DepEd Tayo Sta.Catalina ES-San Pablo City

DepEd Tayo Sta.Catalina ES-San Pablo City

Share

An Elementary School in Brgy.Sta. Catalina,San Pablo City,Laguna,Philippines

Photos from Vibal Group's post 11/06/2026

✨Education in Emergencies✨

Upang mas maintindihan ang bagong Learning Continuity Matrix ayon sa DepEd Order No. 14, s. 2026 na inilabas ng Department of Education, narito ang mas komprehensibong paliwanag ng nasabing kautusan.



Photos from DepEd Tayo Sta.Catalina ES-San Pablo City's post 11/06/2026

✨PASASALAMAT SA NACILA CORPORATION✨

Lubos po kaming nagpapasalamat sa NACILA CORPORATION sa kanilang bukas-palad na pagkakaloob ng school supplies para sa aming mga mag-aaral sa Grade 1. Malaking tulong po ito sa paghahanda ng mga bata sa kanilang pagkatuto. Maraming salamat sa patuloy na pagsuporta sa edukasyon.



11/06/2026

πŸ“’ π—˜π——π—¨π—–π—”π—§π—œπ—’π—‘ π—œπ—‘ π—˜π— π—˜π—₯π—šπ—˜π—‘π—–π—œπ—˜π—¦ (π—˜π—Άπ—˜)
𝗛𝗔𝗬𝗒 β€’ π—›π—œπ—‘π—”π—¬ β€’ π—›π—œπ—‘π—šπ—” β€’ π—›π—œπ—‘π—§π—’

Alinsunod sa DepEd Order No. 14, s. 2026, ipinakikilala ng Sta. Catalina Elementary School ang apat na antas ng pagpapatuloy ng edukasyon sa panahon ng sakuna, kalamidad, at iba pang emergency situations.

βœ… 𝗛𝗔𝗬𝗒 – Tuloy ang regular na pagkatuto at pagtuturo.
βœ… π—›π—œπ—‘π—”π—¬ – Tuloy ang pagkatuto ngunit may mga pagsasaayos upang mabawasan ang stress at presyon.
βœ… π—›π—œπ—‘π—šπ—” – Inuuna ang kalusugan, kaligtasan, at kapakanan ng mga mag-aaral at g**o.
βœ… π—›π—œπ—‘π—§π—’ – Pansamantalang itinitigil ang mga gawaing pampaaralan upang matiyak ang kaligtasan ng lahat.

Sa anumang sitwasyon, nananatiling mahalaga ang kaligtasan, kalusugan, at kapakanan ng ating mga mag-aaral, g**o, at mga magulang.

πŸ“š Sama-sama nating isulong ang ligtas, matatag, at tuloy-tuloy na edukasyon para sa bawat batang Sandig!




Photos from DepEd Tayo Sta.Catalina ES-San Pablo City's post 09/06/2026

πŸ“’πŸš¨ Unannounced Earthquake Drill sa Sta. Catalina Elementary School πŸš¨πŸ“’

Bilang bahagi ng patuloy na paghahanda sa anumang kalamidad, nagsagawa ng unannounced earthquake drill ang Sta. Catalina Elementary School upang masubok ang kahandaan at mabilis na pagtugon ng mga mag-aaral, g**o, at kawani.

Nakibahagi rin sa isinagawang drill ang ating Tagamasid Pampurok ng Sto. Angel, Sir Rodel A. Baclig, na nagbigay ng mahahalagang paalala at gabay upang higit pang mapabuti ang ating mga hakbang sa panahon ng lindol.

Ang gawaing ito ay isinagawa kaugnay ng kamakailang lindol sa Mindanao kahapon ng umaga, na nagsisilbing paalala sa kahalagahan ng pagiging laging handa at alerto.

Patuloy nating paigtingin ang kamalayan at disiplina sa pagsunod sa mga safety protocols para sa kaligtasan ng lahat.




Photos from DepEd Tayo Sta.Catalina ES-San Pablo City's post 09/06/2026

πŸ“’βœ¨ Monitoring at Technical Assistance ng OIC-ASDS βœ¨πŸ“’

Lubos na nagpapasalamat ang Sta. Catalina Elementary School sa pagbisita ni OIC-ASDS, Sir Marbin Jeramil D. Fragata para sa isinagawang monitoring at pagbibigay ng technical assistance kaugnay ng pagbubukas ng klase.

Sa kanyang pagdalaw, personal niyang sinuri ang kalagayan ng paaralan upang matiyak ang maayos na implementasyon ng mga programa at kahandaan ng mga g**o at mag-aaral sa panuruang taon. Ang kanyang mga gabay at rekomendasyon ay magsisilbing mahalagang pundasyon sa patuloy na pagpapabuti ng kalidad ng edukasyon na ating ibinibigay.

