WORKSHOP | DepEd Three-Term Calendar and ILAW Lesson Planning | SY: 2026 - 2027

Bilang paghahanda sa pagpapatupad ng mga bagong polisiya at pagbabago ng Department of Education para sa School Year 2026–2027, nagsagawa ang San Jose Elementary School ng isang Seminar-Workshop para sa mga G**o upang higit na mapalalim ang kanilang kaalaman at kahandaan sa mga bagong alituntunin at proseso ng pagtuturo.

Pinangunahan ng aming masipag at mahusay na School Principal, G. Jayson B. Agarin, ang talakayan tungkol sa mga mahahalagang pagbabago at mga hakbang upang matiyak ang maayos at epektibong pagpapatupad nito sa paaralan.

Nagbahagi rin ng kanilang kaalaman at mahahalagang pananaw sina Gng. Raquel B. Contemplacion, Master Teacher I (KS 1) at Gng. Annalice R. Quinay, Master Teacher I (KS 2) upang higit na mapalakas ang kahandaan ng mga g**o sa pagharap sa mga hamon at oportunidad ng bagong taong panuruan.

Ang gawaing ito ay patunay ng patuloy na pangako ng San Jose Elementary School sa propesyonal na pag-unlad ng mga g**o at sa paghahatid ng dekalidad na edukasyon para sa bawat Batang San Josenian.

Handa sa pagbabago, handa sa paglilingkod, handa para sa mas mahusay na edukasyon!



Photos from DepEd Tayo- San Jose ES- San Pablo City's post 05/06/2026

BRIGADA ESKWELA 2026 | CLOSING PROGRAM

Matagumpay na nagtapos ang Brigada Eskwela 2026 ng San Jose Elementary School sa pamamagitan ng isang makabuluhang Closing Program, na naging daan upang kilalanin at pasalamatan ang lahat ng naging katuwang ng paaralan sa paghahanda para sa pagbubukas ng klase.

Lubos ang aming pasasalamat sa aming Punong-G**o, G. Jayson B. Agarin, sa kanyang mahusay na pamumuno, gayundin kina G. Phil M. Maghirang, Brigada Eskwela Coordinator, at Ma’am Elvira E. Fule, Brigada Eskwela Spokesperson, sa matagumpay na pangangasiwa ng programa.

Taos-puso rin kaming nagpapasalamat sa mga g**o, magulang, mag-aaral, Barangay Officials, volunteers, alumni, stakeholders, at mga partner organizations na naglaan ng kanilang oras, lakas, talento, at mga donasyon para sa ikagaganda at ikahahanda ng ating paaralan.

Sa diwa ng bayanihan, muli nating napatunayan na ang tagumpay ng paaralan ay bunga ng pagkakaisa ng buong komunidad.

Maraming salamat, Brigada Heroes! Dahil sa inyo, mas handa, mas ligtas, at mas maayos ang San Jose Elementary School para sa School Year 2026–2027.



Photos from DepEd Tayo- San Jose ES- San Pablo City's post 05/06/2026

DAY 5 | BRIGADA ESKWELA 2026

Matagumpay na naabot ang ikalimang araw ng Brigada Eskwela 2026, bunga ng sama-samang pagkilos, bayanihan, at malasakit ng buong komunidad ng San Jose Elementary School.

Lubos ang aming pasasalamat sa mga g**o, non-teaching personel, magulang, mag-aaral, barangay officials, volunteers, at stakeholders na naglaan ng kanilang oras, lakas, at suporta upang maihanda ang ating paaralan para sa nalalapit na pagbubukas ng klase.

Sa loob ng limang araw, napatunayan nating kapag nagkakaisa ang komunidad, nagiging posible ang lahat para sa kapakanan ng bawat Batang San Josenian.

Maraming salamat sa inyong pagiging tunay na Brigada Heroes!



Photos from DepEd Tayo- San Jose ES- San Pablo City's post 05/06/2026

DAY 4 | BRIGADA ESKWELA 2026

Apat na araw ng bayanihan, apat na araw ng pagkakaisa!

