DepEd San Jose Elementary School - San Pablo City

DepEd San Jose Elementary School - San Pablo City Official Page of San Jose Elementary School

Isang mainit at taos-pusong pagbati at pagsalubong mula sa buong pamilya ng San Jose Elementary School, San Pablo City k...
08/10/2026

Isang mainit at taos-pusong pagbati at pagsalubong mula sa buong pamilya ng San Jose Elementary School, San Pablo City kay Mr. Hereberto Jose D. Miranda, CESO V, bilang ating bagong talagang Division Superintendent.

Nawa’y ang inyong pamumuno ay maging daan tungo sa higit pang pag-unlad, pagkakaisa, at patuloy na pagpapalakas ng kalidad ng edukasyon sa buong Division of San Pablo City.

Buong galak at pag-asa naming kayong tinatanggap sa aming division. Nawa’y sa ilalim ng inyong pamumuno, sama-sama nating maitaguyod ang isang makabuluhan, inklusibo, at learner-centered na edukasyon para sa bawat mag - aaral.

Mula sa San Jose Elementary School, kami po ay nakikiisa sa inyong bagong yugto ng paglilingkod. Maraming tagumpay at magandang adhikain ang naghihintay sa ating sama-samang paglalakbay!



BAYANAHIHAN PARA SA LIGTAS NA BATANG SAN JOSENIANS!Taos-pusong pasasalamat sa Scouts Royale Brotherhood – San Jose Malam...
06/10/2026

BAYANAHIHAN PARA SA LIGTAS NA BATANG SAN JOSENIANS!

Taos-pusong pasasalamat sa Scouts Royale Brotherhood – San Jose Malaming Association sa inyong mahalagang ambag para sa kaligtasan at kapakanan ng mga batang San Josenians at ng buong komunidad.

Sa pamamagitan ng inyong pagsisikap sa pagpapaayos at paglalagay ng pedestrian lane at “SLOW DOWN – SCHOOL ZONE” signs, mas nagiging ligtas ang daanan para sa ating mga mag-aaral, magulang at mga g**o ng paaralan

Ang inyong pagkilos ay tunay na pagpapakita ng malasakit, disiplina, at diwa ng bayanihan.

Maraming salamat po sa inyong serbisyo at pakikiisa!

Kayo ay tunay na SCHOOL HEROES ng San Jose Elementary School!



ISANG SILONG, ISANG MALASAKIT, ISANG BAYANI! Taos-pusong pasasalamat sa MLhuillier – Tulay ng PaMylang Pilipino sa makab...
06/10/2026

ISANG SILONG, ISANG MALASAKIT, ISANG BAYANI!

Taos-pusong pasasalamat sa MLhuillier – Tulay ng PaMylang Pilipino sa makabuluhang pagbibigay ng tent na magsisilbing silong at kanlungan ng mga batang San Josenians at ng buong komunidad.

Ang inyong munting handog ay malaking tulong sa isang ligtas at maayos na lugar para sa mga gawain, pagtitipon, at iba’t ibang aktibidad ng ating paaralan at komunidad.

Sa inyong malasakit at pakikiisa, mas napapalakas ang diwa ng Bayanihan, Kaalaman, at Kaalaman sa Pagmamalasakit.

Maraming salamat po, MLhuillier!

Tunay kayong SCHOOL HEROES ng San Jose Elementary School!



SAN JOSE ES | SCHOOL HEROES | SY: 2026 - 2027SPTA, SGC OFFICERS and SAN JOSE ES PARENTSOpisyal nang sinisimulan ng San J...
06/10/2026

SAN JOSE ES | SCHOOL HEROES | SY: 2026 - 2027
SPTA, SGC OFFICERS and SAN JOSE ES PARENTS

Opisyal nang sinisimulan ng San Jose Elementary School ang pagsasaayos at paghahanda ng Gulayan sa Paaralan bilang bahagi ng ating sama-samang pagkilos para sa isang mas masustansiya, luntian, at produktibong paaralan.

Taos-pusong pasasalamat sa SPTA, SGC Officers, at mga magulang ng San Jose ES sa kanilang oras, lakas, at pakikiisa sa pagsisimula ng gawaing ito.

Sa bawat binubungkal na lupa at bawat halamang ating itinatanim, nagbubunga tayo hindi lamang ng gulay, kundi ng pagkakaisa, malasakit, at magandang halimbawa para sa ating mga mag-aaral.

