15/03/2022
Aralin 7: NOBELA at PAGSUSURI nito
Ang nobela ay itinuturing na makulay, mayaman at makabuluhang anyo ng panitikang tuluyan. Binubuoito ng mga yugto na nagsasalaysay ng mga kawing-kawing na pangyayari ng buhay ng mga tao na bukod sanagbibigay-aliw ay nagpapakilos at pumupukaw sa damdamin at kamalayan ng mga mambabasa.Sa nobela, maraming pangyayari ang inilalahad, samantalang sa maikling kwento,iisang pangyayarilamang ang inilalahad. Iisa ang balangkas ng nobela at maikling kuwento ngunit nagkakaiba lamang ito sanilalaman dahil ang mga pangyayaring isinasalaysay dito ay may kaugnayan sa lipunang ginagalawan ng mgamamamayan at naglalarawan ng kultura ng bawat bansang pinanggalingan nito.
Ang isang nobela ay may mga katangiang dapat taglayin. Ito ay ang mga sumusunod:
a) maliwanag at maayos na pagsulat ng mga tagpo at kaisipan;
b) pagsaalang-alang sa kailangang kaasalan;
c) kawili-wili at pumupukaw ng damdamin;
d) pumupuna sa lahat ng larangan sa buhay at sa mga aspeto ng lipunan tulad ng gobyerno at relihiyon;
e) malikhain at dapat maging maguni-guning paglalahad at
f) nag-iiwan ng kakintalan.
Elemento ng Nobelaa.
1. Tagpuan- tumutukoy sa lugar at panahon ng mga pinangyarihanb.
2. Tauhan- tumutukoy sa nagpapagalaw at nagbibigay-buhay sa nobelac.
3. Banghay- tumutukoy sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayarid.
4. Pananaw- tumutukoy sa panauhang ginagamit ng may-akda
a. una-kapag kasali ang may-akda; b.pangalawa- ang may-akda ang nakikipag-usap; c. pangatlo- batay sa nakikita o obserbasyon ng may-akda)
d.Tema- tumutukoy sa paksang-diwang binibigyang-diin sa nobela.
5. Damdamin- tumutukoy sa nagbibigay-kulay sa mga pangyayarig.
6. Pamamaraan- tumutukoy sa istilo ng manunulat/awtorh.
7. Pananalita- tumutukoy sa diyalogong ginamiti.
8. Simbolismo- tumutukoy sa nagbibigay nang mas malalim na kahulugan sa tao, bagay at pangyayari
Ang panunuri ay isang uri ng pagtalakay na nagbibigay-buhay at diwa sa isang nilikhang sining. Hindi lamang ito nagsusuri o nagbibigay-
kahulugan kundi ito’y isang paraan ng pagsusuri sa kabuuan ng tao
-ang kaniyang anyo, ugali, kilos, paraan ng pagsasalita at maging ang kaniyang pakikipag-ugnayan sa kaniyang kapwa at salipunang kinabibilangan niya.
Halimbawa sa panunuri ng maikling kuwento, dapat suriin ang mga elementong taglay nito: tauhan, tagpuan,banghay, tunggalian, simbolo, pahiwatig, magagandang kaisipan o pahayag at maging ang paraan kung paanoito nagsimula at nagwakas.
Samantala sa nobela, karaniwan na inaalam ang mga katangiang pampanitikang napapaloob sa akda (tulad ng elemento ng maikling kuwento); inaalam din ang aspektong panlipunan, pampolitikal, pangkabuhayan at pangkultural na nakapaloob sa nobela at paggamit ng angkop na teoryanggagamitin sa pagsusuri.
Ang pagsusuri o rebyu ay ang pag-alam sa nilalaman (content ), kahalagahan (importance) at ang estilong awtor o may-akda (author’s writing style).
Sa pagsasagawa nito maaaring gumamit ng isang balangkas oformat ng suring- basa tulad ng mga sumusunod:
Pagsusuri sa Akdang Pampanitikan ayon sa Elemento Nito
Sa pagsusuri ng iba’t ibang akdang pampanitikan ay kinakailangang magkaroon ang bawat isa ng malawak na pag-unawa rito. Kailangan ding magkaroon ng malawak na pagpapahalaga sa literatura at kaalaman kungpaano ginamit ng may-akda ang mga elemento nito at iba pang teknik sa masining na pagsulat.Ang pagsusuri ay nakatutulong din kung paano gumawa ng sariling kuwento.