Patuloy ang pakikiisa ng mga g**o, magulang, mag-aaral, barangay officials, volunteers, at stakeholders sa Day 4 ng Brigada Eskwela 2026 upang masig**o ang isang malinis, ligtas, at handang paaralan para sa pagbubukas ng klase.

Lubos ang aming pasasalamat sa lahat ng patuloy na naglalaan ng kanilang oras, lakas, at suporta para sa kapakanan ng bawat Batang San Josenian.

Bawat ambag ay mahalaga. Bawat kilos ay may saysay. Sama-sama para sa mas magandang paaralan!



Photos from DepEd Tayo- San Jose ES- San Pablo City's post 05/06/2026

DAY 3 | BRIGADA ESKWELA 2026

Patuloy ang bayanihan sa ikatlong araw ng Brigada Eskwela 2026 sa San Jose Elementary School. Sa tulong ng mga g**o, non-teaching personel, magulang, , volunteers, at stakeholders, unti-unti nating naihahanda ang isang mas malinis, ligtas, at maayos na paaralan para sa ating mga Batang San Josenians.

Maraming salamat sa inyong walang sawang suporta, oras, at malasakit.

Sama-sama para sa kaayusan at kaalaman!



Photos from DepEd Tayo- San Jose ES- San Pablo City's post 05/06/2026

DAY 2 | BRIGADA ESKWELA 2026

Patuloy ang diwa ng bayanihan at pagkakaisa sa ikalawang araw ng Brigada Eskwela 2026 sa San Jose Elementary School!

Sa pangunguna ng aming masipag na Punong-G**o, G. Jayson B. Agarin, katuwang ang mga g**o, magulang, mag-aaral, Sangguniang Kabataan ng Brgy. San Jose, SPC, stakeholders, at volunteers, mas marami pang gawain ang naisakatuparan upang higit na maging handa, ligtas, at kaaya-aya ang ating paaralan para sa nalalapit na pagbubukas ng klase.

Mula sa paglilinis ng mga silid-aralan at paligid ng paaralan, pagkukumpuni ng mga pasilidad, hanggang sa pagpapaganda ng kapaligiran, ipinakita ng bawat isa ang kanilang malasakit at dedikasyon para sa kapakanan ng ating mga mag-aaral.

Lubos ang aming pasasalamat sa lahat ng patuloy na nagbibigay ng kanilang oras, lakas, talento, at suporta. Ang inyong pakikiisa ay patunay na ang edukasyon ay isang responsibilidad na pinagtutulungan ng buong komunidad.

Sa bawat pawis at pagtutulungan, unti-unti nating binubuo ang isang mas maayos at mas handang paaralan para sa bawat Batang San Josenian.



Photos from DepEd Tayo- San Jose ES- San Pablo City's post 02/06/2026

ARAL SUMMER PROGRAM 2026 CLOSING CEREMONY

Matagumpay na nagtapos ang ARAL Summer Program 2026 ng San Jose Elementary School sa pamamagitan ng isang makabuluhang Closing Ceremony, na nagsilbing pagdiriwang ng mga natutuhan, pagsisikap, at tagumpay ng ating mga mag-aaral sa buong panahon ng programa.

Sa pangunguna ng aming mahusay na Punong-G**o, G. Jayson B. Agarin, at sa dedikasyon ng ating masisipag na g**o ng ARAL Summer Program na sina Gng. Melanie B. Arcon at Gng. Areli C. Mediana, naging matagumpay ang pagpapatupad ng programang naglalayong higit pang mapaunlad ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagbasa, pagsulat, at pagkatuto.

Lubos ang aming pasasalamat sa mga magulang na nagbigay ng kanilang buong suporta at pagtitiwala, gayundin sa mga mag-aaral na nagpakita ng sipag, tiyaga, at determinasyon sa bawat araw ng kanilang pag-aaral ngayong bakasyon.

Ang pagtatapos ng programang ito ay hindi katapusan ng pagkatuto kundi simula ng mas matatag na paghahanda para sa panibagong taon ng pag-aaral.

Binabati namin ang lahat ng mga mag-aaral, g**o, at mga magulang na naging bahagi ng matagumpay na ARAL Summer Program 2026!



