PLSP Samahang Sikolohiya - SaSi

PLSP Samahang Sikolohiya - SaSi

Share

This is the official page of PLSP Samahang Sikolohiya

Photos from PLSP Samahang Sikolohiya - SaSi's post 24/06/2026

Kamusta ka? Kailan mo huling tinanong ang sarili mo niyan? 👋👥

Sa gitna ng mga gawain, deadlines, responsibilidad, at mga hamon sa araw araw, madalas nating nakakalimutang kamustahin ang ating sarili. Ang World Wellbeing Week ay paalala na mahalagang pangalagaan hindi lamang ang ating pisikal na kalusugan kundi pati ang ating mental, emosyonal, at sosyal na kagalingan. Minsan, sapat na ang isang simpleng pahinga, malalim na paghinga, o isang taong handang makinig upang gumaan ang ating nararamdaman. 🧠🤝

Kasabay ng pag aalaga sa sarili, mahalaga rin ang pagkumusta sa ibang tao. Hindi natin alam ang mga laban na tahimik nilang hinaharap, at ang simpleng "Kumusta ka?" ay maaaring maging simula ng paghilom at pag asa. Sa pagdiriwang ng World Wellbeing Week, maging paalala sana ito na hindi kailangang dalhin nang mag isa ang lahat. Magpahinga, huminga, makinig, at magbigay ng malasakit dahil ang tunay na kagalingan ay nagsisimula sa pag aalaga sa sarili at sa kapwa. 💫🌍



-BeingWeek

📝:Oliver Sarmiento
🖼️: Sky Victoria
🔍: James John Lumayot

Photos from PLSP Samahang Sikolohiya - SaSi's post 15/06/2026

Buwan ng Kamalayan para sa Kalusugang Pangkaisipan ng Kalalakihan 💙🩵

Madalas nating marinig ang katagang,"Lalaki ka, bawal umiyak." Dahil para sa iba, ito ay kahinaan ngunit ang pagpapakita ng kahinaan ng mga kalalakihan ay bahagi lamang ng pagiging mamamayan. 🫂❤️‍🩹

Ngayong Men's Mental Health Awareness Month, ating ipaalala na ang mga kalalakihan ay may karapatan ding magpahinga, umiyak, humingi ng tulong, at magsalita tungkol sa kanilang nararamdaman. Ang paghingi ng suporta ay hindi kahinaan, ito ay isang tanda ng tapang at pagmamahal sa sarili. 💯🫶🏻

Maging bahagi tayo ng isang komunidad na nakikinig, umuunawa, at sumusuporta. Dahil ang bawat boses ay mahalaga, at bawat damdamin ay may puwang na marinig. 🤍🫵🏻





🖼️: Viktoria Victoriano
📝: Shanchai Agreda
🔍: Jaime Regalario

Photos from PLSP Samahang Sikolohiya - SaSi's post 13/06/2026

🎶 Remember me, don't let it make you cry
For even if I'm far away, I hold you in my heart... ❤️‍🩹

Sa palabas na Coco, ipinakita kung gaano kahalaga ang alaala sa pagpapanatili ng koneksyon, pagkakakilanlan, at pagmamahal sa isa't isa. Ngunit sa realidad ng buhay, may mga taong unti-unting nawawala ang mga alaala dahil sa Alzheimer’s disease—isang progresibong sakit sa utak na nakaaapekto sa memorya, pag-iisip, pag-uugali, at kakayahang magsagawa ng pang-araw-araw na gawain. 🌿

Ngayong Hunyo, ipinagdiriwang ang Alzheimer’s & Brain Awareness Month upang magbigay ng kamalayan at kaalaman tungkol sa Alzheimer’s at iba pang uri ng dementia.

🔍 Mga Sintomas ng Alzheimer’s Disease:
• Pagkalimot sa mahahalagang impormasyon o bagong kaalaman
• Pagkalito sa oras at lugar
• Hirap sa pagdedesisyon at pag-iisip
• Problema sa pagsasalita o paghahanap ng tamang salita
• Pagbabago ng ugali at emosyon
• Hirap sa mga simpleng gawain tulad ng pagluluto o pag-aalaga sa sarili

✅ Paano mapanatiling malusog ang utak? • Regular na pag-eehersisyo
• Masustansyang pagkain tulad ng prutas at gulay
• Sapat na tulog at pahinga
• Pagbabasa at pagkuha ng mga bagong kaalaman
• Pakikisalamuha sa ibang tao
• Pagkontrol sa altapresyon, diabetes, at kolesterol