1.BANGHAY
– ay ang pangunahing pangyayari sa kuwento
Mga katanungang dapat saalang-alang:
Ano-ano ang magkakaugnay na mga pangyayari?
Ano ang estilo ng may akda sa paglalahad ng mga pangyayari?
Paano binunuo ng may akda ang kapana-panabik na pangyayari?
Anong uri ng tunggalian ang kanyang binuo?
2. TAGPUAN
– ay tumutukoy sa oras, lugar,kalagayan at kondisyon ng lipunan at maging ang kasaysayan.
Mga katanungang dapat saalang-alang:
Ano ang tagpuan sa kuwento?
Paano nakatutulong ang tagpuan sa pagpapaganda ng kuwento
Paano nakaaapekto ang tagpuan sa karakter ng pangunahing tauhan?
Paano naapektuhan ang kalagayan ng tagpuan sa daloy ng mga pangyayari?
3. TAUHAN
–ay tumutukoy protagonista, antagonista at pangalawang tauhan ng kwento. Binubuo ng may-akdaang karakter ayon sa kanyang iniisip, ginagawa, kanyang katauhan, at kung ano ang sinasabi ng iba pang tauhan.
Mga katanungang dapat saalang-alang:
Ano ang sinasabi at ginagawa ng mga tauhan sa akda?
Ano ang sinasalamin ng kanilang mga diyalogo o karakter hinggil sa kanilang paniniwala, pagpapahalagang sangkatauhan, motibo at kanilang interes?
Ano ang hitsura ng mga tauhan? Ano ang nais nitong ipahiwatig sa kanilang karakter?
Ano ang nararanasang suliranin ng mga tauhan? Paano ito hinarap ng mga tauhan?
4. TEMA
–ay tumutukoy sa pangunahing ideya ng kuwento. Ito ang katotohanang nais ilabas ng may-akda. Kungminsan, hindi lantarang ipinakikita ng may akda ang tema.
Mga katanungang dapat saalang-alang:
Ano ang layunin ng may-akda sa pagbuo ng kwento?
Ano ang tema ng kuwento?
Nagbigay ba bng panibagong kaalaman ang tema sa kondisyon ng mga tao sa kanilang karanasan?
5.PANANAW/POINT OF VIEW
– tumutukoy sa nagsasalaysay sa kuwento- ang tagapagsalita o narrator ngkuwento. Maaaring ang kuwento ay isinasalaysay ng unang persona, tulad halimbawa ng pangunahingtauhan o protagonista ng kuwento o eye witness. Maaari ring ito ay ang pangatlong panauhan o narrator.Ang narrator ang tagapagsalaysay ng kuwento.
Mga katanungang dapat saalang-alang:
Ano ang point of view na ginamit ng may-akda?
Ano ang nalalaman ng tagapagsalita sa pangunahing tauhan?
Paano nakaaapekto ang kaalamang ito sa daloy ng kuwento?
Paano ginamit ng may-akda ang tagpuan upang higit na maging kapani-paniwala ang kuwento?
GABAY PARA SA PAGSUSURI NG NOBELA
I. Introduksyon
A. Maikling Talambuhay ng May-akda
B. Mga Mahahalagang Pangyayari sa Lipunan sa Panahon ng Pagkakasulat ng Nobela
II. Mahahalagang talasalitaang dapat maunawaan ng mambabasa
III. Pagsusuri ng mahahalagang tauhan
IV. Buod ng nobela (BAWAT KABANATA)
– Subuking sagutin ang mga tanong na sino, saan, kailan, ano,bakit at paano. (minimum ng limang pangungusap)
V. Pagsusuri ng Kabisaan ng Nobela sa Mambabasa
A. Bisa sa Isip (Mga bagong kaalaman o konseptong natutuhan. Ilahad kung bakit mahalaga ang mgaito.)
B. Bisa sa Damdamin (Mga damdaming napukaw sa iyo at epekto nito sa sarili mong pagkatao)
C. Bisa sa Kaasalan (Mga pag-uugali at pagpapahalaga/balyus na sa tingin mo ay dapat na palakasinbatay sa mga pangyayari sa nobela)
VI. Pagsusuri ng Tema ng Nobela
--Ang tema ng nobela ay kung ano ang umiral na mahalagang kaisipan. Kung ano ang pinatunayang mensahe nito sa pangkalahatan.
