Deped San Isidro IS-Batangas Province

Deped San Isidro IS-Batangas Province This is the official page of San Isidro Integrated School-Batangas Province

San Isidro Integrated School actively participated in the ๐—ฆ๐—ฎ๐—ป ๐—Ÿ๐˜‚๐—ถ๐˜€ - ๐—ฆ๐˜‚๐—ฏ ๐—ข๐—ณ๐—ณ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ ๐—ฅ๐—ฒ๐˜€๐—ฒ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฐ๐—ต ๐—–๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐˜ƒ๐—ฎ๐—ป 2026, taking another bi...
13/09/2026

San Isidro Integrated School actively participated in the ๐—ฆ๐—ฎ๐—ป ๐—Ÿ๐˜‚๐—ถ๐˜€ - ๐—ฆ๐˜‚๐—ฏ ๐—ข๐—ณ๐—ณ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ ๐—ฅ๐—ฒ๐˜€๐—ฒ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฐ๐—ต ๐—–๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐˜ƒ๐—ฎ๐—ป 2026, taking another big step toward strengthening research-driven teaching and evidence-based learning.

From discovering fresh classroom strategies to refining action research initiatives, our dedicated educators continue to sharpen their craft for the ultimate benefit of our learners. Kudos to everyone who took part in this inspiring learning journey! Congratulations!

๐—›๐—”๐—ฃ๐—ฃ๐—ฌ ๐—ง๐—˜๐—”๐—–๐—›๐—˜๐—ฅ๐—ฆ' ๐— ๐—ข๐—ก๐—ง๐—›, ๐— ๐—”'๐—”๐—  ๐—ฅ๐—ข๐—–๐—˜๐—Ÿ!Sa dami ng trabaho na pwedeng piliin dito sa mundo, isa dito ay nagniningning dahil s...
12/09/2026

๐—›๐—”๐—ฃ๐—ฃ๐—ฌ ๐—ง๐—˜๐—”๐—–๐—›๐—˜๐—ฅ๐—ฆ' ๐— ๐—ข๐—ก๐—ง๐—›, ๐— ๐—”'๐—”๐—  ๐—ฅ๐—ข๐—–๐—˜๐—Ÿ!

Sa dami ng trabaho na pwedeng piliin dito sa mundo, isa dito ay nagniningning dahil sa mahirap na gampanin, ito ay ang maging isang g**o. Saludo kami sa mga g**ong walang sawang nagtuturo upang mga kaalaman, kagandahang asal at 'di malilimutang karanasan ay maibahagi upang sa buhay natin tayo'y matuto.

Isa sa aming maipagmamalaki dahil sa taglay niyang talino, kasipagan, at kahusayan bilang isang g**ong walang pasubali na kami ay turuan at gabayan, si Ma'am Rocel C. Moredo! Sa kabila ng puyat, hirap at sakripisyo bilang isang g**o, ikaw ay hindi kailanman sumusuko. "Ma'am Rocel na aming napakabuting g**o, walang hanggang pasasalamat po sa iyo sa pagiging mapagmahal na pangalawang magulang namin. Kami ay saludo sa iyong taglay na galing, dedikasyon at tiyaga sa pagtuturo. Muli, maraming salamat po at Happy Teacher's Month po!"

-Camille H. Mendoza
Campus Journalist

๐—›๐—”๐—ฃ๐—ฃ๐—ฌ ๐—ง๐—˜๐—”๐—–๐—›๐—˜๐—ฅ๐—ฆ' ๐— ๐—ข๐—ก๐—ง๐—›, ๐— ๐—”'๐—”๐—  ๐—ฆ๐—›๐—”๐—ฅ๐—ข๐—ก! Sa bawat batang natututo at lumalaki, may mga g**ong handang gumabay, magturo, at h...
12/09/2026

๐—›๐—”๐—ฃ๐—ฃ๐—ฌ ๐—ง๐—˜๐—”๐—–๐—›๐—˜๐—ฅ๐—ฆ' ๐— ๐—ข๐—ก๐—ง๐—›, ๐— ๐—”'๐—”๐—  ๐—ฆ๐—›๐—”๐—ฅ๐—ข๐—ก!

