23/07/2026
FIRST SCHOOL-BASED LAC SESSION
at Tappa Elementary School
Matagumpay na isinagawa ang Unang School-Based LAC Session sa Tappa Elementary School sa pamumuno ni Ma’am Robelyn Aglugub (Cluster Head) kasama ang pitong (7) g**o ng paaralan. Layunin ng pagpupulong na ito na talakayin ang mga pangunahing programa at direksyon ng paaralan para sa mas epektibong pagtuturo at pamamahala.
Mga Paksang Tinalakay:
SBFP - Hot Meals: Tinalakay ang tamang pagpapatupad ng programa, iskedyul, at pagpapanatili ng kalusugan ng mga benepisyaryong mag-aaral.
Monitoring for School Findings: Ibinahagi ang mga resulta ng monitoring at nagkasundo sa mga hakbang upang mapabuti ang mga areas for improvement.
Classroom Program: Sinuri ang mga oras ng pagtuturo upang matiyak na ito ay ayon sa pamantayan ng DepEd at angkop sa pangangailangan ng mga bata.
Curriculum Implementation: Nagpalitan ng mga estratehiya at best practices ang mga g**o para sa mas epektibong pagtuturo at paggamit ng mga kagamitang pampagtuturo.
OSDS Updates: Ibinahagi ni Ma’am Robelyn Aglugub ang mga pinakahuling memorandum at utos mula sa Office of the Schools Division Superintendent.
Agenda:
✅Sbfp-Hotmeals
✅Monitoring for School findings
✅Classroom program
✅Curriculum implemetation
✅OSDS updates