15/01/2026
โ๐๐๐๐ง๐ ๐ข๐ฅ ๐๐ก๐ฎ๐ค๐๐ก๐๐ฆ๐ง๐ข๐๐~~ 2x
โ๐๐๐ซ๐๐ง๐ ๐ก๐๐ง๐๐ฎ๐ง ๐ฑ๐๐๐๐๐๐~~
โ๐๐๐๐ง๐ ๐ข๐ฅ ๐๐ก๐ฎ๐ค๐๐ก๐๐ฆ๐ง๐ข๐๐~~
โ
โCongratulations! hindi kana illegal kase legal kana ๐๐ 18 na yarnn...pero yung height pang 10..charot lng hahahaha ๐๐๐คฃ๐คฃ
โSana magsaya ka sa kaarawan mu ngayon g! Tandaan mu matanda kana charot lngg..xddd
โ
โMaligayang kaarawan at happy fiesta ๐ฅโค๏ธ๐
โNawa'y magsaya at mag-enjoy ka sa araw mo ngayon, HBD! ๐ฅ
Mula sa pagkamit ng ikaapat na puwesto sa Pagsulat ng Lathalain sa Filipino ay nangangahulugang ikaw ay tunay na masipag, mahusay at may dediskasyon sa iyong ginagawa! โ๏ธโค๏ธ
Hiling ng KAPARIZ ang kagalakan ng iyong puso. Ibayong malakas na pangangatawan at kalusugan, masiglang buhay at mapayapang pamilya kasama ang libo libong biyaya na naghihintay sayo! Ang iyong husay at sipag ay s'yang tunay na susi mo sa iyong pagkapanalo! ๐
Maligayang Kaarawan at Mahal ka namin, Ate Jealene!
31/12/2025
๐๐ช๐ก๐ค๐ฎ ๐๐ฃ๐ ๐๐๐ฃ๐๐๐ง๐๐ฅ ๐๐๐ฃ๐๐๐๐ฃ๐ 2026
Maraming hindi binigay sayo ang tadhana,
Sumahin mo, at hindi matanaw sa balintataw ng iyong mga mata,
Mithiing pangarap ay nasa kalayuan pa rin pala,
Ngunit hindi pwedeng "tigil na" o "saka na",
Sapagkat may bukas pa.
Ipagdasal mong hindi maging maramot si 2026,
Abutin mo sa paniniwalang ang bukas mo ay hindi mahadlangan,
๐๐ช๐ฃ๐ ๐ฃ๐๐๐๐ฃ๐ ๐ข๐๐จ๐๐ฎ๐ ๐ ๐, ๐ฉ๐๐ฅ๐ค๐จ ๐ฃ๐.
๐๐ช๐ฃ๐ ๐ฃ๐๐๐๐ฃ๐ ๐ข๐๐ก๐ช๐ฃ๐๐ ๐ค๐ฉ ๐ ๐, ๐๐๐ฃ๐๐ ๐ฅ๐.
Magpatuloy ka, kahit wala pa,
Para sayo,
Hindi para sa kanila.
MANIGONG BAGONG TAON, FASHS! โจ
Isinulat ni | Marahuyo
Sa Disenyo ni | Ang Ladlad
30/12/2025
๐๐ถ๐๐๐ฒ๐บ๐ฏ๐ฟ๐ฒ 30: ๐๐ฟ๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ด๐๐ป๐ถ๐๐ฎ ๐๐ฎ ๐บ๐ฎ๐ด๐ถ๐๐ถ๐ป๐ด ๐ป๐ฎ ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ถ ๐ป๐ฎ ๐๐ถ ๐๐ฟ. ๐๐ผ๐๐ฒ ๐ฅ๐ถ๐๐ฎ๐น
Sa araw na ito, ating ginugunita ang ika-129 na anibersaryo ng pagkamatay ni Jose Rizal, na pinaslang sa pamamagitan ng pagbaril noong Disyembre 30, 1896, sa Bagumbayan, na mas kilala ngayon bilang Liwasang Rizal.
Siya ay pinaratangan ng pamahalaang kolonyal ng Espanya bilang utak ng himagsikan, ngunit sa halip na manahimik ang taong bayan, ito ang naging daan upang mas naisin nila ang kalayaan.
Bilang pag-alaala sa pagbubuwis ng buhay ni Rizal at ng Pilipinong nag-alay ng kanilang buhay para sa kalayaan ng ating bayan, itinalaga ng dating Pangulong Emilio Aguinaldo ang ika-30 ng Disyembre bilang pambansang araw ng pagluluksa at pista opisyal.
