17/08/2026
Stay safe po, TNES Learners. 🌧️
#𝐖𝐀𝐋𝐀𝐍𝐆𝐏𝐀𝐒𝐎𝐊 | 𝐀𝐔𝐆𝐔𝐒𝐓 𝟏𝟖, 𝟐𝟎𝟐𝟔 (𝐌𝐀𝐑𝐓𝐄𝐒)
Sa direktiba ni Governor Aurelio Oyie Matias Umali, at alinsunod sa rekomendasyon ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), ipinatutupad ang Executive Order No. 24, Series of 2026, na 𝐧𝐚𝐠𝐬𝐮𝐬𝐮𝐬𝐩𝐢𝐧𝐝𝐞 𝐧𝐠 𝐟𝐚𝐜𝐞-𝐭𝐨-𝐟𝐚𝐜𝐞 𝐜𝐥𝐚𝐬𝐬𝐞𝐬 𝐬𝐚 𝐥𝐚𝐡𝐚𝐭 𝐧𝐠 𝐚𝐧𝐭𝐚𝐬 𝐧𝐠 𝐩𝐫𝐢𝐛𝐚𝐝𝐨 𝐚𝐭 𝐩𝐚𝐦𝐩𝐮𝐛𝐥𝐢𝐤𝐨𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐚𝐫𝐚𝐥𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐛𝐮𝐨𝐧𝐠 𝐋𝐚𝐥𝐚𝐰𝐢𝐠𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐍𝐮𝐞𝐯𝐚 𝐄𝐜𝐢𝐣𝐚 𝐧𝐠𝐚𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐫𝐭𝐞𝐬, 𝐀𝐠𝐨𝐬𝐭𝐨 𝟏𝟖, 𝟐𝟎𝟐𝟔.
Alinsunod sa umiiral na mga memorandum at patakaran ng Department of Education (DepEd) at Commission on Higher Education (CHED), ang bawat paaralan at higher education institution ay hinihikayat na gumamit ng naaangkop na Alternative Delivery Modes (ADM), online classes, modular learning, asynchronous learning, o iba pang alternatibong pamamaraan ng pagkatuto, kung kinakailangan at naaayon sa kanilang sariling assessment, kapasidad, at umiiral na guidelines, upang matiyak ang pagpapatuloy ng pag-aaral nang hindi isinasakripisyo ang kaligtasan ng mga mag-aaral at g**o.
Ayon sa DOST-PAGASA Weather Advisory No. 64, na inilabas ngayong Agosto 17, 2026, alas-5:00 ng hapon, kabilang ang Nueva Ecija sa mga lugar na may inaasahang katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan hanggang hapon ng Agosto 18 dahil sa Southwest Monsoon (Habagat).
Pinapayuhan ang lahat na manatiling mapagmatyag at patuloy na subaybayan ang mga opisyal na abiso mula sa DOST-PAGASA, PDRRMO, DepEd, CHED, kani-kanilang paaralan, at Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija.
Mag-ingat at manatiling ligtas, Novo Ecijanos! 💙