Sta. Fe National High School - 301035

Sta. Fe National High School - 301035 Sta. Fe, San Marcelino, Zambales

23/08/2026

DepEd Zambales Advocacy Video on School Active Shooting Incident (Division Memorandum 283 s. 2026)

"Bayanihan at Malasakit Para sa mga Mag-aaral ng Sta. Fe NHS" | August 16,2026Lubos na pasasalamat ng Sta. Fe National H...
16/08/2026

"Bayanihan at Malasakit Para sa mga Mag-aaral ng Sta. Fe NHS" | August 16,2026

Lubos na pasasalamat ng Sta. Fe National High School sa pangunguna ng aming School Head, Dr. Clarence D. Hacuman, kay SK Federated Chairman Jeanne Joseph S. De Dios at Unionskills International Inc. CEO Jessica Lendel S. De Dios sa kanilang malasakit at pagkakaloob ng relief goods para sa ating mga mag-aaral na lubos na naapektuhan ng kalamidad.

Maraming salamat din kay Punong Barangay Hon. Rico Diego Arquero sa patuloy na suporta at pakikipagtulungan sa ating paaralan at komunidad.

Sa mga naglaan ng oras, tulong, at malasakit, maraming salamat po. Sa panahon ng pagsubok, tunay na ramdam ang bayanihan at pagkakaisa. ❤️🙏

Nag-assist sa pamamahagi sina Ma’am Chona B. Antonio, Ma’am Kimberly Manzano at SPTA Pres Jollyphine Mendoza.

Maraming salamat po sa inyong malasakit sa mga kabataan ng Sta. Fe National High School! 💙

-aaral

📌 PAALALA: Ang mga larawang kasama sa post na ito ay na-upload with the consent of the parents/guardians ng mga mag-aaral, bilang pagsunod sa wastong pag-iingat at pagprotekta sa kanilang privacy.

📸 Anne Antonio

Sitwasyon sa Sta. Fe National High School dulot ng Habagat | August 15, 2026Bagama’t humupa na ang malakas na ulan, nana...
15/08/2026

Sitwasyon sa Sta. Fe National High School dulot ng Habagat | August 15, 2026

Bagama’t humupa na ang malakas na ulan, nananatili ang baha at putik sa ilang bahagi ng paaralan. Patuloy ang pag-iingat at pagbangon ng buong Sta. Fe NHS.

📸 Anne Antonio

Patuloy pong makikipag-ugnayan ang Sta. Fe National High School sa mga magulang at mga opisyal ng barangay upang matiyak...
11/08/2026

Patuloy pong makikipag-ugnayan ang Sta. Fe National High School sa mga magulang at mga opisyal ng barangay upang matiyak ang kaligtasan at patuloy na pagkatuto ng ating mga mag-aaral sa gitna ng kasalukuyang sitwasyon.

Sa pangunguna ng aming School Head, Dr. Clarence D. Hacuman, katuwang ang mga magulang at ang Pamahalaang Barangay Sta. Fe sa pamumuno ni Punong Barangay Hon. Rico Diego Arquero , sama-sama po nating uunahin ang kapakanan ng bawat bata.

Kaligtasan muna, edukasyon ay tuloy-tuloy. 💙📚🙏

"Reminder on the Responsible Use of Social Media by All DepEd Personnel"Bilang pakikiisa sa paalala ng Department of Edu...
11/08/2026

"Reminder on the Responsible Use of Social Media by All DepEd Personnel"

Bilang pakikiisa sa paalala ng Department of Education, hinihikayat ang lahat ng DepEd Personnel na maging responsable sa paggamit ng social media. Maging maingat sa bawat post, igalang ang kapwa, pangalagaan ang karapatan ng mga mag-aaral, at gamitin ang social media bilang kasangkapan sa pagkatuto at positibong pagbabago.

Be Smart. Be Safe. Be Responsible Online.

10/08/2026

Noong nakaraang buwan, dito sa Sta. Fe National High School at sa Sta. Fe Bridge kami nagtawanan at nag-shoot ng “Ako’y Mabuti Challenge.” Ngayon, ibang larawan na ang bumungad—bahang dulot ng habagat at tulay na tinangay ng malakas na agos.

Masakit man isipin, mananatili ang mga alaala ng saya, pagkakaisa, at kabutihang nabuo sa aming paaralan at sa tulay na minsang naging daanan ng maraming kwento. 🙏

Sta. Fe, mananatili kang matatag.

Current Situation of Sta. Fe National High School | August 10, 2026 Bahagyang binaha ang paligid ng paaralan bunsod ng p...
10/08/2026

Current Situation of Sta. Fe National High School | August 10, 2026

Bahagyang binaha ang paligid ng paaralan bunsod ng patuloy na pag-ulan dulot ng enhanced Habagat.

📷 Jay Dalit

   Keep safe everyone!
09/08/2026




Keep safe everyone!

WALA PA RING PASOK SA LAHAT NG PAMPUBLIKO AT PRIBADONG PAARALAN SA SAN MARCELINO!

: Dahil sa patuloy na epekto ng enhanced habagat, wala pa ring pasok sa lahat ng antas (ALL LEVELS) kasama ang teaching at non-teaching personnel, bukas Agosto 10, 2026 (Lunes) sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Bayan ng San Marcelino.

Ito ay alinsunod sa direktiba ng ating mahal na Hon. Mayor Elvis Ragadio Soria at rekomendasyon ng MDRRMO San Marcelino.

Pinapayuhan ni Mayor Soria ang lahat na manatiling ligtas, iwasan mulang lumabas ng bahay kung hindi naman kinakailangan, at patuloy na subaybayan ang mga opisyal na anunsyo ng LGU San Marcelino sa pamamagitan ng MDRRMO, Public Information Office at iba pang kinauukulang ahensya para sa mga susunod na abiso.

Ang kaligtasan ng bawat isa ang ating pangunahing prayoridad.

Mag-ingat po ang lahat at manatiling ligtas!

"Edukasyon...Respeto...Serbisyong tapat para sa inyo...MARCELINEANS!"

Address

Brgy. Sta. Fe
San Marcelino
2207

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sta. Fe National High School - 301035 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share