Sama-sama nating palaguin ang Gulayan sa Paaralan!

Bayanihan para sa Luntiang Paaralan!



Taos-pusong pagbati, Ma’am Annalice R. Quinay, sa inyong 30 taon ng tapat at makabuluhang paglilingkod!Maraming salamat ...
02/10/2026

Taos-pusong pagbati, Ma’am Annalice R. Quinay, sa inyong 30 taon ng tapat at makabuluhang paglilingkod!

Maraming salamat po sa inyong dedikasyon, sipag, at pagmamahal sa serbisyo at sa bawat Batang San Josenians.

Ipinagmamalaki po namin kayo, mula sa inyong San Jose ES Family!



CONGRATULATIONS, CAMPUS JOURNALISTS!Buong-pusong pagbati mula sa San Jose Elementary School sa lahat ng ating mahuhusay ...
29/09/2026

CONGRATULATIONS, CAMPUS JOURNALISTS!

Buong-pusong pagbati mula sa San Jose Elementary School sa lahat ng ating mahuhusay at masisipag na kalahok at nagwagi sa SDO San Pablo City Reconfigured Division Schools Press Conference (RDSPC)!

Ang inyong tapang, talento, sipag, at dedikasyon sa larangan ng pamamahayag ay tunay na karapat-dapat ipagmalaki. Sa bawat salitang inyong isinulat, ideyang ibinahagi, at hamong inyong hinarap, naipamalas ninyo ang tunay na diwa ng isang Batang San Josenians na may kakayahan, may paninindigan, at may pusong handang matuto at magtagumpay.

Taos-pusong pasasalamat sa ating mga tagapagsanay sa kanilang walang sawang paggabay at pagbabahagi ng kaalaman; sa ating butihing Punong-Guro, G. Jayson B. Agarin, sa patuloy na suporta at pagtitiwala; at sa ating masisipag at dedikadong School Paper Advisers, Bb. Sarah J. Alvarez at Gng. Raquel B. Contemplacion, sa kanilang panahon, tiyaga, at pagmamahal sa ating mga batang mamamahayag.

Sa mga nagwagi, CONGRATULATIONS! Ang inyong tagumpay ay bunga ng sipag, tiyaga, at determinasyon.

Sa mga hindi man pinalad na makamit ang tagumpay, PINAGMAMALAKI PA RIN NAMIN KAYONG LAHAT! Ang inyong tapang na lumahok, matuto, at ibigay ang inyong makakaya ay isa nang tagumpay. Tandaan, hindi nasusukat sa medalya o ranggo ang tunay na halaga ng inyong pagsisikap. Patuloy lamang na magsulat, mangarap, at maniwala sa inyong kakayahan.

Muli, CONGRATULATIONS, CAMPUS JOURNALISTS!
Patuloy ninyong itaas ang bandera ng San Jose Elementary School!

Tatak Batang San Josenians!
Mahusay. Matatag. Mapagkumbaba. Palaban!



TURNOVER CEREMONY OF HUMANITARIAN EXPERIENCE INC.Multi-Purpose Building & Handwashing FacilitySY: 2026 - 2027Isang makab...
29/09/2026

TURNOVER CEREMONY OF HUMANITARIAN EXPERIENCE INC.
Multi-Purpose Building & Handwashing Facility
SY: 2026 - 2027

Isang makabuluhang araw para sa San Jose Elementary School sa pormal na pagtanggap sa bagong Multi-Purpose Building at Handwashing Facility mula sa Humanitarian Experience Inc. (HXP).

Ang proyektong ito ay patunay na kapag nagkaisa ang paaralan, mga magulang, komunidad, at mga katuwang na organisasyon, mas maraming makabuluhang bagay ang nagiging posible para sa kapakanan ng ating mga mag-aaral.

Taos-puso ang aming pasasalamat sa Humanitarian Experience Inc. (HXP) sa kanilang kabutihang-loob at malaking ambag sa pagpapaunlad ng ating paaralan. Ang inyong suporta ay makatutulong upang magkaroon ang ating mga Batang San Josenians ng mas maayos, ligtas, at mas angkop na pasilidad para sa kanilang pagkatuto at pang-araw-araw na pangangailangan.

Lubos din ang aming pagkilala at pasasalamat sa San Jose Elementary School Parents-Teachers Association (SPTA), School Governing Council (SGC), at Sangguniang Barangay ng San Jose, San Pablo City sa kanilang patuloy na suporta, pakikipagtulungan, at pakikiisa sa mga programang naglalayong mapaunlad ang ating paaralan.

Ang proyektong ito ay hindi lamang tungkol sa isang gusali at pasilidad. Ito ay bunga ng bayanihan, malasakit, pagtutulungan, at sama-samang pagkilos para sa isang mas ligtas, maayos, at mas magandang paaralan para sa bawat bata.

Maraming salamat sa lahat ng naging bahagi ng tagumpay ng proyektong ito!

Sama-sama para sa mas maunlad na San Jose Elementary School at para sa bawat Batang San Josenians!



WELCOME TO SAN JOSE ELEMENTARY SCHOOL!Ma’am Dainna Lyn E. MercadoProject Development Officer IAng inyong dedikasyon, kak...
17/09/2026

WELCOME TO SAN JOSE ELEMENTARY SCHOOL!

Ma’am Dainna Lyn E. Mercado
Project Development Officer I

Ang inyong dedikasyon, kakayahan, at malasakit sa serbisyo ay mahalagang bahagi sa patuloy na pagpapaunlad ng ating mga programa at proyekto para sa kapakanan ng bawat Batang San Josenians at buong komunidad ng paaralan.

Nawa’y maging makabuluhan ang inyong paglalakbay kasama ang San Jose Elementary School. Sa inyong pakikiisa at positibong pananaw, sama-sama nating maisulong ang mga inisyatibang naglalayong magbigay ng mas mahusay na serbisyo, mas makabuluhang oportunidad, at mas magandang kinabukasan para sa ating mga mag-aaral.

Welcome to the San Jose Elementary School Family!



WELCOME TO SAN JOSE ELEMENTARY SCHOOL!Ma’am Elyza Camille B. BelenCounselor Associate ISa pamamagitan ng inyong malasaki...
17/09/2026

WELCOME TO SAN JOSE ELEMENTARY SCHOOL!

Ma’am Elyza Camille B. Belen
Counselor Associate I

Sa pamamagitan ng inyong malasakit, dedikasyon, at kaalaman, nawa’y maging katuwang kayo sa paghubog ng isang mas ligtas, maalaga, inklusibo, at suportadong kapaligiran ng bawat Batang San Josenians.

Nawa’y ang inyong presensya at serbisyo ay maging inspirasyon at gabay sa bawat batang nangangailangan ng pag-unawa, pagkalinga, at suporta.

Welcome to the San Jose Elementary School Family!



Isang taos-pusong pagbati kay Ethan Oracion sa kanyang kahanga-hangang tagumpay bilang GOLD MEDALIST sa Taekwondo – Free...
10/09/2026

Isang taos-pusong pagbati kay Ethan Oracion sa kanyang kahanga-hangang tagumpay bilang GOLD MEDALIST sa Taekwondo – Freestyle Category sa San Pablo City Division Meet 2026!

Dahil sa kanyang sipag, tiyaga, disiplina, at dedikasyon sa bawat ensayo, napatunayan niyang ang pagsusumikap ay nagbubunga ng tagumpay. At higit sa lahat, QUALIFIED siya para sa RAAM!

Ang San Jose Elementary School ay lubos na nagpapasalamat sa suporta ng ating Punong-Guro, G. Jayson B. Agarin, at sa kanyang tagapangalaga, G. Mark Froilan Enriquez, sa patuloy na paggabay, suporta, at pag-aalaga kay Ethan.

Lubos din ang aming pasasalamat sa mga magulang sa pagbibigay ng pahintulot at buong suporta upang makalahok siya sa kompetisyong ito.

Ang tagumpay na ito ay hindi lamang tagumpay ni Ethan, kundi tagumpay ng pamilya, paaralan, coach, at lahat ng taong naging bahagi ng kanyang paglalakbay.

Patuloy na lumaban, mangarap, at magtagumpay! Ipinagmamalaki ka namin, Ethan!

RESPECT. DISCIPLINE. HARDWORK.



Address

Purok 5, Brgy. San Jose
San Pablo City
4000

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+639194315809

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd San Jose Elementary School - San Pablo City posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to DepEd San Jose Elementary School - San Pablo City:

Shortcuts

Share

Category