Sa paggunita ng pagkamatay ni Rizal, namumuhay parin sa mga Pilipino ang kanyang diwa at mga pinaglalaban. Nawa'y hindi lamang sa mga bulalak manatili ang ating pagaalay at pag-alaala sa nakaraan, ngunit maging mapanata sa kasalukuyan. Panatilihin buhay ang pag-asa para sa malaya at makatarungang bayan.
Maligayang araw ni Rizal!๐ต๐ญ
โ๏ธ | Mayaraw
๐จ | Ang Ladlad
26/12/2025
๐ ๐๐ฆ๐๐ฌ๐๐ก๐ ๐๐๐๐ฅ๐๐ช๐๐ก, ๐ฅ๐๐๐๐ก ๐๐๐ ๐!
Mula sa iyong katapatan at pagiging aktibo bilang kalihim, kasabay ng iyong alindog na may maliwanag na mga ngiti, ay tiyak na liwanag sa dilim! Hindi namin malilimutan ang iyong kagalakang nagpapa-indak sa amin, mga tawa mong tila'y katapusan na ng sansinukob at ang iyong katalinuhang napupuno rin ng katapangan at lakas ng loob!
Isa kang mahusay na mamahayag, sa pamamagitan ng iyong bosesโhindi mo lamang binabalita ang iyong binabasa, lumilikha ka ng pagbabago at katatagan sa bawat kabataang makaririnig nito. Ang iyong kahusayan sa pagsulat ng balita at lakas ng loob sa pagsasalita ang tunay na susi sa iyong tagumpay.
Hiling ng aming mga puso na magpatuloy ka sa tinatahak mong landas, maging masaya ka sa bawat minuto't oras at patuloy mong makubli ang mga taong tunay na nagmamahal sa iyo. Ibayong kalakasan sa iyong pangangatawan, kagalakan sa iyong puso at kapayapaan sa iyong sarili gayon din sa iyong pamilya.
Mula sa Kabataang Pangarap ni Rizal (KAPARIZ) walang dahilan para ikaw ay malimutan! Masayang Kaarawan Rhian Alma Culaban! ๐๐ป
24/12/2025
PERO BAKIT SA IBA?
"2025, ikaw na ang taon ko!" Hindi lang sakin nanggaling ang mga salitang ito --- maaaring sayo, sa kaniya, o sa ibang tao na humiling ng buong puso sa kalawakan na --- kanila ang taon na ito. Tumingin ka sayong mga kamay at mapapagtantuan mong kaya mo ng bilangin sayong mga daliri ang mga araw bago matapos ang taon dahil --- pasko na naman pala, parang walang nagbago, mas marami pa ang nawala, at parang hindi ko naman naging taon 'to, parang umasa lang ako. Pero bakit sa iba naman naging masaya sila?
Sa mga sandaling naiisip natin kung bakit hindi tayo kasing saya ng iba ngayong pasko ay dahil sa loob ng labindalawang buwan ng taon na ito ay sari-saring mga eksena ang ibinato sa atin ng mundo --- may answered prayers, may inalis, may masaya, may hindi naipaglaban at may galit. Isang paalala lang na ang pasko ay hindi lamang tungkol sa kasiyahan, sapagkat maaari rin itong magpahintulot sa pag-alaala, pagluluksa sa nawala at pagyakap sa mga puwang na naiwan.
"Hindi kailangang maging masaya ng pasko para maging totoo ang bigat na dala mo. Kung may lungkot sa gitna ng liwanag at awit, maaari itong manatili kasabay ng bawat yakap at pag-usbong ng pag-ibig."
Kaya ngayong pasko, "Thankyou Lord" muna sana ang unang sambitin ng ating mga labi, dahil sa lahat ng mga kahong nakabalot sa ilalim ng christmas tree, ang pagmulat sa umaga ng may ngiti at pagpapasalamat sa puso ang pinaka magandang regalo na matatanggap ng kahit na sino. Piliin nating makuntento sa pinaka maliit o pinaka malaking bagay na matatanggap natin ngayong pasko, dahil hindi lahat ng natutupad para sa iba ay umaayon lang para sa iba. Maghintay sa mahinahon at magandang paraan.
MALIGAYAHANG KAPASKUHAN, FASHS!
- Kapariz ๐
โ๏ธ | Rhian Culaban
๐จ | Jealene Tubigan
24/12/2025
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐! ๐
Kumusta na kayo, Falcons? Siguradong ikinatutuwa ninyo na araw na rin ng Pasko, pagkatapos ng mahabang paghihintay!
Simula โ-berโ months pa lang, iba na ang simoy ng hangin sa Pilipinas. Kumpara sa ibang bansa, maaga tayo magdiwang, kaya kahit Setyembre pa lang, may nagsisimula na mangaroling! Ngunit, kumpara rin sa dati, hindi na ganoon kaingay ang ilang barangay at kakulay; tila isa na lang itong normal na okasyon.
