14/08/2022
Lahat ay inaanyayahan na makiisa sa National Launch and Command Conference ng Oplan Balik Eskwela (OBE) para sa SY 2022-2023 ngayong Lunes, Agosto 15!
Alamin sa ating Command Conference ang mga pinakahuling ulat ukol sa mga paghahanda na isinasagawa ng ating mga partner agencies upang masuportahan ang pagbabalik-eskwela.
Panoorin ang livestream ng programa sa opisyal na page, YouTube channel, at website ng DepEd Philippines sa ganap na ika-9 ng umaga.
Nilalayon ng OBE na matiyak na ang mga mag-aaral mula sa mga pampubliko at pribadong paaralan ay maayos na makapagpatala. Nilalayon din nitong tugunan ang mga katanungan at iba pang alalahanin na karaniwang nararanasan ng publiko sa pagsisimula ng taong-panuruan.
Para sa iba pang detalye kaugnay sa OBE 2022, basahin ang DepEd Memorandum No. 63, s. 2022: bit.ly/DM63S2022