07/08/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐๐ | MULTO
๐๐๐ฎ ๐ข๐๐ ๐ฅ๐๐ฃ๐๐๐ง๐๐ฅ ๐ฃ๐ ๐๐๐ฃ๐๐ ๐ฉ๐ช๐ก๐ช๐ฎ๐๐ฃ๐ ๐ฃ๐๐ข๐๐ข๐๐ฉ๐๐ฎ, ๐๐ฅ๐๐ฃ๐๐ฅ๐๐ ๐๐ฉ ๐ก๐๐ข๐๐ฃ๐ ๐ฃ๐ ๐๐๐๐๐ฃ-๐๐๐๐๐ฃ ๐๐๐ฃ๐๐๐๐ฃ๐ ๐จ๐ ๐ข๐๐จ๐๐ฃ๐๐ฎ ๐๐ฃ๐ ๐ฅ๐ช๐จ๐ค ๐ฃ๐ ๐๐๐ฃ๐๐ ๐ฃ๐ ๐๐ฉ๐ค ๐๐๐ฃ๐๐ฅ๐๐ฃ ๐ฅ๐.
Sa dulo ng senior high school, ang kabataan ay hindi lamang humahakbang patungo sa kinabukasan, kundi humaharap sa isang tahimik na pamimilit, piliin ang kursong magpapasaya o piliin ang kursong magpapakain.
Sa bawat pagbukas ng pintuan ng kolehiyo, may kasabay na pagsasara ng ilang pangarap. Ang โAno ang gusto mo?โ ay unti-unting natatabunan ng โAno ang praktikal?โ Hanggang sa ang dating malinaw na boses ng pasyon ay nagiging bulong na lamang at ang bulong ay nagiging katahimikan.
Nakakalungkot isipin na sa murang edad natututo nang mamili ang kabataan hindi ayon sa tibok ng puso, kundi ayon sa bigat ng bulsa. Ang pintor ay nagiging inhinyero, ang musikero ay nagiging accountant, ang manunulat ay nagiging nurse, hindi dahil nagbago sila, kundi dahil kinailangan nilang baguhin ang sarili upang umayon sa pangangailangan.
Ngunit sa likod ng bawat โpraktikalโ na desisyon may tanong na unti-unting kumakain sa katahimikan ng gabi, Kung hindi ko pinili ang gusto ko, talagang buhay ko pa ba ito? O isa na lamang itong maayos na bersyon ng paglimot sa sarili? Dito nagsisimulang mamulat ang marami na ang piniling seguridad ay maaaring may kapalit na katahimikan ng sariling damdamin.
๐๐๐๐๐ก ๐ ๐ค ๐๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐จ๐จ๐๐ค๐ฃ ๐ ๐ค, ๐ฅ๐๐ง๐ค ๐ข๐๐๐๐ก ๐๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐จ๐จ๐๐ค๐ฃ ๐ ๐คโฆ.
Hindi maikakaila na ang praktikalidad ay kinakailangan. Sa mundong puno ng gastusin, responsibilidad, at limitadong oportunidad, ang pagpili ng kursong may trabaho ay tila mas ligtas na hakbang. Ngunit ang tanong, ligtas ba ito kung kapalit naman ay ang unti-unting pagkawala ng sigla ng puso? Ang kabuhayan ay maaaring maipundar ngunit paano ang kabuhayang may saysay?
Sa paglipas ng panahon, maraming kabataan ang natututong mabuhay sa loob ng desisyong hindi nila lubos na pinili. Dito unti-unting lumilitaw ang masakit na katotohanan na hindi lahat ng matagumpay ay masaya, at hindi lahat ng praktikal ay tama para sa pagkatao. Ang ilang tagumpay ay maganda lamang sa mata ng iba, ngunit tahimik na mabigat sa loob.
Ito ang katotohanang bihirang sabihin nang direkta sa mga magtatapos na sa pagpili ng kinabukasan, maaaring may bahagi kang iiwan sa likod, isang pangarap na hindi na muling tatawagin, isang bersyon ng sarili na hindi na mababalikan. At habang tumatagal hindi na ang tanong ay โano ang pinili mo,โ kundi โano ang unti-unti mong kinalimutan.โ
Sa huli, ang praktikalidad ay maaaring magligtas sa buhay, ngunit kung ang praktikalidad ang nagliligtas sa buhay, sino naman ang magliligtas sa mga pangarap na tahimik nitong isinantabi, mga pangarap na patuloy na minumulto ng damdamin kahit matagal nang piniling kalimutan?
Isinulat ni: Ayessa Carabeo
Dibuho ni: Juan Miguel Duria