Hindi man lubusang napipigilan ang Alzheimer’s disease, malaking tulong ang pagkakaroon ng malusog na pamumuhay para mabawasan ang panganib nito at mas mapanatiling malinaw ang pag-iisip sa paglipas ng panahon. Kaya naman ngayong buwan ng kamalayan, tandaan natin na ang pinakamahalagang alaala ay hindi lamang ang mga importanteng impormasyon, kundi ang mga taong patuloy nating minamahal at pinahahalagahan. 💚✨️

Reference:

Alzheimer’s Association. (2025). Alzheimer’s & Brain Awareness Month.
https://www.alz.org/abam

Alzheimer’s Association. (2025). What is Alzheimer’s disease?
https://www.alz.org/alzheimers-dementia/what-is-alzheimers

Centers for Disease Control and Prevention. (2024). Tungkol sa Alzheimer’s disease.
https://www.cdc.gov/alzheimers-dementia/about/index.html

National Institute on Aging. (2024). Ano ang Alzheimer’s disease?
https://www.nia.nih.gov/health/alzheimers/what-alzheimers-disease

World Health Organization. (2023). Dementia fact sheet.
https://www.who.int/news-room/fact-sheets/detail/dementia



’s&BrainAwarenessMonth

📝: Shinally Dimacuha
🖼: Sky Victoria
🔍: James John Lumayot

Photos from PLSP Samahang Sikolohiya - SaSi's post 13/06/2026

Ala eh kahit naman kami ay garneng laging busy ay kami'y tapat pa rin umibig... este, maglingkod. 🤪💚

At dahil ang dedikasyon ay laging may katumbas na tagumpay, buong pagmamalaking ipinapakilala ang mga natatanging Ka-SaSi na nagtamo ng karangalan sa Gawad Hiraya 2026! 🏅✨️

Maraming salamat sa walang hangganang pag gabay at pamumuno sa PLSP Samahang Sikolohiya. ✊️🌟 Ang inyong mga natanggap na parangal ay patunay na ang pagsisikap ay may bunga at ang paglilingkod ay may halaga.

Nawa'y magsilbi itong inspirasyon upang patuloy pang mangarap, magsikap, at maging liwanag sa iba. Lagi't lagi para sa pamilyang SaSi! 🔱✨️



Photos from PLSP Samahang Sikolohiya - SaSi's post 06/06/2026

Pakikiisa. Pagkatuto. Pagbabago. 🧠✨

Nakiisa ang Samahang Sikolohiya sa ginanap na PSYNERGY Convention 2026 na may temang “Pagbalik, Pagtuklas, Pagsulong: Ang Sikolohiyang Pilipino Tungo sa Landas ng Makabuluhang Pagbabago.” Isinagawa ito noong Mayo 16, 2026 sa SJB Auditorium, Our Lady of Fatima University - Quezon City Campus. 💚🌱

Naging makabuluhan ang pagtitipong ito dahil nagbigay ito ng pagkakataon para sa pagkatuto, pagbabahagi ng kaalaman, at pagpapalawak ng pananaw sa larangan ng Sikolohiyang Pilipino. Patuloy na kaisa ang Samahang Sikolohiya sa mga gawaing naglalayong hubugin ang mga mag aaral tungo sa mas makabuluhang paglilingkod at pag unlad ng komunidad. ✨🤝



Photos from PLSP Samahang Sikolohiya - SaSi's post 05/06/2026

PAGBATI SA MGA NAGWAGI! 🤩🎉

Malugod naming binabati ang mga nanalong kandidato ng DALAMHASIK: Samahang Sikolohiya Election 2026! Ang inyong tagumpay ay bunga ng tiwala, suporta, at paniniwala ng mga mag-aaral sa inyong kakayahang mamuno at maglingkod. 🫡💯

Nawa’y magsilbi itong panibagong simula upang maisakatuparan ang inyong mga plataporma at maisulong ang kapakanan ng bawat mag-aaral ng Sikolohiya. Dalhin ninyo ang integridad, dedikasyon, at malasakit sa inyong panunungkulan. Muli, pagbati sa ating mga bagong halal na lider! 🫂🫵🏻

🖼️: Tricia Jizelle Inumerable
📝: Shanchai Agreda

04/06/2026

Ayon sa baraha, birthday raw ng Event Design Head today... 🔮🎂✨

At walang iba kundi ang nag-iisang Charot Reading Master ng SaSi, Kuya Zyphyr! 🥳 Happy happy happy birthday sa isa sa mga taong nagbibigay kulay, sigla, at creativity sa bawat proyekto ng samahan. Ang iyong husay sa pagdidisenyo, pagiging malikhain, at dedikasyon sa bawat gawaing hinahawakan ay tunay na kahanga hanga. Hindi lang talento ang dala mo, kundi pati sipag, malasakit, at pagiging maaasahang kasama na laging handang tumulong sa oras ng pangangailangan. 🌟💚

