Kalayakan Elementary School

Kalayakan Elementary School

Share

Kalayakan Elementary School

16/02/2021
28/05/2020

DepEd's Final decision: Walang face to face classes ngayong taon, blended learning ang alternatibong pamamaraan. Printed modules o Online, TV, Radio ang gagamitin.

Education Secretary Leonor Briones: Ang pinakamalaking hamon ay COVID-19 at paano tayo lahat magre-respond, paano babaguhin ang pamamaraan sa pagtuturo para magpatuloy ang edukasyon

DepEd chief says they are exploring alternative options like blended learning: Meron lang kalituhan na hindi tugma ang posisyon ng Presidente at ng DepEd. Ayaw din namin ng face-to-face at dikit-dikit sa classroom kung walang health standards

DepEd: Ang sinasabi natin, may alternatives. Lahat ay paraan para ang mga bata ay patuloy mag-aaral sa kanilang mga bahay

DepEd says it will not allow face-to-face learning: Hinding-hindi papayagan ang typical na classroom setup

DepEd says online platform DepEd Commons already has about 7 million subscribers for learning at home

DepEd: Nag-umpisa na kami makipag-usap kay PCOO Sec. Martin (Andanar) kung pwede gamitin ang TV at radio facilities ng PTV

DepEd: Walang contradiction o pagsuway ang Department of Education. Hindi obligado ang mga bata na pumunta sa eskwelahan

DepEd: At the very least, 10 months pa tayo maghihintay para sa vaccine. Madaming means of communication para sa pag-aaral: Cellphone, telebisyon, radyo

DepEd Undersecretary and Chief of Staff Atty. Nepomuceno Malaluan says if schools will increase tuition fees, they must ask permission from their regional directors and substantiate them

DepEd on steady tuition fees charged by private schools despite blended learning: Kung hindi naman ibinaba, 'yung pagbabago ng lessons na nasa loob ng silid-aralan na ihahatid sa tahanan ay may karagdagan ding gastos. Iba ang porma sa paghahatid nito

DepEd says it is re-budgeting funds to support shift into self-learning modules which will either be printed or converted into digital format. If by TV, there's production work involved

DepEd Undersecretary Annalyn Sevilla: From June 1-30, ito ang ating enrollment. We want this to be done remotely, previous advisers will contact Grade 1-12 students. Kung hindi po makakapag-remote enrollment, ihahatid po ang form sa community o bahay

DepEd says students will be allowed to enroll despite the lack of assurance public transport will be available because most learning will not be done face-to-face: Hindi problema ang transportasyon kung remote sila mage-enroll

DepEd: We have three months to prepare. In alternative modes of studying, students don't need to leave their homes.

Under IATF guidelines, residents aged below 21 are not allowed to head out in areas under enhanced or general community quarantine

DepEd says most respondents in its survey said they have laptops or desktops

Can parents choose which mode of learning will their kids take? DepEd: This can be chosen in the survey form we released

What can parents who don't have budget to buy gadgets do for the next school year? DepEd: Hindi po kailangang bumili ng bagong gadget, kailangan lang po sa pag-enroll ay sagutin kung meron bang internet o wala para maiangkop ang porma ng paghahatid ng pag-aaral

DepEd: Sa pakikipag-usap natin sa mga ibang partners, magsisimula ngayong June 1 ang Brigada Eskwela, Oplan Balik Eskwela

DepEd: Kahit walang gadget or Internet, kami po'y maghahanda ng printed learning modules na gagawan namin ng paraan pano ihahatid sa mga tahanan

DepEd says it is also crafting policies if ever students will be left alone at home if their parents are supposed to head to work

DepEd chief: Walang pagkakaiba ang pananaw ng Presidente sa programa ng DepEd

DepEd: At the end of the day, desisyon ito ng parents at rerespetuhin namin ang desisyon nila if ie-enrol nila o hindi ang kanilang mga anak. 'Di tayo nakikiuso. Ayaw natin maantala o ma-interrupt ang learning process ng mga bata. Sa ibang bahagi ng mundo, nag-open na ang klase.

Hininikayat ang mga estudyante na makiisa sa Online Enrolment upang malaman ng pamahalaan kung anong pamamaraan ang gagamitin upang patuloy na makapag-aral ang bata sa bahay.

23/05/2020

Repost:
Para po sa mga Magulang:
!
Kaunting kaalaman patungkol sa pagbubukas ng klase sa August 24, 2020 for SY 2020-2021.

Ang School Year 2020-2021 ay magbubukas sa August 24, 2020 pero HINDI ibig sabihin na FACE TO FACE Learning may four Alternative Delivery Modes ang DepEd para isagawa ito...

