17/07/2025
ANUNSIYO PUBLIKO | Suspensiyon ng F2F classes sa San Mateo Rizal
SUSPENDIDO bukas, ika-18 ng Hulyo 2025, ang FACE-TO-FACE CLASSES sa LAHAT NG ANTAS ng mga PAMPUBLIKO AT PRIBADONG PAARALAN sa ating bayan. Ayon sa huling ulat ng PAGASA, inaasahang magiging ganap nang bagyo ang Tropical Depression Crising ngayong gabi kaya't inaasahan ang malakas na pag-ulan sa mga susunod na oras. Iminumungkahi para sa mga eskuwelahan ang pansamantalang pagpapairal ng MODULAR o DISTANCE LEARNING upang hindi maantala ang pag-aaral ng mga estudyante.
Ito ang mga emergency hotlines na maaaring tawagan sakaling may mga humihingi ng tulong:
📞 PNP - (02) 8297-8100 loc. 114; 0998-5985-728; 0917-1129-995
📞 MDRRMO - (02) 8297-8100 loc. 129; 0954-355-0707; 0985-394-2424
📞 BFP - (02) 8297- 8100 loc. 134; 0963-0203-591; 0956-086-4541
📞 DPOS - (02) 8297-8100 loc. 131
Manatiling alerto, Bayan ng San Mateo!