A quite toddler sometimes
KCC - salacot
Behavior and play therapy center
23/09/2024
Our son’s Playschool Journey 🏫
“Magsasawa agad sa pag aaral yan ang aga pa”
“Bakit pinasok mo na sa school napaka bata pa”
“Dapat jan nag lalaro lang di nag aaral nag mamadali ka”
Karaniwang salita na nadidinig namin sa twing malalaman nila na nag aaral na sa Playschool ang anak namin.
Share ko lang mga mi,
As a parent, syempre kinakabahan ako nung una para sa anak ko. Naiisip ko na wala ako sa tabi nya baka sinasaktan sya don baka di sya okay don baka di nya pa talaga gusto. Madaming “BAKA” sa isip ko to the point na umiiyak na ko dahil sa mga what if’s sa utak ko.
Inenroll ko sya sa playchool at exactly 24 months. Dapat mas maaga pa dapat 1 1/2 year old lang papasok ko na sya pero sabi ko sige pag ka 2 nalang nya.
Bakit nga ba kami nag desisyon ng asawa ko na ipasok na sya kahit 2 years old palang sya?
-wala syang ibang kalaro (as in wala)
-kami lang mag mommy ang mag kasama twing gabi lang at weekends nanjan ang daddy nya
-nauubusan na ako ng ipapagawa sakanya, more on charts, cards at other educational toys ang nilalaro namin pero di yun sapat
-dahil nakita ko ang interest niya sa pagbabasa at paggawa ng mga activities na nagagawa sa school like coloring, painting, reading, writing.
Ilan lamang yan ang dahilan pero ang pinaka main reason namin ng asawa ko bakit siya inenrol ay para
✅mas maenhance ang social skills niya
✅verbal at language development
✅communications skills
✅interaction with other kids na ka-age niya
✅masanay na kahit wala ako, maging comfortable siya sa iba tao
✅mabawasan ang tantrums
✅marunong magshare at magsabi ng Borrow
✅can play independently
✅magkaroon ng mga friends
✅matuto habang nag lalaro
Madami pa syang ibang natutunan sakanya school nya at ilan lang yan sa mga pointers namin.
sa unang buwan namin may iyakan kami araw araw twing papasok sya pero grabe ang improvement nya. Naiiyak ako sa tuwa lalo na excited akong ikuwento sakanya daddy nya yung mga nangyayare sakanya. Ako kasi ang nag hahatid sundo sakanya everyday.
At ngayon na 4 months na kami sa playschool nya, grabe pumapasok na sya mag isa, nakita ko yung improvement nya lalo na sa pakikipag laro sa kapwa bata at sa mga taong nakapaligid sakanya. Mas naging interested sya sa mga bagay bagay. Independent na sya at madami pa talaga.
Super happy kami sa naging journey nya. Kaya sobrang thankful ako sa mga teachers niya na guided talaga sila, mababait at mahaba ang pasensya.
Kung noon lagi umiiyak si Evan at buhat buhat pa ngayon hindi na. Consistency is the key talaga. Hanggang sa bahay dala nakin ang mga practice na ginagawa nila sa school.
BAKIT BA KASI NEED PA MAG-PLAYSCHOOL NA YAN, GASTOS LANG YAN. Kung kaya naman sa budget, bakit hindi diba.
Sa playschool kasi mas mabibuild yung Social skills nila, at mas ma-eenhance yung language development nila through communication and vocabulary.
Maraming age approapriate na activities na mas mailalabas nila yung creativity nila and to develop their fine and gross motor skills.
They will learn how to follow instructions.
Makakatulong din ito sa Emotional Intelligence nila kasi they can navigate to understand social situations and manage their emotions.
Syempre, hindi mawawala ang usual na ginagawa sa school na reading writing counting ganon.
Kaya super thankful ako sa Kid Chain Camp, at sa lahat ng teachers, classmates and also sa mga Co Mommies ko na nakakapag share din kami ng mga experience namin.
Keep it up Evan, Mommy and Daddy are always here for you and we’re always proud of you.
Sa playschool more on play talaga sila hindi intensive learning kaya mas advisable talaga to para sa mga babies na kagaya ni Evan.
Kaya kung gusto mo din ipasok o ienroll yung anak mo sa playschool go mi. Mas okay na mas maaga sila maturuan.
Happy 10th anniversary
Kid Chain Camp 🥰
25/06/2024
Dahil 10years na tayo Kidchaincamp
Kcc salacot extension will give a FREE ASSESSMENT!!!!!! From August to September 2024
Hurry!! And get your slot
25/06/2024
KID CHAIN CAMP
SALACOT EXTENSION
AUGUST 2024!
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Website
Address
Salacot
San Miguel
Opening Hours
| Monday | 9am - 5pm |
| Tuesday | 9am - 5pm |
| Wednesday | 9am - 5pm |
| Thursday | 9am - 5pm |
| Friday | 9am - 5pm |