Sa bawat batang natututo at lumalaki, may mga g**ong handang gumabay, magturo, at humubog sa kanilang pagkatao. Isa sa mga g**ong lubos naming ipinagmamalaki at ipinagpapasalamat ay si Maโ€™am Sharon H. Mendoza, isa sa mga g**o ng elementarya sa San Isidro Integrated School. Tandang-tanda pa ng ilang mag-aaral hanggang ngayon ang mga bansag sa kanya noonโ€”โ€œstrikto,โ€ at โ€œnakakatakot.โ€ Ngunit sa likod ng mga kuro-kurong ito ay isang mabait, matiyaga, matalino, at dedikadong g**o na tunay na nagmamalasakit sa kanyang mga mag-aaral.

Sa pamamagitan ng kanyang tiyaga at paggabay, natutuhan namin na hindi lamang siya basta isang g**o. Itinuro niya sa amin ang kahalagahan ng disiplina, pagtitiwala sa sarili, at pangangarap nang mataas. Ang mga aral na kanyang ibinahagi ay hindi lamang para sa loob ng silid-aralan, kundi mga aral na maaari naming dalhin habang kami ay lumalaki at patuloy na hinaharap ang buhay. Maraming salamat po sa inyong tiyaga, paggabay, at malasakit, Maโ€™am Sharon H. Mendoza, hindi man namin agad nakita ang dahilan sa likod ng inyong pagiging istrikto noon, ngayon ay nauunawaan naming bahagi iyon ng inyong hangaring makita kaming maging mas mabuti at mas responsable. Happy Teacher's Month Po, Ma'am Sharon H. Mendoza!

โ€” Cris Dave M. Macalintal
Campus Journalist

๐—›๐—”๐—ฃ๐—ฃ๐—ฌ ๐—ก๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก๐—”๐—Ÿ ๐—ง๐—˜๐—”๐—–๐—›๐—˜๐—ฅ๐—ฆ' ๐— ๐—ข๐—ก๐—ง๐—›, ๐— ๐—”'๐—”๐—  ๐—ก๐—˜๐—ฅ๐—–๐—ฌ!Ang ngiti at pag asa ng isang dakilang G**oSi Gng. Nercy M. Mirano ay isang ...
11/09/2026

๐—›๐—”๐—ฃ๐—ฃ๐—ฌ ๐—ก๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก๐—”๐—Ÿ ๐—ง๐—˜๐—”๐—–๐—›๐—˜๐—ฅ๐—ฆ' ๐— ๐—ข๐—ก๐—ง๐—›, ๐— ๐—”'๐—”๐—  ๐—ก๐—˜๐—ฅ๐—–๐—ฌ!

Ang ngiti at pag asa ng isang dakilang G**o

Si Gng. Nercy M. Mirano ay isang g**ong nabibigay ng tunay na pag asa sa bawat mag aaral. Hindi lamang siya basta g**o, siya ay isang napakabuting tao na punong-puno ng talino, dedikasyon, tapang at wagas na pagmamahal. Kilala siya sa pagiging masayahin, ang kanyang ngiti ay nagbibigay ligaya at lakas sa kanyang mga mag-aaral.

Hindi lamang mga aralin ang kanyang itinuturo, higit sa lahat tinuruang maniwala sa kanilang sarili, mangarap ng mataas at magsumikap upang makamit ang kanilang mga pangarap. Ang bawat salita at pangaral niya ay naging ilaw na gumagabay sa kanila. Siya ay nagsisilbing inspirasyon upang maging mabuting tao at mabuting mag-aaral ang bawat isa.
Ang kanyang kabutihan ay nakaukit sa kanilang mga puso bilang isang magandang alaalang punong puno ng malasakit at pagmamahal na hinding hindi malilimutan. Mrs.Nercy M. Mirano, marami pong salamat sa patuloy na paglilingkod at walang sawang pagtuturo at pagbibigay kaalaman sa bawat mag-aaral. Muli, taos puso pong pagbati ng HAPPY TEACHER'S MONTH, Ma'am Nercy!