Ang mga pagpapatunay o detalye kaugnay ng tema:
Ano ang iisang tinatakbo ng kuwento tungkol sa mahalagang kaisipan nito?
Ano ang mga bagay na itinuro ng nabasa na maaaring ikonekta sa pangkalahatang aspeto?
Bakit kaya isinulat ang nobela?
Ano ang nais nitong patunayan?
Tungkol saan ang pinapaksa nito?
VII. Pagsusuri sa Layunin ng May-akda
---Mahalaga na matukoy at masuri ang layunin ng sumulat o ng may-akda sa nobela upang mabigyan ng higit na pang-unawa ang mambabasa kung ano ang nais nitong iparating sa lahat. Kinakailangan na maiugnay ng isang manunuri ng nobela ang nais ipabatid ng manunulat sa mundong ating ginagalawan.
VIII. Paggamit ng mga Teoryang Pampanitikan
– Suriin ang mga ginamit na teoryang pampanitikan. Piliin yaong ginamit at angkop lamang sa akda at lagyan ng nararapat na patunay buhat sa aklat.
1. Humanismo
2. Imahismo
3. Realismo
4. Romantisismo
5. Eksistensyalismo
6. Naturalismo
7. Sosyolohikal / Kamalayang Panlipunan
8. Feminismo
9. Dekonstruksyon
10. Simbolismo
IX. Pansariling reaksyon
Bakit ito dapat basahin o hindi basahin? Ano ang mga natutuhan mo na gusto mong isagawa o isapuso? Ano ang naging bago mong pagtingin sa lipunan at pangkat na iyong ginagalawan?
Tauhan-Ang kanyang mga ginawa, Ang dahilan ng kanyang kilos o ginawa
Tauhan 1
Tauhan 2
A. Ano kaya ang layunin ng may-akda para sa kanyang sarili? Mga Detalye ng Pagpapatunay
B. Ano kaya ang layunin ng may-akdapara sa kanyang mambabasa? Mga Detalye ng Pagpapatunay
C. Ano kaya ang layunin ng may-akda para sa lipunan at sa pangkalahatan? Mga Detalye ng Pagpapatunay
HALIMBAWA NG
PANUNURING PAMPANITIKAN
"LALAKI SA DILIM"
A. KAHULUGAN NG PAMAGAT
Sa pamagat pa lamang ng nobela mahihinuha na may kinalaman sa isang madilim o maling gawain ang lalakisa nobela.
Kaya “Lalaki sa Dilim‟ ang pamagat nito ay dahil na rin sa ang lalaki ang bida
Sa nobela ay nakagawa ng isang kasalanan noong sapilitan niyang ginahasa ang isang babaeng bulag. Maselang usapin ang gahasa saan man sa lipunan. Sa nobela makikita kung gaano kabigat ang gayon sa buhay ng isang babaeng bulag at mahirap. Sa pambihirang bisa ng panulat ng may-akda ay itinatampok sa nobela ang samo't saring pagtanaw sa gahasa: ang salapi, dangal, pighati, ugnayan, pag-asa, at iba pang tunggalian o kaisahan. Dito mababatid na ang pisikal napagkabulag ng babae ang siyang magbibigay liwanag sa katauhang-dilim ng lalaki.
B. MAY-AKDA
BENJAMIN P. PASCUAL
TALAMBUHAY NG MAY-AKDA
Si Benjamin M. Pascual ay ipinanganak sa Lungsod ng Laoag, Ilocos Norte. Unang nakilala bilang matinikna kuwentista si Pascual bago niya sineryoso ang pagiging isang nobelista. Nagsimula siyang sumulat noongdekada 1950, sumubok mag-ambag sa komiks,hanggang hiranging maging staffer ng Liwayway.
Nagwagi sa Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature ang kaniyang kwentong “Landas sa Bahaghari” (1965) at “Di Ko Masilip Ang Langit” (1981). Nagtamo naman ng
Grand Prize sa Cultural Center of the Philippines ang nobelang “Utos ng Hari” noong 1975.Unang nailathala sa Liwayway ang “Lalaki sa Dilim‟ sa
pamagat na “Shhhh…Ako ang Lalaki sa Dilim‟ (1976). May-akda rin siyang may pamagat na “Sapalaran, Walang Tanungan” (1997), isang komedya ng pag-iibigan at lingguhang isineserye noon ng Liwayway. Tinatayang nakatapos ng 13 na nobela si Pascual, na pinakarurok marahil ang
“Halik sa Apoy” (1985). Pwedeng sipating autobiograpiko ang naturang akda na umiinog sa buhay at pakikipagsapalaran ng isang lalaking manunulat.
Naging Filipino seksiyon editor si Pascualsa
People’s Journal Tonight noong 1981, at ngayon ay editor sa popular na Valentine Romances.
Makalipas ang ilang dekadang dibdibang pagsusulat ni Pascual, kinilala ng Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (UMPIL) noong 1994 ang natatanging ambag niya sa pagsusulat ng maikling kwento, dula, at nobela.Sa edad na 69 ay hindi pa rin ito humihinto sa pagsusulat.
II. BUOD NG NOBELA
Nagsimula ang kwento sa isang lalaking nagngangalang Rafael Cuevas. Isang espesyalista sa mata.Nakagawa siya ng isang malagim na krimen ng gabing bigyan siya ng Stag party ng kanyang mga kaibigan bagopa man siya makasal kay Margarita,isang opera singer. Nagawa niyang gahasain ang babaing kahabag-habag angkalagayan. Isang bulag at maralita ang kanyang ninakawan ng kabirhinan. Dahil hindi makakita at hindi nakilala ang kanyang boses ay “ligtas” siya sa kanyang kasalanan.Walang ebidensyang makapagpapatunay.
Bilangpaghuhugas at paglilinis niya ng konsensiya sa nagawa niyang kasalanan kay Ligaya, ang babaeng kanyang ginahasa, binigyan niya ito ng P50, 000.00 kasama ang liham na nagsasabing sa kanya din magpagamot ng mata upang masingil lamang ng kaunti upang hindi makahalata. Nagbunga ang kanyang nagawang kasalanan kay Ligaya na nagkataong isinunod sa kanyang pangalan bilang pagtanaw ng babae sa kanyang nagawang kabutihan.
Naging inaanak niya rin ang bata sa binyag. Ninong siya ng kanyang sariling anak.Sa kanilang pagsasama ni Margarita ay nagkaroon ito ng lover at ito ay si Nick, ang kanyang kaibigan.Nagkaroon ng lamat ang kanilang samahan na humatong din sa hiwalayan. Ang napangasawa niyang si Margarita ay isang modernong babae. Totally Americanized, sabi nga sa nobela. Para kay Margarita ayos lang na magkaroon siya ng lover at gayon din si Rafael basta magkaroon lang sila ng pagkakaintindihan ni Rafael at maging totoo sa isa’t isa.
Isang araw habang nagbabasa ng pahayagan si Rafael ay gumulantang sa kanya ang isang balitang napatay si Margarita at Nick sa isang hotel ng isang babaeng nasa 29 ayos. Ito ay si Marina ang asawa ni Nick na matagal ng nagtitiis sa mga kabulastugan ng asawa hanggang sa umabot na sa sukdulan at makapatay ito.
Sa huli ay nagawa rin niyang aminin kay Ligaya at Aling Sela, ang ina ni Ligaya na siya ang lalaki sa dilim na noon ay bumaboy sa katawan ni Ligaya. Malinaw kay Rafael na papakasalan niya si Ligaya.
