01/07/2025
Nitong lunes (Hunyo 23) lamang ay nabigyang pagkilala ang walong mag aaral sa kanilang pagpapamalas ng pagpapahalaga sa sarili (self esteem). Ang parangal na ito ay alinsunod sa Regional Memorandum bilang 023 na may pamagat na "RDELC/RDNEB A.W.A.R.D.S (Acknowledging Worthy Attributes of Remarkable, Dedicated and Self-disciplined Learners." Layon ng programang ito na mabigyang kamalayan ang mga mag aaral sa iba't ibang mga birtud na marapat nilang isabuhay sa loob at labas ng tahanan.
Hinikayat ni Gng. Recobo, ang EsP Coordinator ng ating paaralan ang patuloy na pagsisikap ng mga mag aaral sa pagaaral sapagkat aniya ay "daan sa mas malalim na pagkilala, pagrespeto at pagmamahal sa sarili."
Ang mga mag aaral na kinilala ay sina Mark Khalix Anog, Mark Jhon Laddit, Kate Ashley Esteban, Paul Jake Luzano, Cristalyn Bautista, Cherry Angoluan, Krisel Ubaldo, at Justin Yowhan Madamba. ✨