20/01/2022
”Dear silent sufferer”
Kumusta? Alam ko naghahanap ka nang mapagsasabihan ng iyong pinagdadaanan pero wala Ka pa ring makita.
Walang may pake.
Walang nagri-reach out.
Walang gustong lumapit.
Kaya kapag tinatanong ka kung kumusta ka, “Okay lang” sagot mo kahit ang totoo, ang bigat nang salita na yan para sa’yo.
Pero yung totoo, Eto nagtatanong na ako. Hindi mo ako kilala, pero may pakialam ako sa’yo. Dahil naging kagaya rin kita nung ako’y naliligaw pa. Alam ko hindi ka sanay at ayaw mo lang makaabala, pero eto na. Nandito na ako kung tatanungin kita ulit nang “kumusta”, Mapagbibigyan mo ba akong magsasabi ka na nang totoo?
Try ulit natin a… “Kumusta?”
———
SKL. Isa sa pinaka memorable sakin dati nung ako pa yung nagtuturo sa youth namin sa church ay yung kapag tinatanong ko sila kung Kumusta na ba sila. Tapos isa-isa magsasabi sila isa isa:
”Okay lang po, Kuya Laij.”
”Okay lang din po ako.”
”Okay lang”
Ang di nila alam, alam ko na hindi sila okay talaga kasi as a youth leader nakikilala ko sila na parang mga anak na din kasi linggo linggo kaming magkakasama mula pa nung mga bata pa sila.
Masakit sakin minsan na hindi nila mashare sakin. Napapatanong na nga lang din ako sa sarili ko kung may problema ba sakin.
Hindi lang ba nila ako mapagkatiwalaan?
Bakit of all people sakin pa nila ayaw sabihin?
Masakit kasi gusto ko lang magreach out. Pero mas masakit nung narealize ko na naging kagaya rin nila ako nung ka-edad ko sila noon.
Mas open sa kaibigan kesa sa pamilya.
Mas gusto yung mapag-isa.
Mabilis makaisip ng alibi para hindi matanong kung anong totoong nararamdaman. At marami pang defense mechanism para maprotektahan yung aking tahimik na pinagdadaanan.
Late ko na nalaman na sobra pala ang natutulong kapag may napagsasabihan nang pinag-dadaanan.
Late ko na nalaman na kung humingi na pala ako ng tulong dati baka hindi ako nalubog ng sobrang lalim sa kinakalubugan ko.
Late ko na naintindihan na totoo pala yung mga verses na 1 Peter 5:6-7, Psalms 34:18, Matthew 11:28-30
Late ko na nakilala nang totoo si Lord at nalapitan Siya para ikwento, iiyak, isumbong, ihingi nang tawad, humingi nang tulong at isuko ang lahat ng dala-dala ko.
I wasted so much time being a silent sufferer at masakit sakin na nakikita ko yung phase na yun sa mga youth namin sa church.
Ayaw ko na silang dumaan pa dun, dahil alam ko mahirap pag sinasarili lang nila. Or kapag humanap na lang nang partner para may mapagsabihan sila kahit yung mahahanap nila ay kagaya rin nila (baka maghatakan lang sila), or kapag tumanda silang kinoconvince na lang yung sarili nila na okay lang sila kahit hindi naman talaga at konti na lang susuko na.
Kaya mga Bes at mga miss na miss ko nang Youth sa church natin, Isa lang itong paalala na kung ganito kayo ngayon, Remember na meron tayong Diyos na pwede nating malapitan at mahingian nang tulong.
Hindi niyo kailangan pag-daanan yan mag-isa.
Or maghanap nang iba na kapalit ni God.
SI LORD PA LANG MORE THAN ENOUGH NA.
Kung sa Kanya din kayo hihingi nang mga totoong kaibigan na mapagshe-sharean niyo, Meron at meron Siyang ili-lead sainyo.
Here’s me encouraging you na huwag kayong masanay na sinasarili lang yan. Kahit ano pa man yan.
I know It’s hard. But trust me.
REALLY, SEEK GOD. SURRENDER EVERYTHING TO HIM, ALL YOUR SUFFERING, ALL YOUR PAIN, ALL YOUR SIN and REPENT, HE IS THERE TO HELP YOU NO MATTER WHAT YOU ARE GOING THROUGH. HE IS A SAVIOR! OUR SAVIOR!
BES, TRUST GOD.
——
Also, If you feel na ready ka na ishare ito sa mga Bro and Sis mo in Christ we are here to help you too! Comment lang or message mo kami directly sa page. We can listen and pray for you!
Kaya again, Bes… Kumusta?
——
For more paalalas, Read your Bible.