III. PAGSUSURI
A. ISTILO NG PAGLALAHAD
Ang nobelang Lalaki sa Dilim ay isang halimbawa ng isang akdang modernista na kung saan ang tanging gusto ay magkaroon ng isang malaking pagbabago upang maging maginhawa ang pamumuhay ng bawat isa. Nilikhani Pascual ang isang karakter na naipit sa isang sukdulang kasalanan at ang tanging nais ay malinis niya ang bahidng sariling putik.Mahahalata mula sa pagbabasa ang paulit-ulit na pagbanggit ng may-akda sa mga naganap natagpo. Sadyang ginawa at pinanatili ng awtor ang ganoong istilo upang ipakita na ang kwento ay isang tuluyangnobela na batay sa istruktura ng isang magasin.Bagaman sa kabuuan ay namayani sa nobela ang ating sarilingwika, kapansin-pansin pa rin ang ilang pagsulpot ng wikang Ingles sa pagdaan ng kwento. Dahil na rin sa hinaluanito ng ilang wikang Ingles na madali namang intindihin, naging payak at simple ang daloy ng pagpapalit ng linyang mga karakter. Naging realistiko at natural ang pag-uusap ng mga karakter.Ang nobela rin ay gumamit ng isangsentimental at romantikong
genre ng kwento dahil ang paksa ay tungkol sa pag-iibigan ng isang lalaki at babae.
B. TAYUTAY NA GINAMIT
Iilang tayutay lamang ang napansin at nabasa sa nobelang ito dahil gumamit ang awtor ng mga simple atdirektang pangungusap.
Wala ka ng ibang ginagawa kundi magtalaksan ng girlfriend.(PATALINGHAGA O ALLEGORY)
Ang pahayag ay tumutukoy sa hindi literal na kahulugan ng mga salita. Sa pahayag na ito mapapansin na ang literal na kahulugan ng “magtalaksan” ay punong kahoy na panggatong na pinagpatung-patong sa isang talaksan. Ngunit sa pahayag ay patalinghaga itong sinabi na ang ibig ipagkahulugan ay nag-iipon ng mga babae ang anak upang mapunan ang apoy ng kandungan nito.
Madilim ang tingin niya sa paligid na para bang ang araw ay nilambungan ng takipsilim. (PERSONIFICATION OPAGBIBIGAYKATAUHAN)
Pinakikilos na tulad ng tao ang mga bagay at sa tayutay na ito ay pinapahayag sa pamamagitan ng mgapandiwa. Ang nilambungan ay pagtakip sa isang bagay gamit ang ang mantel.
Kumagat na ang gabi. (PERSONIFICATION O PAGBIBIGAY-KATAUHAN)
Gaya ng nauna, pinakikilos na tulad ng tao ang mga bagayat sa tayutay na ito ay pinapahayag sapamamagitan ng mga pandiwa. Ang ibig sabihin ng kumagat na ang gabi ay sumapit na ang kadiliman sa paligid.
C. PANSIN AT PUNA
a. TAUHAN
Ang mga lalaki sa nobela ang siyang nangingibabaw. Pinatunayan iyan ng ilang karakter. Si Rafael bilang isang mayamang duktor, ang sentro ng lahat. Samantala ang mga babae naman ay siyang mahihina ang kalagayan.Makikita iyan sa karakter nina Ligaya, isang babaeng bulag, mahirap at ginahasa, si Margarita na natuksong makipagrelasyon sa ibang lalaki, at si Marina na tila aping-api dahil sa babaerong asawa. Ang siklo ng karahasanay pinasiklab ng mga lalaki at nalagot lamang sa pagsapit sa kawing-kawing na katauhan ng mga babae.
RAFAEL CUEVAS
Sa umpisa ng kwento ay tila kasuklam-suklam ang kaniyang karakter. Babaero, tomador at nagawa pangmanggahasa ng isang babaeng bulag. Ngunit sa kalaunan ay makikita ang parteng liwanag ng kaniyang pagigingisang lalaki sa dilim. Makikita na kahit ganoon siya ay may konsensiya naman pala siya. Mahalaga na napagtantoniyang ang mga masasamang gawain niya dati ay bumubulag sa kaniyang pandama upang makita ang iba pangmagaganda at mahahalagang bagay dito sa daigdig.Mahalaga ang kaniyang papel na ginagampanan dahil isasiyang patunay na pwede pang magbago ang tao kung nanaisin lang niya. Hindi pa huli ang lahat, matuto langtayong tanggapin ang ating kamalian at maging handa at gustuhin ang pagbabagong nais nating gawin sa atingmga sarili upang maging maginhawa ang ating pamumuhay at pakikisalamuha sa ibang tao. Masaya kamingmga nagbabasa dahil sa dulo ay luminaw ang paningin ni Rafel dahil sa pag-ibig. Ngunit ang maipipintas naminsa kaniya ay hinahayaan niya na lang lokohin siya ng kaniyang asawa at gawing tanga huwag lang masira angkaniyang pangalan at puri. Dapat ay nagpakatotoo siya sa kaniyang sarili.