Photos from DepEd Tayo- San Jose ES- San Pablo City's post 02/06/2026

DAY 1 | BRIGADA ESKWELA 2026

Matagumpay na naisagawa ang unang araw ng Brigada Eskwela 2026 sa San Jose Elementary School sa diwa ng pagkakaisa, bayanihan, at malasakit para sa kapakanan ng bawat Batang San Josenian.

Sa pangunguna ng mga g**o, magulang, mag-aaral, barangay officials, volunteers, at stakeholders na sama-samang nagtulong-tulong sa paglilinis, pagkukumpuni, at pagpapaganda ng ating paaralan.

Lubos ang aming pasasalamat sa lahat ng nakiisa at nagbahagi ng kanilang oras, lakas, talento, at mga donasyon upang maging handa, ligtas, at kaaya-aya ang ating paaralan para sa nalalapit na pagbubukas ng klase.

Ang matagumpay na unang araw na ito ay patunay na kapag nagkakaisa ang komunidad, mas marami tayong magagawang kabutihan para sa edukasyon at kinabukasan ng ating mga mag-aaral.

Day 1 pa lamang, ngunit ramdam na ang lakas ng bayanihan! Sama-sama para sa kaayusan at kaalaman!



Photos from DepEd Tayo- San Jose ES- San Pablo City's post 02/06/2026

BRIGADA ESKWELA 2026 KICK-OFF CEREMONY

Opisyal nang sinimulan ng San Jose Elementary School ang Brigada Eskwela 2026 sa pamamagitan ng isang makabuluhang Kick-Off Ceremony na ginanap noong Hunyo 1, 2026, na may temang “Bayanihan sa Paaralan: Nagkakaisa para sa Kaayusan at Kaalaman.”

Sa pangunguna ng ating Punong-G**o, G. Jayson B. Agarin, katuwang sina G. Phil M. Maghirang, Brigada Eskwela Coordinator, at Ma’am Elvira E. Fule, Brigada Eskwela Spokesperson, pormal na inilunsad ang taunang programa ng bayanihan bilang paghahanda sa pagbubukas ng klase para sa School Year 2026–2027.

Naging matagumpay ang programa sa pakikiisa ng mga opisyal ng Barangay San Jose, mga magulang, mag-aaral, stakeholders, volunteers, at iba pang katuwang ng paaralan na nagbigay ng kanilang suporta, panahon, at serbisyo para sa ikagaganda at ikahahanda ng ating paaralan.

Ang sama-samang pagkilos na ito ay patunay na ang edukasyon ay responsibilidad ng buong komunidad at ang bawat ambag ay mahalagang hakbang tungo sa mas ligtas, maayos, at masiglang kapaligiran sa pagkatuto para sa bawat Batang San Josenian.

Sama-sama tayong maging Brigada Heroes para sa kinabukasan ng ating mga mag-aaral!



21/05/2026

Oplan Balik Eskwela 2026
Public Assistance Action Center

Handa at nakaagapay ang San Jose Elementary School para sa maayos, ligtas, at organisadong pagbubukas ng klase sa pamamagitan ng Oplan Balik Eskwela 2026 – Public Assistance Action Center.

Layunin ng programang ito na agarang matugunan ang mga katanungan, concerns, at pangangailangan ng mga magulang at mag-aaral kaugnay ng enrollment at pagbabalik-eskwela.

Sa pangunguna ng ating punong-g**o G. Jayson B. Agarin, Oplan Balik Eskwela Chairperson, at G. Phil M. Maghirang, Oplan Balik Eskwela Member, patuloy na nagsisilbi ang paaralan upang matiyak ang maayos at makabuluhang pagsisimula ng panibagong taon ng pagkatuto para sa bawat Batang San Josenian.

📌 Para sa mga katanungan at concerns, maaaring makipag-ugnayan sa ating Public Assistance Action Center o sa ating Official page.



Want your school to be the top-listed School/college in San Pablo City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Telephone

Website

Address


Purok 5, Brgy. San Jose
San Pablo City
4000

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm