Sta. Cruz National High School, San Miguel Leyte

Sta. Cruz National High School, San Miguel Leyte

Share

Go Soar - Sta.Cruz NHS, San Miguel, Leyte

Photos from Sta. Cruz National High School, San Miguel Leyte's post 30/08/2025

Meet the Faces of Change!

Presenting our Mr. and Miss Eco Ambassadors 2025 โ€” young leaders who embody environmental awareness, responsibility, and action.
With passion in their hearts and advocacy in their voices, they inspire us to protect, preserve, and promote a sustainable future.
Letโ€™s celebrate their journey as champions of an eco-smart tomorrow!

What: Mr. and Miss Eco Ambassador s 2025
When: September 12, 2025 at 3:00 PM
Where: Sta. Cruz National High School Plaza


. Cruz National High School

Photos from Sidlit- Pampaaralang Pahayagan's post 14/02/2025

King and Queen of Hearts 2025 Coronation at Grade 12 Legacy Ball, Matagumpay na Isinagawa!!

Ginanap ang Grand Coronation Rights ng King And Queen of Hearts 2025 kasabay ang Legacy Ball ng mga ika-12 antas sa Sta. Cruz Covered Court, February 13.

Sinimulan ang programa sa pagko-korona ng mga kandidata ng King and Queen of Hearts 2025 sa pangunguna ni Gng. Milagros Macasusi, Punong G**o at ng mga Faculty Officers sa pangunguna ni G. Gabriel Matabilas.

Nakamit ng baitang 11 na sina Bb. Marian De Leon at G. Kevin Morados ang ika-limang pwesto, para sa ika-apat na pwesto nakuha ito nina Bb. Yvaeh Jihan Molino ng baitang 9 at G. Matt Rosales ng baitang 12. Nagkamit naman ng ika-tatlong pwesto ang baitang 7 na si Bb. Levelen Batugon at G. Louie Balais ng baitang 9, para sa ikalawang pwesto nakuha ito nina Bb. Aizequille Pardilla at G. Ralph Brian Balais na parehong galing sa baitang 10. Nagkamit ng unang pwesto si Bb. Romelyn Abejar ng baitang 8 at G. Dennis JR Saclay ng baitang 7. At ang nagkamit ng titulo bilang King and Queen of Hearts 2025 ay mula sa baitang 12 na si Bb. Keiane Feb Terrado at G. Franz Nigel Viador ng baitang 8.

Ang Legacy Ball ay isa sa mga pinakahihintay na kaganapan ng mga estudyante, hindi lamang bilang isang selebrasyon ng pagkakaibigan at pag-ibig, kundi pati na rin bilang paggunita sa kanilang mga naging karanasan bago tumungo sa kolehiyo. Ang naturang prom ay maihahalintulad bilang โ€œA Night To Rememberโ€ sa mga estudyante ng Senior High School ng Sta Cruz National High School.

via | Kyron Jay Terrado - Sidlit- Pampaaralang Pahayagan
larawan - Gwen Gam

Photos from Sidlit- Pampaaralang Pahayagan's post 08/02/2025

Idinaos ang TESDA Auto Mechanic Training Orientation sa Sta.Cruz National High School (SHS) kasama ang mga mag aaral ng ika-11 at ika-12 baitang, Enero 25.

Sinimulan ang gawain sa pamamagitan ng pagpakilala ng mga bisita na sina Kenneth V. Tobilla- Industry Liaison Officer at Fritz C. Peliciano- World Vision Project officer na sinundan naman ng pagbibigay impormasyon patungkol sa pagiging iskolar at maging ang mga benipisyo na maaring makuha sa programang ito.

Tinapos ang kaganapan sa pamamagitan ng pagpapasalamat ni G. Kenneth Tobilla sa mga mag-aaral at g**o ng Sta Cruz National High School.

via- Ruth Ebal
- Ronalyn Cirera

Photos from Sidlit- Pampaaralang Pahayagan's post 08/02/2025

Tingnan: Child Protection Policy Orientation, Inilunsad ng Sta. Cruz National High School

Sabay- sabay na sinimulan ang oryentasyon tungkol sa Child Protection Policy ng Sta. Cruz National High School sa mga lugar na nasasakupan nito, Enero 25.

Pinasinayaan ng Punong G**o, Gng. Milagros Macasusi at ng mga Master Teachers, G. Jose Vencito, Gng. Laura Salomon, Gng. Ma. Salvacion Biaco, Gng. Ruth Delima, Gng. Dayna Labastida, Gng. Dyna Abala kasama ng mga g**o ang pagtalakay sa mga paksa alinsunod sa layunin nitong mapangalagaan ang kapakanan ng mga bata at ang pagpapaliwanag sa kapakanan nila.