Shamcey Aubrey M. Anoyo
Campus Journalist

๐—›๐—”๐—ฃ๐—ฃ๐—ฌ ๐—ก๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก๐—”๐—Ÿ ๐—ง๐—˜๐—”๐—–๐—›๐—˜๐—ฅ๐—ฆ' ๐— ๐—ข๐—ก๐—ง๐—›, ๐— ๐—”'๐—”๐—  ๐—ฆ๐—›๐—œ๐—ฅ๐—Ÿ๐—ฌ! Isang G**o, Isang Ina, Isang GabaySa bawat silid-aralan, may mga taong hin...
11/09/2026

๐—›๐—”๐—ฃ๐—ฃ๐—ฌ ๐—ก๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก๐—”๐—Ÿ ๐—ง๐—˜๐—”๐—–๐—›๐—˜๐—ฅ๐—ฆ' ๐— ๐—ข๐—ก๐—ง๐—›, ๐— ๐—”'๐—”๐—  ๐—ฆ๐—›๐—œ๐—ฅ๐—Ÿ๐—ฌ!

Isang G**o, Isang Ina, Isang Gabay

Sa bawat silid-aralan, may mga taong hindi napapagod magbukas ng pahina ng kaalaman at hindi nagsasawang magtanim ng karunungan sa bawat isipan. Sila ang nagiging liwanag sa pag-abot ng ating pangarap. Ang mga taong nagbibigay gabay at buhay sa bawat pagpasok natin sa paaralan. Sa pahina ng ating buhay, hindi natin makakalimutan ang mga g**ong tumatatak sa ating isipan. Tuwing nababanggit ang mga salitang napakatalentado at napakagaling na g**o, maipagmamalaki namin ang Master Teacher I ng aming paaralan, si Gng. Shirly M. Balderama.

Isang lubos na pasasalamat ang handog namin kay Ma'am Shirly M. Balderama, hindi lamang bilang aming g**o, kundi pati narin bilang aming pangalawang ina. Maraming nagsasabi na siya ay "strikto" pero aminin natin, marami tayong natutunan sa kanya. Sa likod ng ating pagtatagumpay, siya ang sumuporta at gumabay. Isang napakalaking karangalan na magkaroon ng g**ong napakatalentado at napakagaling, binabati namin ng Happy Teachers' Month ang Master Teacher I ng aming paaralan, Ma'am Shirly M. Balderama!

-Ashley Mae C. Briton
Campus Journalist

๐—ฃ๐—”๐—š๐—ฃ๐—จ๐—ฃ๐—จ๐—š๐—”๐—ฌ ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—š๐—” ๐—ก๐—”๐—š๐—œ๐—ก๐—š ๐—›๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—š๐—œ ๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—œ๐—ก๐—ง๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—”๐—ฅ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ก Natatanging G**o 5: ๐—š๐—ป๐—ด. ๐—™๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ ๐— . ๐—ข๐—ป๐—ฑ๐—ฎAng isang g**o ay hindi lam...
10/09/2026

๐—ฃ๐—”๐—š๐—ฃ๐—จ๐—ฃ๐—จ๐—š๐—”๐—ฌ ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—š๐—” ๐—ก๐—”๐—š๐—œ๐—ก๐—š ๐—›๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—š๐—œ ๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—œ๐—ก๐—ง๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—”๐—ฅ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ก

Natatanging G**o 5: ๐—š๐—ป๐—ด. ๐—™๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ ๐— . ๐—ข๐—ป๐—ฑ๐—ฎ