Kung ano ang gagamitin ay depende na po sa paaralan na bibigyang permiso ng Regional at Division Office kaya po tayo mag-eenroll starting June 1 para ipagbigay alam natin sa paaaralan ang delivery mode na iyong kakayanin para sa inyong anak.

1. FACE TO FACE - ito ang traditional classroom scenario... na sa palagay ko marami ang may ayaw sapagkat nandiyan ang panganib na ma-infect... malinaw po na ito ay gagamitin lamang sa mga lugar na walang banta ng Covid na papahintulatan ng IATF... Babawasan din po ang bilang ng mga mag-aaral at dapat i-observe ang minimum health standards.

2. Distance Learning
a. Online Distance Learning - ito ay pag-aaral gamit ang internet, laptop at smart phones. Maaaring (real time.. ibig sabihin... kailangan mong mag-online sa oras ng iyong klase) o asynchronous (mag-oonline ka lamang pag may kakayahan ka na ayon sa time frame na binigay ng iyong g**o).

b. Modular - ito ay paggamit ng mga learning modules na ibibigay ng paaralan na maaaring printed o electronic.

c. Paggamit ng TV and Radio Broadcast
- ang distance learning mode na ito ay nangangailangan ng suporta ng magulang. Kung ang tanong ay paano ako magtuturo sa anak ko ay wala naman akong kakayahan... habang hinihintay po ang August 24 ay bibigyan po ng pagkakataon ang mga magulang o sinumang volunteer na i-capacitate ang sarili para dito... ito ay sa pamamagitan ng trainings na ibibigay ng paaralan.

3. Blended Learning - pinagsamang Learning Modalities 1 and 2.

4. Home-based Schooling - mula sa salitang home, ang bata ay nasa bahay lamang nag-aaral kasama ang magulang bilang g**o.

*Kung ang tanong ay paano naman po bibigyan ng marka ang mga bata - ang sagot, maglalabas ang DepEd ng panibagong Assessment Tool.

Saan naman kukuhanin ang grades ng mga bata? Paano isasagawa ang assessment?
*Sa distance learning ay Formative Test lang ibibigay (hindi po graded ang formative) pero ang bata ay magte-test sa oras na pwede na at may pagkakataon na... kaya po habang nasa bahay, dapat ay ma-master ng bata ang skills na dapat niyang matutunan para sa pag-eexam niya kaya na niyang magsagot.

Anong skills ang ituturo sa bata?
- babawasan po ng DepEd ang Learning Competencies - magpo-focus po tayo sa Most Essential Learning Competencies (MELC).

Saan po kukuha ng mga learning modules? Babayaran po ba?
- Ito po ay provided ng paaralan.

Kung ipagpapaliban po natin ngayong taon ang pasukan dahil walang bakuna... sigurado po ba tayo na by next year may bakuna na? Paano po kung aabutin pa ng 2 o 3 o higit pang taon bago magkaroon ng bakuna.. ibig sabihin po ba ay 3 o higit pang taon hihinto ang ating mga anak sa pag-aaral?

Tayo po ay binibigyan ng DepEd ng mga paraan upang hindi mahinto ang pagkakatuto ng ating mga anak... kooperasyon at suporta lamang po ang kailangan.

Pero at the end of the day.... ang desisyon po kung i-eenroll ninyo ang inyong mga anak this school year ay nasa inyong mga kamay.

21/04/2020

Sa mga mag-aaral at magulang,

Para sa pagpapatuloy ng pagkatuto habang may ECQ sanhi ng COVID19, ang paggamit sa DepEd Commons ay LIBRE, walang data charge kung Globe at TM subscriber ka. Kahit wala kang load ay makapapasok ka pa rin sa DepEd Commons. Susunod na rin po ang Smart, Talk & Text, atbp. Stay Safe at Home.




Photos from Kalayakan Elementary School's post 31/03/2020

To our frontliners, as you protect us may our God protect you,too.
-AiraAndrea Magallanes
Gr4

31/03/2020

Simple & sweet messages from our learners to our dearest FRONTLINERS!❤❤❤

Photos from Kalayakan Elementary School's post 31/03/2020

To all our frontliners,
Maraming salamat po. God loves you
From: Nigel Legaspi
Grade2

Photos from Kalayakan Elementary School's post 31/03/2020

To our modern heroes/frontliners!
Thank you very much❤❤❤

Photos from Kalayakan Elementary School's post 31/03/2020

Pra sa aming mgigiting na Frontliners!
Maraming salamat po!

Want your school to be the top-listed School/college in San Miguel?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


Sitio Kalayakan, Kakawakan
San Miguel
3011