Aktibong nakibahagi at nakilahok sa nasabing pagtitipon.ang mga magulang Mula sa Brgy. Sta. Cruz, Malpag, Caraycaray,Mawodpawod, Bagacay, Pinarigusan, Santol.

via - Sidlit- Pampaaralang Pahayagan

24/01/2025

TARA, MAGPALISTA NA! ๐Ÿ“ฃ๐Ÿ“‹
Ka-DepEd, bilang paghahanda para sa pagbubukas ng School Year 2025-2026, isasagawa simula ngayong Sabado, Enero 25, ang Early Registration sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa.
Inaanyayahan ang mga magulang o guardian ng mga incoming Grade 7, at Grade 11 learners na magtungo sa paaralan upang maipalista ang mga bata.
Para sa iba pang detalye at requirements sa early registration, makipag-ugnayan lamang sa paaralan

TARA, MAGPALISTA NA! ๐Ÿ“ฃ๐Ÿ“‹

Ka-DepEd, bilang paghahanda para sa pagbubukas ng School Year 2025-2026, isasagawa simula ngayong Sabado, Enero 25, ang Early Registration sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa.

Inaanyayahan ang mga magulang o guardian ng mga incoming Kindergaten, Grade 1, Grade 7, at Grade 11 learners na magtungo sa kanilang napiling paaralan upang maipalista ang mga bata.
Para sa iba pang detalye at requirements sa early registration, makipag-ugnayan lamang sa paaralan.



Photos from Sidlit- Pampaaralang Pahayagan's post 01/02/2024

๐™๐™ž๐™ฃ๐™œ๐™ฃ๐™–๐™ฃ: ๐˜พ๐™ค๐™ฃ๐™ซ๐™š๐™ง๐™œ๐™š๐™ฃ๐™˜๐™š ๐™ค๐™› ๐™Ž๐™˜๐™๐™ค๐™ค๐™ก ๐™ƒ๐™š๐™–๐™™๐™จ/๐˜พ๐™ค๐™ค๐™ง๐™™๐™ž๐™ฃ๐™–๐™ฉ๐™ค๐™ง๐™จ ๐™ฉ๐™ค ๐™Ž๐™š๐™ฃ๐™ž๐™ค๐™ง ๐™ƒ๐™ž๐™œ๐™ ๐™Ž๐™˜๐™๐™ค๐™ค๐™ก๐™จ ๐™Š๐™›๐™›๐™š๐™ง๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™๐™‘๐™‡ ๐™๐™ง๐™–๐™˜๐™ 

Matagumpay na isinagawa ang Convergence of School Heads/Coordinators to Senior High Schools Offering TVL Track, pinangunahan ng Punong G**o ng Sta. Cruz National High School, Gng. Milagros P. Macasusi sa tulong ng Senior High School Coordinator, Gng. Dyna A. Abala. na ginanap sa FHL Farm and Resort, ika-1 ng Pebrero.

Sinimulan ang gawain bandang alas 9:00 ng umaga sa pamamagitan ng Ribbon Cutting bilang pagkilala sa mga gawa o output ng mga mag-aaral ng Landscape Installation Maintenance(LIM) sa pangunguna ni Hon. Atty. Norman D. Sabdao (Municipal Mayor), Atty. Paz Barbaza(OIC-Supply Office), Gng. Gina P. Diloy( Education Program Supervisor), G. Gerry B. Ranes( Division TLE/TVL Coordinator), Gng. Loreta A. Gulariza(EPS in EPP Designate) G. Arlan U. Magallanes(Peso Representative), G. Chesterton O. Reyes(MPDC) G. Danilo D. Panao(District Supervisor), at G. Antonio Acuin lll(Sk Chairman of Sta. Cruz).

Sinundan ito ng pambungad na pananalita mula kay Gng. Milagros P. Macasusi punong g**o ng paaralan na nagpabatid ng kanyang pasasalamat sa lahat ng mga panauhin na dumalo

Ipinakilala naman ang mga panauhin mula sa iba't ibang lugar ng Paaralan ng Leyte ni Gng. Dyna A. Abala, SHS Coordinator kung saan mula sa iba't ibang paaralan Leyte.

Nagbahagi ng kani-kanilang mensahe sina Hon. Atty. Norman Sabdao, Municipal Mayor, Miguel, G.Chesterton O. Reyes ang MPDC, at G. Arlan Magallanes ang Peso Representative.

Ipienaliwanag naman ni Gng. Loreta A.
Gulariza(EPS in EPP Designate) ang Guidelines for Festival of Talents.

Nagbigay naman ng kanyang virtual message si Dr. Teodorico G. Peliรฑo ang OIC-ASDS. Kung saan nag paabot naman ito ng pasasalamat sa lahat ng mga pumunta ak nakilahok sa convergence. Gayundin sa ginawang pag hahanda upang maging matagumpay ang nasabing convergence.

Natapos ang gawain sa ganap na alas 3:00 ng hapon.

"Convergence is indeed a resounding success...VIVA TLE/TVL ADVOCATES KUDOS"

sidlit / Trisha Faye Balida, Desiree Mae Acaso
larawan : Jobel Lacbayen, Ma.Necie L. salazar

Photos from Sidlit- Pampaaralang Pahayagan's post 30/01/2024

Kaganapan: SCNHS 4Ps Parents General Assembly Isinagawa

Matagumpay na Isinagawa ang unang SCNHS 4Ps General Assembly Meeting sa pangunguna ng Punong G**o, Gng. Milagros Macasusi sa Sta. Cruz National High School School by the Bay, Ika 25 ng Enero.

