26/06/2026
PAALALA SA MGA MAGULANG AT TAGAPAG-ALAGA NG MGA MAG-AARAL NG ADORABLE ‼️
Mapagpalang araw po.
Bilang bahagi ng pananatili ng kaligtasan, kaayusan at seguridad sa loob ng paaralan, ang Adorable Elementary School sa pamumuno ni Doktor Cherry G. Cabo, ay nakipag ugnayan sa ating Brgy. Captain Silvestre Papo Juatchon ng Brgy. Adorable at Brgy. Captain Imelda Hementera ng Brgy. Diversion upang mahigpit na ipatupad ang mga sumusunod na alituntunin simula sa Lunes, Hunyo 29,2026.
1. Ang mga magulang, tagapag-alaga, at iba pang naghahatid ng mga mag aaral ay HANGGANG SA GATE ng paaralan na lamang.
2. Sa GATE lamang po maaaring ihatid at sunduin ang mga mag aaral.
3. Ang mga magulang at tagapag-alaga na maghihintay ay inaasahang mananatili sa LABAS NG GATE at hindi na papasok sa loob ng paaralan maliban kung may opisyal na transaksyon o pahintulot mula sa paaralan.
4. Ang GATE ng paaralan ay MANANATILING NAKASARA sa oras ng klase upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng lahat ng mag-aaral at kawani.
5. Ang mga bibisita o transaksyon sa paaralan ay MAGPAPAKITA/HAHANAPAN NG I.D bago papasukin sa loob ng paaralan.
6. Mahigpit na pinagbabawal din ang pagpasok ng ano mang uri ng sasakyan sa loob ng paaralan. ANG LAHAT NG SASAKYAN AY HANGGANG SA GATE o sa mga itinalagang DROP-OFF AREA lamang.
Hinihingi po namin ang inyong pang-unawa at buong pakikiisa sa pagpapatupad ng mga patakarang ito. Ang ating pagtutulungan ay mahalaga upang mapanatili ang isang ligtas at maayos na kapaligiran para sa ating mga anak at mag-aaral.
MARAMING SALAMAT PO SA INYONG KOOPERASYON.