20/07/2026
๐๐๐๐ฃ๐ค ๐ ๐ช๐ฃ๐ ๐๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐ง๐๐๐จ๐ค๐ฃ๐ ๐ข๐๐ฃ๐จ๐๐ฃ๐ ๐ฃ๐๐๐๐๐๐๐ฎ-๐๐ช๐๐๐ฎ ๐๐ฎ ๐ช๐ฃ๐ฉ๐-๐ช๐ฃ๐ฉ๐ ๐ฃ๐๐ฃ๐ ๐๐ฃ๐๐ก๐๐ก๐๐๐๐ฃ๐ ๐ฃ๐ ๐๐๐จ๐ช๐ง๐๐ฃ๐ ๐ก๐๐ ๐๐ ๐ฃ๐ ๐ข๐๐จ๐ข๐ค๐ฃ๐ ๐จ๐๐ฃ๐๐ ๐๐ฉ๐๐ช๐๐๐ฃ?
Hindi lahat ng pagkasira ay nagsisimula sa isang malaking kalamidad. Minsan, nagmumula ito sa mga bagay na ating itinatapon at kinalimutan, na para bang wala nang magiging epekto matapos natin itong pakawalan sa kalikasan.
Ngunit ang basura ay hindi tunay na nawawala. May lugar itong pinupuntahan, at may mga taong kailangang mamuhay sa gitna ng bigat ng ating kapabayaan.
Sa dokumentaryong โIbinasurang Paraisoโ ni Kara David, ipinakita ang kalagayan ng mga Aeta sa Sitio Tibag, Subic, Zambales. Ang dumpsite na ipinangakong pansamantala lamang ay umabot ng pitong taon bago tuluyang ipatigil ang operasyon nito. Sa paglipas ng panahon, ang lupang minsang nagbigay ng kabuhayan at nagsilbing tahanan ay unti-unting natabunan ng tone-toneladang basura.
Subalit higit pa ito sa isang usapin ng basura. Ito ay usapin ng karapatan, pananagutan, at paggalang sa mga unang tagapangalaga ng ating lupain.
๐๐ฏ๐จ ๐ฎ๐จ๐ข ๐๐ฆ๐ต๐ข ๐ข๐บ ๐ฉ๐ช๐ฏ๐ฅ๐ช ๐ฉ๐ถ๐ฎ๐ช๐ฉ๐ช๐ฏ๐จ๐ช ๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ณ๐ช๐ฃ๐ช๐ญ๐ฆ๐ฉ๐ช๐บ๐ฐ. Ang kanilang ๐๐๐๐บ๐๐บ๐๐ ay ang karapatang mapanatili ang kanilang ugnayan sa lupang minana nila sa kanilang mga ninuno, ang karapatang magkaroon ng boses sa mga desisyong may epekto sa kanilang tahanan, at ang karapatang mamuhay nang ligtas at may dignidad.
At bilang kabataan na may adbokasiya para sa kalikasan, maaari tayong magsimula sa pagiging mulat. Sa bawat binibili, ginagamit, at itinatapon natin, sapagkat may epekto itong maaaring idulot sa iba.
Ang kalikasan ay hindi lamang lugar na ating ginagamit. Ito ay tahanang ipinagkatiwala sa atin upang mahalin at pangalagaan. ๐๐ข ๐ฃ๐ข๐ธ๐ข๐ต ๐ฃ๐ข๐ด๐ถ๐ณ๐ข๐ฏ๐จ ๐ข๐ต๐ช๐ฏ๐จ ๐ช๐ฏ๐ช๐ช๐ธ๐ข๐ฏ, ๐ฎ๐ข๐บ ๐ญ๐ถ๐ฑ๐ข๐ช๐ฏ๐จ ๐ถ๐ฏ๐ต๐ช-๐ถ๐ฏ๐ต๐ช๐ฏ๐จ ๐ฏ๐ข๐ต๐ข๐ต๐ข๐ฃ๐ถ๐ฏ๐ข๐ฏ.
๐ฝ๐๐ฉ๐๐ฎ ๐จ๐ ๐๐ค๐ ๐ช๐ข๐๐ฃ๐ฉ๐๐ง๐ฎ๐ค๐ฃ๐ "๐๐๐๐ฃ๐๐จ๐ช๐ง๐๐ฃ๐ ๐๐๐ง๐๐๐จ๐ค" ๐ฃ๐ ๐๐๐ง๐ ๐ฟ๐๐ซ๐๐.
๐๐ค๐ช๐ง๐๐: iWitness, GMA Public Affairs.
https://www.facebook.com/share/v/1Dh7hHNpcD/
๐๏ธ: ๐ฅ๐พ๐๐๐บ๐๐ฝ๐พ๐, ๐ฌ๐๐๐บ๐พ๐
๐บ ๐ค๐
๐
๐๐๐พ |๐ฏ.๐จ.๐ฎ 2
๐ผ๏ธ: ๐ข๐บ๐๐๐๐
, ๐ก๐พ๐๐๐บ๐ฝ๐๐๐พ | ๐ ๐๐๐. ๐ฆ๐๐บp๐๐๐ผ ๐ค๐ฝ๐๐๐๐