21/02/2022
Magandang araw mga KAPARIZ!
Isang pinagpalang araw sa inyong lahat! Ang Kapisanan ng KAPARIZ ay nagsagawa muli ng isa pang programa na pinamagatang, "Open Mic: Spoken Word Poetry" na may temang: "Hugot damdamin sa gitna ng pandemya". Ang paligsahang ito ay para sa mga mag-aaral ng San Mateo National High School na nais ipakita ang kanilang angking galing sa paggawa ng sarili nilang tula o hugot ngayong pandemya at ang pagtula nito sa harap ng mga madla na ginanap noong ika-18 ng Pebrero taon 2022 sa oras na 10:00 ng umaga hanggang 11:00 ng tanghali sa pamamagitan ng Google Meet.
Karangalan namin na gumawa ng mga paligsahan para sa mga mag-aaral ng San Mateo National High School. Maraming salamat sa mga estudyante at g**o na sumubaybay at nakilahok sa mga naturingang paligsahan ng aming kapisanan, hanggang sa susunod na taong panuruan mga KAPARIZ! Taos puso naming binabati ang mga batang nagkamit ng karangalan at ang mga batang patuloy na lumalaban sa panahon ng pandemya, nawa'y 'di maupos ang determinasyon sa inyong mga puso.
Lubos ding nagpapasalamat ang kapisanan ng KAPARIZ sa mga g**ong hurado na pumili ng mga itinanghal na nanalo.
Hinihikayat po namin kayo na sagutan ang aming feedback form. Muli, maraming salamat po!
https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSfFWZXSPNocyrtJQRgQSy-bbjKbZNmrCu8ZnE-MMJZ1Ygi3oA/viewform?usp=sf_link