NICK CUERPO
Siya naman ay nabulag sa pambababae kaya’t hindi nakita ang kaniyang responsibilidad sa asawa at mgaanak. Isang karakter na hindi dapat tularan ng mga lalaki at maging ng mga kababaihan. Wala ng ibang ginawakundi pasakitan ang pobreng asawa na si Marina. Kung si Rafael ay nagawang mabago, siya ay kahit sa katapusan
ng kwento ay hindi nakita ang liwanag na dapat niyang sundin. Namatay siya kasama ang kalaguyong siMargarita. Isa siyang patunay na sa kasalukuyan at sa totoong buhay, may mga taong bulag pa rin sa kanilangmga responsibilidad at hindi pa rin alam kung ano ang tama at mali. Dapat lamang ang kaniyang karakter sakwento dahil siya ang magsisilbing eye opener sa mga mambabasa na kung ikaw ay may ginagawang hindikaaaya-aya, dapat mo lang itong pagbayaran at pagsisihan sa huli. Huwag hintayin ang panahong sisingilin ka nang panahon. Hangga’t maaga ay magbago na.
MARGARITA CARRASCO
Si Margarita, bagaman galing sa isang sosyal, edukado at disenteng pamilya ay nagawa pa ring magtaksilsa asawa. Isang opera singer na natuksong maglunoy sa ibang kandungan. Ginusto niya, gaya ng karaniwang tao,ang tunay na relasyon ng lalaki at babae.Masasabing pangit sa panangin ang karakter ni Margarita. Isa rin siyangkarakter na hindi dapat gayahin. Dahil na rin sa implwensya ng mga kanluranin, iba ang pananaw niya sa kasalat pakikipagtalik. Siya ang sumisimbolo sa liberalismo.Nabulag siya sa kaniyang sariling kahinaan. Nagpatangaysiya sa pambobola ni Nick. Natural na mahihina ang mga babae ngunit hindi dapat ito gawing lisensya upangpumasok sa isang magulo at immoral na sitwasyon. Gaya ng karakter ni Nick, siya ang magsisilbing eye openersa mga mambabasa na kung ikaw ay may ginagawang hindi kaaaya-aya, dapat mo lang itong pagbayaran atpagsisihan sa huli.
LIGAYA
Bagaman literal na bulag, mas maliwanag pa sasikat ng araw ang kaniyang pagpapahalaga sa sarili.Naging matatag siya sa kaniyang pagbangon mula sa nalasap na karahasan mula sa lalaki sa dilim na si Rafael.Hindi nga siya nakapag-aral ngunit kahanga-hanga ang kaniyang mga prinsipyo sa buhay. Kapwa siya at angkaniyang inang si Aling Selya ang sumisimbolo sa liwanag na dapat makita ng mga tao. Kahit mahirap lamangsila ay maalam sila sa buhay. Sila ang dapat gahayin ng mga mambabasa. Si Ligaya kahit na sinapit ang isangkalunos- lunos na pangyayari at nabuo ito, pinili niyang huwag ipalaglag ang bungang iyon. Maganda angprinsipyo niyang palalakihin niya ang bata dahil bigay iyon ng Diyos. Handa siyang bumangon at itayo muli angkaniyang mga paa. Si Aling Selya naman ay handang gumabay sa anak. Handa rin itong magsakripisyo upangmabigyan ngkinabukasan ang mg anak sa hirap man o ginhawa. Totoong kahanga-hanga ang pagkakabuo sakanilang mga karakter.
