13/08/2026
Taos-pusong pasasalamat ng Concepcion Elementary School sa Sangguniang Barangay ng Concepcion, sa pangunguna ng ating masigasig na Punong Barangay, Hon. Eldrin M. Carandang, para sa kanilang mahalagang donasyon ng solar lights para sa ating paaralan.
Ang inyong suporta ay malaking tulong sa pagpapanatili ng isang ligtas, maliwanag, at maayos na kapaligiran para sa ating mga mag-aaral at buong school community.
Maraming salamat po sa inyong patuloy na pakikiisa at malasakit sa edukasyon! ๐