Kami po ay taos-pusong nagpapasalamat sa kanyang patuloy na suporta, paggabay, at dedikasyon sa pagpapaunlad ng ating paaralan.




Photos from DepEd Tayo Sta.Catalina ES-San Pablo City's post 09/06/2026

πŸ“’βœ¨ Monitoring at Technical Assistance ng Tagamasid Pampurok βœ¨πŸ“’

Isang mahalagang pagbisita ang isinagawa ng ating Tagamasid Pampurok ng Sto. Angel, Sir Rodel A. Baclig, sa Sta. Catalina Elementary School bilang bahagi ng monitoring at pagbibigay ng technical assistance sa pagbubukas ng klase.

Sa kanyang pagbisita, kinumusta ni Sir Rodel ang kalagayan ng ating mga mag-aaral, mga g**o, at ang kabuuang sitwasyon ng paaralan upang matiyak ang maayos at epektibong pagsisimula ng panuruang taon. Ang kanyang mga obserbasyon at mungkahi ay magsisilbing gabay sa patuloy na pagpapabuti ng ating serbisyong edukasyonal.

Lubos kaming nagpapasalamat sa kanyang patuloy na suporta at paggabay para sa kapakanan ng ating paaralan at ng bawat mag-aaral.




Photos from DepEd Tayo Sta.Catalina ES-San Pablo City's post 08/06/2026

πŸ“’πŸš¨ Monitoring ng San Pablo City CDRRMO πŸš¨πŸ“’

Nagsagawa ng monitoring ang San Pablo City CDRRMO sa Sta. Catalina Elementary School bilang bahagi ng paghahanda at pagtitiyak ng kaligtasan ng paaralan sa pagbubukas ng klase.

Pinangunahan nina Mr. Arvin Carandang at Mr. Jomar Fernandez ang nasabing gawain na naglalayong masuri ang kahandaan ng paaralan sa usaping disaster risk reduction and management at matiyak ang ligtas na kapaligiran para sa ating mga mag-aaral.

Lubos ang aming pasasalamat sa kanilang suporta at patuloy na paggabay upang mapanatili ang isang ligtas, maayos, at handang paaralan para sa lahat.
οΏ½ οΏ½


Photos from DepEd Tayo Sta.Catalina ES-San Pablo City's post 08/06/2026

πŸ“’βœ¨ Monitoring at Technical Assistance para sa Matagumpay na Pagbubukas ng Klase βœ¨πŸ“’

Isang karangalan para sa Sta. Catalina Elementary School ang pagbisita ni Sir Felipe Valdemoro mula sa Division of San Pablo City para sa isinagawang monitoring at technical assistance kaugnay ng maayos at ligtas na pagbubukas ng klase ngayong panuruang taon.

Layunin ng nasabing gawain na masig**o ang kahandaan ng paaralan sa iba’t ibang aspetoβ€”mula sa pasilidad, kagamitang panturo, hanggang sa implementasyon ng mga alituntunin ng DepEd. Ang kanyang mga obserbasyon at mungkahi ay magsisilbing gabay upang lalo pang mapabuti ang serbisyong pang-edukasyon para sa ating mga mag-aaral.

Lubos ang aming pasasalamat sa patuloy na suporta at paggabay ng Division of San Pablo City sa pagpapaunlad ng kalidad ng edukasyon sa ating paaralan.
οΏ½ οΏ½


Photos from DepEd Tayo Sta.Catalina ES-San Pablo City's post 08/06/2026

πŸ“šβœ¨ Maligayang Pagbabalik-Eskwela, Sta. Catalina Elementary School! βœ¨πŸ“š

Isang makabuluhang pagsisimula ang ating unang araw ng pagbabalik-eskwela ngayong taon! Nagsimula ang araw sa isinagawang morning assembly kung saan muling nagsama-sama ang ating mga mag-aaral, g**o, at kawani sa iisang layuninβ€”ang patuloy na paglinang ng kaalaman at magandang asal.

Nagbigay din ng maikling pagpapaliwanag si Sir Billy Ray P. Panoy, ating masipag na Punong-Guro, tungkol sa bagong 3-term calendar ng DepEd, upang gabayan ang lahat sa mga pagbabagong inaasahan ngayong panuruang taon.

Bago tuluyang nagtungo sa kani-kanilang mga silid-aralan ang ating mga mag-aaral, ipinakilala rin ni Sir Billy ang buong school personnel ng Sta. Catalina Elementary Schoolβ€”ang mga g**ong handang gumabay, magturo, at magsilbing inspirasyon sa bawat batang mag-aaral.

Tunay ngang ang bagong simula ay puno ng pag-asa at oportunidad. Sama-sama nating harapin ang panuruang taong ito nang may determinasyon, disiplina, at dedikasyon!

Muli, maligayang pagbabalik sa paaralan!




Want your school to be the top-listed School/college in San Pablo City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Address


San Pablo City
4000