MARINA CUERPO
Isang inang mapagmahal sa kaniyanganak at handang ipaglaban ang mga ito hanggang sa kamatayan.Nakakaawa ang kaniyang karakter. Aping-api siya dahil sa kaniyang babaerong asawa ngunit lubos na nagtitiispara sa mga anak. Hindi namin siya masisisi kung nagawa man niyang paslangin ang kaniyang sariling asawa.Sagad na sagad na siya. Ngunit ang mali lang doon ay nagpatangay siya sa nararamdaman niya. Inilagay niya sasariling mga kamay ang batas. Siya ay nabulag sa galit at sobra-sobrang pagmamahal sa anak. Dapat lamangsiyang gayahin sa paraan ng pag-aalaga at pagmamahal sa anak ngunit huwag gayahin ang kaniyang pagigingmahina. Dapat aymaging mahinahon pa rin tayo at gamitin ang mga legal na paraan upang malutas angproblema.
2. GALAW NG MGA PANGYAYARI
“Iniuulit ang ilang mahahalagang tagpo sa mga kabanata dahil ang nobela ay nalalayo sa karaniwang pagkakasulat ng mga nobelang sadyang ipinaaklat (Anonuevo, 1997).”
Napansin din naming mga mambabasa ang nakasaad sa itaas. Ang kwento ay isang tuluyang nobela nabatay sa istraktura ng isang magasin. Naging kapana-panabik ang mga pangyayari sa nobela dahil ang awtor ay tila lumikha ng isang pelikula. Maaari ring para kaming nakikinig sa isang drama sa radyo dahil sa agos ng kwento.
Ang paksang “gahasa” ang nangibabaw at nagsilbing pundasyon ng kwento. Maigi ang transisyon ng mgapangyayari at dumadaloy ito ng husto. Hindi nakakalito ang mga eksena at nagagawa pang balikan ang mgamahahalagang detalye. Ito ay isang paraan upang huwag makaligtaan ang mga importanteng bahagi.Gagana at magiging malikot ang mga imahinasyon ng mga mambabasa sa oras na umpisahan nila ang nobela.
IV. PAGPAPAHALAGA AYON SA NILALAMAN
A. KALAGAYANG SOSYAL NG MGA TAUHAN
Mariing pinapakita ng nobela ang kalagayan sa lipunan ng bawat karaker. Isa itong konsepto ng kwentokung saan ang isang mayamang lalaki ay magkakagusto sa isang mahirap lamang na babae. Ngunit hindi ganoonkadali ang ikot ng kwento.Si Rafael ay isang edukado, mayaman at sunod sa layaw na tao. Sa kwento mariingmakikita na sinoportahan ng kabuuangkatauhan ni Rafael ng mga tauhan na sina Nick, ang kaniyang kaibigangmay-ari ng isang kumpanya, si Margarita, isang opera singer na napangasawa niya at ang kaniya pang ibangbarkada na may sinasabi rin sa buhay. Sa kabilang banda naman ay pinapakita ang baligtad na katauhan ngbidang babae sa nobela. Si Ligaya ay mahirap lamang at hindi nakapag-aral.Naipakita sa akdang ito kung paanonakakaapekto ang estado ng buhay sa nagiging karakter ng isang tao. Dahil sa pagiging mayaman at laki sa layawni Rafael ay nagagawa niyang paglaruan lamang ang babaeng nasa paligid niya. Dahil na rin sa pagiging sosyal, liberated at modernong babae ni Margarita ay naipakita ritong wala siya gaanong pagpapahalaga sa kasal atayos lamang sa kaniya ang pumatol pa sa iba kahit may asawa na siya. Makikita rin dito na kahit mahirap ay maydisiplina at pagpapahalaga sa puri at dangal si Ligaya. At bilang isang babaeng may babaerong asawa, si Marinanaman ay aping-api at tila walang kalaban-laban sa nobela.