Bilang Event Design Head ng SaSi Creative Committee, napakalaki ng iyong naging ambag sa tagumpay ng iba't ibang programa at gawain ng organisasyon. Higit pa sa iyong talento, hinahangaan namin ang iyong kabutihan, pagiging mapagkumbaba, at ang paraan ng pagpapahalaga mo sa mga taong nasa paligid mo. Nawa'y patuloy kang pagpalain ng mas marami pang oportunidad, tagumpay, mabuting kalusugan, masasayang alaala, at isang masaya at matatag na relasyon. Maraming salamat sa lahat ng iyong ambag at dedikasyon sa SaSi. Maligayang kaarawan, Kuya Zyphyr! 🎂🎈



29/05/2026

Nasayo na ang lahat… oh my gosh, ibang klase ka talaga, Ate Tricia! 💅

Isang napakalaking pagbati kay Tricia Jizelle C. Inumerable, aCPHR, ang ating napakagaling na Creatives & Branding Officer ng Samahang Sikolohiya, sa matagumpay na pagpasa sa Associate Certified Practitioner in Human Resources (aCPHR). Tunay kang patunay na kapag sinamahan ng sipag, dedikasyon, talento, at determinasyon ang pangarap, siguradong maaabot ito. Sa bawat hamon at sakripisyong iyong hinarap, ipinakita mong kayang pagsabayin ang husay sa academics at pagiging malikhain sa larangan ng organisasyon. 🧠💫

Hindi lamang ang iyong talento ang hinahangaan ng marami kundi pati na rin ang iyong pagpupursige at malasakit sa mga bagay na iyong ginagawa. Ang tagumpay mong ito ay nagsisilbing inspirasyon sa maraming Ka SaSi na patuloy na nangangarap at lumalaban para sa kanilang kinabukasan. Tunay na ipinagmamalaki ka ng buong Samahang Sikolohiya. Patuloy kang magliwanag at abutin ang mas marami pang tagumpay, Ate Tricia! 🍀✨



29/05/2026

Brains, beauty, at hardwork? Ate Ches ng SaSi na ’yan! 🎀✨

Isang napakalaking pagbati kay Franches Kylle S. Vergara, CHRA, ang ating napakasipag at kahanga hangang External Vice President ng Samahang Sikolohiya, sa matagumpay na pagpasa sa Certified Human Resource Associate Examination Batch 71. Tunay kang patunay na ang talino ay mas lalong nagliliwanag kapag sinabayan ng dedikasyon, tiyaga, at pusong pursigidong maabot ang mga pangarap. Sa bawat puyat, pagod, at sakripisyo, ipinakita mong walang imposible para sa isang taong determinado at may malasakit sa ginagawa. 🔱💫

Hindi lang bilang lider kundi bilang inspirasyon sa maraming Ka SaSi, ipinapakita mong kayang pagsabayin ang husay, sipag, at pagiging totoo sa sarili. Ang tagumpay mong ito ay hindi lamang personal na achievement kundi inspirasyon din para sa mga estudyanteng patuloy na nangangarap at lumalaban. Tunay na ipinagmamalaki ka ng Samahang Sikolohiya. Padayon at patuloy na magliwanag, Ate Ches! 🤍✨



Photos from PLSP Samahang Sikolohiya - SaSi's post 29/05/2026

Mula sa pagpupuyat, pagdududa, at walang sawang laban—ngayon ay bunga na ng sipag at tiyaga ang tagumpay na ito! 💚

Isang taos-pusong pagbati sa mga bagong CHRA Batch 71 Passers! Patunay kayo na kapag may determinasyon at puso sa pangarap, walang imposible. Nawa’y magsilbi itong inspirasyon sa mas marami pang estudyante na patuloy lumaban kahit mahirap ang tatahaking landas. 🔱✨

Hindi ito ang dulo—simula pa lamang ito ng mas marami pang oportunidad at tagumpay. Padayon, future HR professionals! Ang mundo ay nangangailangan ng husay, malasakit, at dedikasyon na hatid ninyo. 🌟💼




Want your school to be the top-listed School/college in San Pablo City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


PLSP CAS Building, Brgy. San Jose
San Pablo City
4000

Opening Hours

Monday 8am - 8pm
Tuesday 8am - 8pm
Wednesday 8am - 8pm
Thursday 8am - 8pm
Friday 8am - 8pm