Ang isang g**o ay hindi lamang nagtuturo ng mga aralin sa loob ng silid-aralan. Sila rin ang nagbibigay ng inspirasyon, gumagabay sa atin, at tumutulong upang maging mas mabuting tao. Sa bawat araw na pumapasok tayo sa paaralan, may g**ong patuloy na nagsisikap upang maibahagi sa atin ang kanilang kaalaman at karanasan. Sa kanyang pagiging Kindergarten Teacher, pinakita niya ang tunay pagiging g**o kung paano siya magturo at mag-alaga ng mga batang minumulat pa lamang sa eskwelahan. Tunay kang kahanga-hanga, Ma'am Fe!

Sa kanyang pagtuturo, natututo kami hindi lamang tungkol sa aming mga asignatura, kundi pati na rin sa pagiging responsable, masipag, at determinado.

Happy Teacherโ€™s Day, Maโ€™am Fe! Maraming salamat po sa pagiging isang mabuting g**o at inspirasyon sa aming lahat.

Cassandra Keith H. Arenas
Campus Journalist

๐—ฃ๐—”๐—š๐—ฃ๐—จ๐—ฃ๐—จ๐—š๐—”๐—ฌ ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—š๐—” ๐—ก๐—”๐—š๐—œ๐—ก๐—š ๐—›๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—š๐—œ ๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—œ๐—ก๐—ง๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—”๐—ฅ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ก Natatanging G**o 4: ๐—š๐—ป๐—ด. ๐—๐—ผ๐˜ƒ๐—ถ๐˜๐—ฎ ๐— . ๐— ๐—ผ๐—ฟ๐—ฒ๐—ฑ๐—ผSa paglipas ng mga taon, ma...
10/09/2026

๐—ฃ๐—”๐—š๐—ฃ๐—จ๐—ฃ๐—จ๐—š๐—”๐—ฌ ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—š๐—” ๐—ก๐—”๐—š๐—œ๐—ก๐—š ๐—›๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—š๐—œ ๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—œ๐—ก๐—ง๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—”๐—ฅ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ก

Natatanging G**o 4: ๐—š๐—ป๐—ด. ๐—๐—ผ๐˜ƒ๐—ถ๐˜๐—ฎ ๐— . ๐— ๐—ผ๐—ฟ๐—ฒ๐—ฑ๐—ผ

Sa paglipas ng mga taon, may mga g**ong hindi lamang nagtuturo ng mga aralin kundi nag-iiwan din ng mga pagpapahalagang bitbit ng kanilang mga mag-aaral habang sila ay lumalaki. Isa sa mga g**ong tunay na hinahangaan at ipinagpapasalamat ng San Isidro Integrated School ay si Mrs. Jovita M. Moredo, isang beteranang g**o na matagal nang naglilingkod sa paaralan at naging bahagi ng paghubog sa maraming estudyante.

Sa kanyang mahabang panahon ng pagtuturo, hindi lamang kaalaman ang kanyang naibahagi. Tumulong din siyang hubugin ang mga mag-aaral upang maging mas responsable, disiplinado, magalang, at higit sa lahat, mabuting tao. Ito ay patunay na maaaring lumipas ang mga taon, ngunit ang mga aral na itinuro niya ay patuloy na mananatili sa puso at isipan ng kanyang mga naging mag-aaral. Maraming salamat po, Mrs. Jovita M. Moredo, sa inyong mga taon ng paglilingkod, pagtuturo, at paggabay. Binabati po namin kayo ng Happy Teacherโ€™s Month!

โ€” Cris Dave M. Macalintal
Campus Journalist

๐—ฃ๐—”๐—š๐—ฃ๐—จ๐—ฃ๐—จ๐—š๐—”๐—ฌ ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—š๐—” ๐—ก๐—”๐—š๐—œ๐—ก๐—š ๐—›๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—š๐—œ ๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—œ๐—ก๐—ง๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—”๐—ฅ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—กNatatanging G**o 3: ๐—š๐—ป๐—ด. ๐—ง๐—ต๐—ฒ๐—น๐—บ๐—ฎ ๐—–. ๐— ๐—ผ๐—ฟ๐—ฒ๐—ฑ๐—ผ      Hindi madali ang pagig...
09/09/2026

๐—ฃ๐—”๐—š๐—ฃ๐—จ๐—ฃ๐—จ๐—š๐—”๐—ฌ ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—š๐—” ๐—ก๐—”๐—š๐—œ๐—ก๐—š ๐—›๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—š๐—œ ๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—œ๐—ก๐—ง๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—”๐—ฅ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ก

Natatanging G**o 3: ๐—š๐—ป๐—ด. ๐—ง๐—ต๐—ฒ๐—น๐—บ๐—ฎ ๐—–. ๐— ๐—ผ๐—ฟ๐—ฒ๐—ฑ๐—ผ

Hindi madali ang pagiging g**o sapagkat maraming responsibilidad at obligasyon ang nakaatang sa kanila. Dagdag pa ang pagiging pangalawang magulang ng mga g**o sa paaralan. Kulang ang paaralan kung wala ang g**o. Kaya sa likod ng tagumpay ng bawat estudyante ay may g**ong hindi sumusuko sa hirap at pagodโ€”isa na rito ang ating minamahal na G**o na nagsilbi sa ating paaralan walang iba kundi si Gng. Thelma C. Moredo.
Ang inyo pong walang sawang pagtuturo noon ay nagbigay aral, kaalaman at humubog sa maraming kabataan ng magandang asal. Marami pong kabataan ang nagtagumpay at natupad nila ang kani-kanilang pangarap sa buhay dahil sa inyong pagmamahal sa pagtuturo. Kayo po ay aming ipinagmamalaki at hinahangaan sapagkat po sa inyong kasipagan at kagalingan sa pagtuturo ay tunay na kahanga-hanga. Ang inyo pong trabaho ay isang karangalan dahil wala pong magiging nars, doktor, abogado, inhinyero at iba pang propesyon kung walang unang g**o na nagturo sa kanila katulad n'yo. Para po sa inyo Gng. Thelma C. Moredo kami po'y nagpapasalamat nang buong puso sa inyong pagsilbi bilang g**o sa aming paaralan. Walang hanggang pasasalamat po sa inyong kabutihan, at sa iyong aral at kaalaman na hinding-hindi po namin kakalimutan ibabaon po namin ito sa aming puso't isipan. Ang inyo pong sakripisyo sa bawat oras, araw, linggo, buwan at taon noong kayo'y nagtuturo pa ay hindi kailanman masasayang sapagkat maraming kabataan ang ipinagpatuloy at ginamit ang mga natutunan galing sa iyo upang makamit din ang kanilang pangarap. Marami po sa mga kabataan ay kayo ang naging dahilan kung bakit sila'y patuloy na nangangarap at nagsisikap. Kayo po'y karapat dapat na pahalagahan, pasalamatan at hangaan. Muli kami po'y nagpapasalamat ng marami at Happy Teacher's Month po, Ma'am Thelma!

-Maxene Diane Ilagan
Campus Journalist

๐—ฃ๐—”๐—š๐—ฃ๐—จ๐—ฃ๐—จ๐—š๐—”๐—ฌ ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—š๐—” ๐—ก๐—”๐—š๐—œ๐—ก๐—š ๐—›๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—š๐—œ ๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—œ๐—ก๐—ง๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—”๐—ฅ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—กNatatanging G**o 2: ๐—š๐—ป๐—ด. ๐—”๐˜‚๐—ฟ๐—ผ๐—ฟ๐—ฎ ๐— . ๐——๐—ฒ๐˜ƒ๐—ฒ๐—น๐—ผ๐˜€Sa bawat pagpasok natin sa ...
09/09/2026