Unang nagbahagi ng mensahe ang SCNHS 4ps Coordinator, Gng. Ma. Salvacion Biaco, kung saan nilinaw niya ang ilang tungkulin ng mga magulang bilang miyembro ng 4ps sa edukasyon ng mga anak.

Nagkaroon ng paghalal ng mga piling opisyal ng organisasyon ng 4Ps, pinagusapan ang ilang mahahalagang agenda kasama na rito ang pagkakaroon ng Gulayan sa Paaralan ng mga miyembro, ang monitoring form na ipapasa isang beses sa Isang buwan at ang bubuoing pathway mula shs hanggang Science Laboratory na pagtutulungan ng lahat ng miyembro.

Natapos ng matiwasay ang pagpupulong bandang alas 3 ng hapon.

via : Cherry Joy Labarrete - Sidlit- Pampaaralang Pahayagan
larawan | Kim Jayson Corton, Julius Roland Santos

Photos from Sidlit- Pampaaralang Pahayagan's post 30/01/2024

๐—ง๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ป๐—ฎ๐—ป: ๐—ง๐—ต๐—ฟ๐—ฒ๐—ฒ-๐——๐—ฎ๐˜† ๐—Ÿ๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ ๐—ผ๐˜‚๐˜ ๐—ถ๐—ป-๐˜€๐—ฒ๐—ฟ๐˜ƒ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ ๐—ง๐—ฟ๐—ฎ๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ช๐—ผ๐—ฟ๐—ธ๐˜€๐—ต๐—ผ๐—ฝ ๐—ผ๐—ป ๐—›๐—ข๐—ง๐—ฆ-๐—ฃ๐—Ÿ๐—ฃ'๐˜€ ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—–๐—ก๐—›๐—ฆ ๐— ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ด๐˜‚๐—บ๐—ฝ๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ฎ ๐—ฆ๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—บ๐˜‚๐—น๐—ฎ๐—ป

Matagumpay na sinimulan ng Sta.Cruz National High School ang unang araw ng Three-Day Live out in-service Training Workshop on Higher Order Thinking Skills - PLP's, Ika 26 ng Enero.

Pinangunahan ng Punong G**o, Gng. Milagros Macasusi sa tulong ng kanyang kinatawan Gng. Ma. Salvacion A. Biaco ang pagbubukas ng unang araw ng training na dinaluhan ng lahat ng mga g**o.

Sinimulan ang gawain sa pagpapaliwanag ng Statement of Purpose sa pangunguna ng Master Teacher II, G. Jose Vencito.

Nagbahagi ng natatanging paksa ang Ilan sa mga g**o ng Mathematics Department na sina Gng. Sheila B. Labordo, Gng. Symoneth Asis at G. Julius Roland Santos, Gng. Ruth Delima at mula sa Language Department, Gng. Melanie Baiรฑo.

Kinakitaan naman ng kawilihan at kooperasyon ang mga g**o sa pakikinig at sa mga sumunod na gawain.

via Laura B. Salomon- Sidlit- Pampaaralang Pahayagan
larawan |Jobell Lacbayen

30/01/2024

Early Registration 2024-2025
"Makapag-Aral ay Karapatan Mo! Magpalista!"

STA. CRUZ NATIONAL HIGH SCHOOL'S ๐—˜๐—”๐—ฅ๐—Ÿ๐—ฌ ๐—ฅ๐—˜๐—š๐—œ๐—ฆ๐—ง๐—ฅ๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฐ-๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฑ ๐Ÿ“ฃ๐Ÿ“ฃ

Tikang buwas January 27 (Sabado) โ€“ February 23, 2024 ( Byernes) puyde na igpa enrol an iyo mga bata para ha SY 2024-2025!

An masunod an kinahanglon dad on ha eskwelahan:

GRADE 7
*Photocopy of PSA Birth Certificate
*Accomplished Basic Education Enrolment Form

Grade 11
*Photocopy of PSA Birth Certificate
*Accomplished Basic Education Enrolment Form

Balik-aral/Transferee;
*Photocopy of PSA Birth Certificate
*Report Card (SF9) of last school year attended
*Accomplished Basic Education Enrolment Form

Para han kasayuran ngan dugang nga impormasyon, pwede bilngon an mga masunod:
1. Jobell B. Lacbayen
G7 Enrolment Focal Person
2. Julius Roland D. Santos
G11 Enrolment Focal Person
3. Rizalina G. Gilo
Overall Enrolmemt Focal Person
EMIS In-Charge
4. Milagros P. Macasusi
School Principal

Damo na Salamat!!!

via Julius Roland Santos - Sidlit- Pampaaralang Pahayagan

Want your school to be the top-listed School/college in San Miguel?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


Brgy. Sta. Cruz
San Miguel

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm