03/02/2024
PANALO!
Isang magandang karanasan ang napunla sa asignaturang Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan (FSPL) sa pagsasama-sama ng 12-ABM Fayol, Taylor at 12-HUMSS Locke, Montesquieu, at Voltaire sa kanilang Praktikal na pagdiriwang ng lahat ng kanilang natutuhan, sa pangunguna ni Ginoong John Robert T. Banquil Jr., o mas kilalang Juan Roberto
Nagkaroon ng kamustahan sa pagitan ng ABM-HUMSS, at nagkaroon ng mga palaro.
Dagdag pa, sa nasabing praktikal na pagdiriwang, isinagawa ang paggagawad ng Sertipiko ng Pagkilala at Pakikilahok sa mga mag-aaral na nagpamalas ng kani-kanilang HUSAY at GALING sa nasabing asignatura kaya naman ang nasabing praktikal na pagdiriwang ay matagumpay na naisakatuparan!
✅ Kudos sa 12-HUMSS Locke
Sa kanilang HUSAY sa pamamahala sa kabuuang pagdiriwang, at sa Sertipiko na ipinamahagi.👌
✅ Kudos sa 12-ABM Taylor
Sa kanilang husay sa pamamahala sa pagkuha ng magagandang larawan sa naturang pagdiriwang. 🫶
✅ Kudos sa 12-HUMSS Voltaire
Sa kanilang husay sa pamamahala ng daloy ng palatuntunan, palaro, at sounds. 🎊
✅ Kudos sa 12-ABM Fayol
Sa kanilang husay sa pamamahala sa pagpapakita ng larawan ng mga kalahok sa naturang pagpaparangal. ✨
✅ Kudos sa 12-HUMSS Montesquieu
Sa kanilang husay sa pamamahala ng desenyo ng entablado at daraanan ng mga panauhin. ♥️
At sa ating lahat, na nagpagod para maging posible ang lahat ng ito 👏👏👏