Ganoon pa man, tandaan natin na ang Pasko ay hindi lang tungkol sa dekorasyon, kung gaano karami ang inyong handa, gaano karami ang natanggap na regalo, o kung gaano kaingay ang lugar. Ito ay tungkol sa nilalaman ng ating puso at sa pagmamahal natin sa bayan. Ang diwa ng Pasko ay nagmumula sa pagbibigayan at pagmamahalan, ito ang tunay na mga regalo na hindi matutumbasan ng kahit ano.
Sama-sama nating ipagdiwang ang Pasko na may ngiti, kasama ang mga mahal natin sa buhay na bumuo sa kung sino tayo ngayon. Sulitin natin ang araw ng kapanganakan ng ating Amang Tagapagligtas na si Hesukristo, ipakita natin ang pagmamahal at pagpapasalamat sa pamamagitan ng pagtanggap sa ating mga kapatid, kadugo man o hindi.
Hangad ng Kabataang Pangarap ni Rizal (KAPARIZ) na maligaya ang inyong Pasko kasama ang mga mahal sa buhay, Falcons.
Maligayang Pasko sa inyong lahat! ๐
๐
โ๏ธ | Hayden Punzalan
15/12/2025
๐ผ๐ฐ๐ป๐ธ๐ถ๐ฐ๐๐ฐ๐ฝ๐ถ ๐บ๐ฐ๐ฐ๐๐ฐ๐๐ฐ๐ฝ, ๐๐ธ๐ ๐น๐พ๐๐ด๐ป!
๐ก๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐บ๐๐๐บ๐๐บ๐๐บ๐
๐บ๐๐บ๐ ๐บ๐๐ ๐ป๐บ๐๐บ๐ ๐๐บ๐-๐บ๐บ๐๐บ๐
๐๐บ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐บ, ๐ฝ๐พ๐ฝ๐๐๐บ๐๐๐๐ ๐บ๐ ๐๐บ๐
๐บ๐๐ ๐๐บ๐๐บ๐๐ ๐๐บ๐๐๐บ๐๐บ๐๐บ๐
๐๐บ ๐บ๐๐๐๐ paaralan. ๐ฌ๐๐
๐บ ๐๐บ ๐๐๐บ ๐บ๐ป๐๐ ๐๐พ๐๐๐บ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐บ ๐ป๐บ๐๐๐บ๐ ๐๐บ๐๐๐๐บ๐๐ ๐๐บ ๐๐๐บ ๐๐๐บ๐๐บ๐๐ ๐๐บ๐ ๐๐บ๐๐บ๐๐บ๐๐ ๐๐บ๐๐๐บ๐๐บ๐บ๐
๐บ๐
๐บ ๐บ๐ ๐๐๐๐ฝ๐ ๐๐บ ๐๐บ๐๐๐๐
๐บ๐๐, ๐ฒ๐๐! ๐ฌ๐บ๐๐บ๐๐๐๐ s๐บ๐
๐บ๐๐บ๐ ๐๐! ๐
Ngayong araw ay nasa amin ang kahilingan ng inyong ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐'๐ ๐๐๐๐๐ข๐๐๐ ๐๐๐๐๐ข, ๐๐๐. Kayo po ang nagsisilbing dahilan kung bakit ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐! ๐ฆ
Isinulat ni: Rhian Culaban
Sa Paglalapat ni: Hayden Punzalan
30/11/2025
Walang mahalagang hindi inihandog
ng pusong mahal sa Bayang nagkupkop,
dugo, yaman, dunong, katiisaโt pagod,
buhay maโy abuting magkalagot-lagot
- Pag-ibig sa tinubuang Lupa, G*t Andres Bonifacio.
Ngayong araw ang ika-162 anibersaryo ng kapanganakan ni G*t Andres Bonifacio, ang 'Ama ng Himagsikan' na nagpaalab ng tapang at himagsikan sa pusong dalisay sa pagkapilipino.
Hindi lang sa talim ng sandata ang pinamalas niyang pag-aaklas. Isa rin siyang manlilikha ng mga akda na nagsilbing pakikibaka para sa kalayaang hinahangad laban sa pananakop at pang-aapi ng mga dayuhan.
Nakikiisa ang Kabataang Pangarap ni Rizal sa paggunita ng ika-162 kaarawan ni Bonifacio, Dakilain nawa at maging inspirasyon sana ito sa puso ng bawat mamamayan upang lalong magningas ang pusong makabayan. Mas mamulat, makiisa, at lumaban para sa bayan. Happy birthday, Boni!๐
โ๏ธ: Kandiling-Ulap
๐จ: Likha
19/11/2025
๐ค: Ano ba ngayon?
๐คธ๐ฝโโ๏ธ๐ (Kapariz): Huwebes po atee!
Sandali! Hindi lang pala ito isang normal na Huwebes, dahil ngayon ay..KAARAWAN NG ISANG PRESIDENTE NGAYON!
Sino nga ba siya? Abangan sa susunod na episode.
*Cut!*
Oh, ito na at baka magalit na. ๐
Maligayang kaarawan sa napaka bangis, maligalig, masiyahin, maganda, at makulit na presidente ng Kapariz!
Sino nga ba siya?! Edi, ang nag-iisang Leeanne Noela Guevarra! ๐
(Leeanne Noela Guevarra?!)
Ikaw ay isang modelo at inspirasyon sa nakakarami. Patuloy mong hasain ang iyong talento at kakayahan, kasabay ng pagbibigay saya sa taong napapaligiran mo.
Tunay na napaka suwerte namin na maranasan ang iyong pamamahala ng organisasyong ito, kahit madalas kang mataranta at dinadamay ang ibang tao. ๐ฅบ CHAROT LANG!
Ang tanging kahilingan namin ay matupad ang lahat ng pangarap mo at makabuo pa ng maraming masasayang ala-ala kasama ka.
Huwag ka magbabago pero sana magbago ka na. Biro lang po! Huwag ka magbabago at ipagpatuloy mo lang ang serbisyong tapat!
Mahal na mahal ka namin. Muli, maligayang kaarawan Leeanne! ๐ฅบ
14/10/2025
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐, XIERA!
Maligayang Pagbati sa bundok ng Xiera Madre~ay este๐
๐ Xiera Li Da Silva! Ang iyong presensya at suporta sa organisasyong ito ay hindi matatawaran. Patuloy naming pinapanalangin na mahalin mo ang mga bagay na patuloy nagpapangiti at nagpapasaya sayo! Manatiling marikit sa kahit ano mang pagsubok!
Sa iyong espesyal na araw, ang pagsisimula ng bagong kabanata โ nawaโy mapuspos ka ng pagmamahal, saya, at mga biyayang karapat-dapat para sa iyo. Patuloy mong paghusayin ang iyong pag-aaral at huwag kang titigil sa pagbibigay ng tuwa at kabutihan sa mga nasa paligid mo.
Maraming salamat sa lahat ng naiambag mo sa organisasyon na ito. Lubos ang aming pagbati sa iyong kaarawan, Xiera! Nawaโy matupad ang lahat ng iyong pangarap at kahilingan; nawa'y ipanalo mo ang bawat laban na iyong sasabakan at gawing insipirasyon ang mga karanasan na iyong patuloy na tinatahak!
Mula sa Kabataang Pangarap ni Rizal (KAPARIZ), maligayang kaarawan muli! ๐๐
06/10/2025
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐, HAYDEN?!
Kahit late na, hinding-hindi ka namin malilimutan! Patunay ka ng isang aktibong miyembro na mahusay, aktibo at masiyahin. Ipagpatuloy mo ang iyong liwanag sa bawat kabanata na susulatin mo!โจ
Sa iyong espesyal na araw, ang pagsisimula ng bagong kabanata โ nawaโy mapuspos ka ng pagmamahal, saya, at mga biyayang karapat-dapat para sa iyo. Patuloy mong paghusayin ang iyong pag-aaral at huwag kang titigil sa pagbibigay ng tuwa at kabutihan sa mga nasa paligid mo.
Maraming salamat ng lahat ambag mo sa organisasyon na ito. Lubos ang aming pagbati sa iyong kaarawan, Hayden! Nawaโy matupad ang lahat ng iyong pangarap at kahilingan; nawa'y ipanalo mo ang bawat laban na iyong sasabakan at gawing insipirasyon ang mga karanasan na iyong patuloy na tinatahak!
Mula sa Kabataang Pangarap ni Rizal (KAPARIZ), maligayang kaarawan muli! ๐๐
03/10/2025
๐ฆ๐ฎ๐น๐ฎ๐บ๐ฎ๐, ๐ ๐ฎ๐ฎ๐บ. ๐๐ต๐ผ๐ฟ๐!
Teacher's Day o Teacher's Month man, patuloy ka naming pasasalamatan Maam. Lhorz sa iyong aktibong paggabay at pagsuporta sa organisasyong ito. Nawa ay marami ka pang maturuang mag-aaral gamit ang iyong masaya at malaman na paraan.
Mula sa KAPARIZ, ikaw po ang dahilan kung bakit walang labis at sakto sa hugis!
Ano mang araw o buwan, lagi at lagi ka po naming pasasalamatan!
Salamat muli, Maam. Lhorz!โจ