B. KULTURANG PILIPINO
Umiikot ang kwento sa panahon ng post martial law, ito ang umpisa ng pagiging liberal ng mga Pilipino dahilna rin sa pagkamulat ng kanilang diwa at damdamin upang maibalik ang demokrasya sa bansa. Sa panahong itoay talamak ang karahasan. Ang nobela ay nagsasaad ng kalituhan sa kultura ng mga karakter noong kanilangdekada. Makikita dito ang nalalapit na modernisasyon at liberasyong impluwensiya ng mga kanluranin.Sa karakter ni Marina, matatandaan na siya ang asawa ng babaerong si Nick, makikita ang pag-uugali ng mgaPilipino na kinikimkim lamang nila ang lahat ngunit kapag hindi na nila makayanan ay ang kaisa-isang bagay nanatitira na lamang sa kanila ay magigising bigla mula sa matagal na pagiging manhid at maghahasik ng isangrebolusyon. Maraming beses na itong naipakita sa ating kasaysayan mula sa Sigaw sa Pugad Lawin hanggang saEdsa Revolution noong panahon ng Martial Law kung saan sama-sama ang lumaban upang makamit angdemokrasyang ating bansa.Makikita rin dito na bagaman may impluwensiya na ng mga kanluranin ang ibang babaeng karakter sanobela, ang karakter ni Ligaya naman ay nagpapakita ng pagiging isang Dalagang Pilipina. Siya ay maykonserbatibong pananaw tungkol sa sex,relasyon at iba pang pagbabago sa lipunan. Maingat siya sa kanyangpuri at mayumi sa lahat ng kanyang kilos. Makikita rin dito ang kaugalian ng mga Pilipino na magiliw tumanggapng mga bisita, sa kwento kahit na mahirap lamang sina Ligaya at Aling Selya ay hindi matatawaran ang pag-istema nila kay Rafael na isang panauhin.May ilan namang kapansin-pansing tradisyon at kulturang Pilipino na impluwensiya naman mula sa mgabanyaga. Isa na rito ang paggugunita at pagdiriwang ng mga okasyon na may kaugnayan sa aral ng RelihiyongKatoliko, gaya ng pagkakaroon ng binyag. Mapapansin sa nobela ang nakaugaliang seremonya ng binyag. Saprosesong ito nagiging inaanak ng mga ninong at ninang ang taong bininyagan, at nagiging mga magkaka-kumpadre at magkaka-kumadre ang mga magulang at ang nag-anak na ninong at ninang. Kultura na rito saPilipinas ang pagbibigay din ang mga ninong at ninang ng regalong pakimkim,na maaaring salapi o bagay.Pagkatapos ng binyag ay isang malaking handaan.Makikita rin sa nobela ang isa sa impluwensiya ng Tsina naFixed Marriage, kung saan ang mga magulang ang pumipili ng taong ipakakasal nila sa kanilang anak. Nangyari ito kina Rafael at Margarita.
C. PILOSOPIYANG PILIPINO
May iilang pilosopiyang Pilipino ang mariing mapapansin sa nobela. Maliwanag ang mga katauhan ng mgakalalakihan sa nobela at mistulang sila ang palaging tama at palaging nasusunod.Naging matibay ang pagkakatatag ng prinsipyo ng machismo sa nobela dahil ang mga lalake sa istorya ay sadyangnakakaimpluwensya. Makikita ito sa pagsasama nina Rafael at Margarita kung saan ang desisyon ni Rafael dapatang masusunod kung hihiwalayan niya ang asawa o hindi. Una ring hinihingan ng payo ni Rafael ang kaniyangbiyenang lalaki at ama. Isang pilosopiya pang lumitaw dito ay ang konsepto ng
pagkakaroon ng “Utang Na Loob”Ito ang pagkilala ng isang tao sa kabutihang nagawa ng kanyang kapwa. Sa nobela, tumanaw ng isang malakingutang na loob sina Aling Sela at Ligaya sa kabutihanni Rafael dahil sa paggamot nito sa mga mata ni Ligaya. Dahilsa utang na loob na iyon ay ginawa ng mag-anak na ninong si Rafael,at hinango rin nila ang pangalan ng bata salalaki.Isa na rin dito ang Konsepto ng “Bahala Na”. Ito ay isang idyomatikong pariralang ginagamit ng mga Pilipino na nangangahulugang “Ang Diyos na ang maglalaan” o “Ang Diyos na ang magtatadhana”.
Pinakakahulugan din ng......
(Note: ang nabasa ay isang halimbawa ng pagsusuri ng nobela. Ngunit ito ay hindi kompleto, binigyan lamang kayo ng gabay upang makagawa ng sariling pagsusuri rin sa nobela. Sa gagawing pagsusuri dapat ay matapos ang lahat ng mga bahagi o pormat na ibinigay sa araling ito)
Source
Scribed.com
Pagsusuri ng Nobela