๐—ฃ๐—”๐—š๐—ฃ๐—จ๐—ฃ๐—จ๐—š๐—”๐—ฌ ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—š๐—” ๐—ก๐—”๐—š๐—œ๐—ก๐—š ๐—›๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—š๐—œ ๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—œ๐—ก๐—ง๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—”๐—ฅ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ก

Natatanging G**o 2: ๐—š๐—ป๐—ด. ๐—”๐˜‚๐—ฟ๐—ผ๐—ฟ๐—ฎ ๐— . ๐——๐—ฒ๐˜ƒ๐—ฒ๐—น๐—ผ๐˜€

Sa bawat pagpasok natin sa paaralan, may mga taong hindi napapagod magtanim at magbigay ng kaalaman sa ating mga puso't isipan. Pundasyon ng ating karunungan at kaalaman. Sumusuporta sa lahat ng gawain ng ating paaralan at komunidad, talento at galing ng ating kapuwa Isidorean. Mula sa pagiging g**o hanggang sa pagiging magaling na School Head ng ating paaralan noon, binabati namin ng Happy Teachers' Month si Gng. Aurora M. Develos!

Maraming natutunan kay Gng. Aurora M. Develos, mula sa mga kaalaman na nakukuha sa mga silid-aklatan hanggang sa mga kaalaman na magagamit sa buhay. Sa kanyang mabuting puso sa mga mag-aaral, natututunan naming maging katulad niya at nagsisilbi siyang inspirasyon ng bawat isa. Siya ay tunay na kahanga-hanga at tunay na isang g**ong maipagmamalaki ng ating paaralan. Muli, binabati namin kayo Gng. Aurora M. Develos, Happy Teachers' Month!

-Ashley Mae C. Briton
Campus Journalist

๐—›๐—”๐—ฃ๐—ฃ๐—ฌ ๐—ก๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก๐—”๐—Ÿ ๐—ง๐—˜๐—”๐—–๐—›๐—˜๐—ฅ๐—ฆ' ๐— ๐—ข๐—ก๐—ง๐—›, ๐— ๐—”'๐—”๐—  ๐—Ÿ๐—˜๐— ๐—œ๐—˜! Sa likod ng bawat tagumpay ng isang paaralan ay isang lider na gumagabay, n...
08/09/2026

๐—›๐—”๐—ฃ๐—ฃ๐—ฌ ๐—ก๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก๐—”๐—Ÿ ๐—ง๐—˜๐—”๐—–๐—›๐—˜๐—ฅ๐—ฆ' ๐— ๐—ข๐—ก๐—ง๐—›, ๐— ๐—”'๐—”๐—  ๐—Ÿ๐—˜๐— ๐—œ๐—˜!

Sa likod ng bawat tagumpay ng isang paaralan ay isang lider na gumagabay, nagbibigay-inspirasyon, at buong pusong sumusuporta sa mga g**o at mga mag-aaral. Maraming salamat po sa inyong pamumuno, malasakit, at walang sawang pagsisikap upang maging mas mahusay ang ating paaralan at mas makabuluhan ang ating paglilingkod sa mga mag-aaral.

Sa araw na ito, hindi lamang namin ipinagdiriwang ang pagiging g**o, kundi pati ang inyong natatanging papel bilang lider, katuwang, at inspirasyon ng buong paaralan.

Mula sa buong pamilya ng San Isidro Integrated School, Happy National Teachers Month po, Ma'am Lemie!

Patuloy po kayong maging ilaw at inspirasyon sa bawat g**ong inyong pinamumunuan. โค๏ธ

Saludo kami sa inyong dedikasyon at pamumuno!

-Shaiya Mhae Corales
Editorial Writing - English
Division Schools Press Conference Qualifier

Address

San Isidro
San Luis
4210

Opening Hours

Monday 6am - 5pm
Tuesday 6am - 5pm
Wednesday 6am - 5pm
Thursday 6am - 5pm
Friday 6am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Deped San Isidro IS-Batangas Province posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category