26/06/2026
๐๐๐ฅ๐ข๐ ๐ญ๐๐ฌ๐๐ง ๐๐ญ ๐๐๐๐ฒ๐ฎ๐ฌ๐๐ง ๐ฌ๐ ๐๐ฅ๐๐ญ๐จ๐ง ๐๐ฅ๐๐ฆ๐๐ง๐ญ๐๐ซ๐ฒ ๐๐๐ก๐จ๐จ๐ฅ
Bilang pagsunod sa ๐๐ฒ๐ฝ๐๐ฑ ๐ข๐ฟ๐ฑ๐ฒ๐ฟ ๐ก๐ผ. ๐ฒ, ๐. ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ o ๐๐ถ๐ช๐ฅ๐ฆ๐ญ๐ช๐ฏ๐ฆ๐ด ๐ฐ๐ฏ ๐๐ฏ๐ด๐ถ๐ณ๐ช๐ฏ๐จ ๐ข ๐๐ข๐ง๐ฆ ๐ข๐ฏ๐ฅ ๐๐ฐ๐ต๐ช๐ท๐ข๐ต๐ช๐ฏ๐จ ๐๐ฆ๐ข๐ณ๐ฏ๐ช๐ฏ๐จ ๐๐ฏ๐ท๐ช๐ณ๐ฐ๐ฏ๐ฎ๐ฆ๐ฏ๐ต, ipatutupad ng Platon Elementary School ang mga panuntunang naglalayong higit pang mapalakas ang seguridad, kaayusan, at disiplina sa loob ng ating paaralan.
๐
๐๐ฝ๐ฒ๐ธ๐๐ถ๐ฏ๐ผ ๐๐ถ๐บ๐๐น๐ฎ ๐๐๐ป๐๐ผ ๐ฎ๐ต, ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ (๐๐๐ป๐ฒ๐)
Narito ang mga alituntuning inaasahang susundin ng lahat:
๐น ๐ฃ๐ฎ๐ด๐ด๐ฎ๐บ๐ถ๐ ๐ป๐ด ๐ฆ๐ฐ๐ต๐ผ๐ผ๐น ๐๐
โ
Ang lahat ng mag-aaral, g**o, at kawani ay inaasahang may suot o dalang School ID sa bawat pagpasok at paglabas ng paaralan.
๐น ๐ ๐ด๐ฎ ๐๐น๐ถ๐๐๐ป๐๐๐ป๐ถ๐ป ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐บ๐ด๐ฎ ๐๐ถ๐๐ถ๐๐ฎ
โ
Ang mga magulang, tagapag-alaga, at iba pang bisita ay kinakailangang:
โข Magpakita ng valid ID
โข Mag-iwan ng ID habang nasa loob ng paaralan
โข Magtala ng kanilang pangalan sa logbook
โข Magsuot ng Visitor's Pass hanggang sa kanilang paglabas
๐น ๐ฃ๐ฎ๐ป๐ฎ๐ป๐ฎ๐๐ถ๐น๐ถ ๐๐ฎ ๐๐ผ๐ผ๐ฏ ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐น๐ฎ๐ป
โ
Upang hindi makaabala sa oras ng klase, hindi papayagang manatili sa loob ng paaralan ang mga magulang o tagapag-alaga maliban kung may mahalagang dahilan. Maaari lamang silang manatili sa itinakdang waiting area kapag dismissal na.
๐น ๐ฃ๐ฎ๐ด๐น๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐ ๐ฎ๐ด-๐ฎ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐น ๐๐ฎ ๐ง๐ฎ๐ป๐ด๐ต๐ฎ๐น๐ถ๐ฎ๐ป
โ
Ang mga mag-aaral na uuwi o susunduin para mananghalian ay kinakailangang may Gate Pass na may pahintulot o waiver mula sa kanilang magulang o tagapag-alaga.
๐น ๐๐ป๐ด๐ธ๐ผ๐ฝ ๐ป๐ฎ ๐๐ฎ๐๐๐ผ๐๐ฎ๐ป
โ
Inaasahan ang lahat ng pumapasok sa paaralan na magsuot ng maayos at nararapat na pananamit.
๐น ๐ฃ๐ฎ๐ด๐๐๐๐๐ฟ๐ถ ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ด
โ
Bilang bahagi ng pagpapatibay ng seguridad, lahat ng bag ay maaaring inspeksyunin sa pagpasok sa paaralan.
๐น ๐ฆ๐บ๐ผ๐ธ๐ฒ-๐๐ฟ๐ฒ๐ฒ ๐ฆ๐ฐ๐ต๐ผ๐ผ๐น
๐ญ Mahigpit na ipinagbabawal ang paninigarilyo sa loob ng buong paaralan.
๐น ๐๐ป๐๐ฝ๐ฒ๐ธ๐๐๐ผ๐ป ๐๐ฎ ๐บ๐ด๐ฎ ๐ฆ๐ฎ๐๐ฎ๐ธ๐๐ฎ๐ป
๐ Ang lahat ng sasakyan at motorsiklong papasok sa paaralan ay sasailalim sa plain view inspection bago pahintulutang makapasok.
๐ Ang mga patakarang ito ay isinakatuparan upang mapangalagaan ang kaligtasan at kapakanan ng bawat mag-aaral, g**o, kawani, at panauhin sa ating paaralan.
Umaasa po kami sa inyong pakikipagtulungan at responsableng pagsunod sa mga alituntuning ito upang sama-sama nating mapanatili ang isang ligtas, maayos, at positibong kapaligiran sa Platon Elementary School.
Maraming salamat po sa inyong patuloy na tiwala at suporta. ๐