Ang Dúyog

Ang Dúyog Ang Opisyal na Pahayagang Pampaaralan ng San Juan City Science High School sa Wikang Filipino. JUANSCI Filipino School Publication

IBA’T IBANG BAYANI: Nakaraan at KasalukuyanBukod sa mga tanyag na bayani ng kasaysayan, sinu-sino pa ang patuloy na nag-...
31/08/2026

IBA’T IBANG BAYANI: Nakaraan at Kasalukuyan

Bukod sa mga tanyag na bayani ng kasaysayan, sinu-sino pa ang patuloy na nag-aalay ng dugo, pawis, panahon, at lakas upang maitaguyod ang kinabukasan ng bayan?

Ipinagdiriwang tuwing huling Lunes ng Agosto ang Pambansang Araw ng mga Bayani, isang natatanging pagkakataon upang kilalanin at gunitain ang kabayanihan ng mga Pilipinong nag-alay ng kanilang buhay at paglilingkod para sa bayan.

Itinakda sa ilalim ng Republic Act No. 9492 ang pagdiriwang ng National Heroes Day tuwing huling Lunes ng Agosto bilang pagkilala sa mga bayaning nagpunyagi at nagsakripisyo para sa kalayaan at kapakanan ng bansa.

Sa paggunita sa araw na ito, muling nabibigyang-halaga ang mga ambag ng mga bayaning tulad nina G*t Andres Bonifacio at G*t Jose Rizal, na naging mahalagang bahagi ng kasaysayan ng pakikibaka ng mga Pilipino para sa kalayaan. Gayunman, ang kabayanihan ay hindi lamang nasusukat sa mga pangalan na nakaukit sa mga aklat ng kasaysayan.

Sa kasalukuyan, marami ring Pilipino ang maituturing na mga tahimik na bayani.
Sila ang mga g**o na patuloy na humuhubog sa kabataan, mga manggagawang nagsisikap para sa kanilang pamilya, mga magsasakang naglalaan ng pagkain para sa bansa, mga frontliner na nangangalaga sa kalusugan at kaligtasan ng mamamayan, at mga overseas Filipino workers (OFWs) na nagsasakripisyo upang mabigyan ng mas magandang kinabukasan ang kanilang mga mahal sa buhay.

Sa huli, ang pagiging bayani ay hindi lamang tungkol sa mga dakilang gawa na naitala sa kasaysayan. Makikita rin ito sa araw-araw na pagsasakripisyo, katapatan, malasakit, at paglilingkod sa kapwa at bayan.

Sa paggunita sa Pambansang Araw ng mga Bayani, nawa’y hindi lamang natin alalahanin ang mga bayaning nagbuwis ng buhay para sa kalayaan, kundi kilalanin din ang mga ordinaryong Pilipinong patuloy na gumagawa ng kabutihan para sa kapwa at sa bansa.

Dahil ang kabayanihan ay hindi lamang bahagi ng nakaraan—ito ay patuloy na isinasabuhay sa kasalukuyan.



✍️ | Titik ni: Sofiya Del Rosario
🖼️ | Talatag ni: Trisha Mamaril

𝗞𝗢𝗠𝗘𝗡𝗧𝗔𝗥𝗬𝗢 | 𝗡𝗶𝗻𝗼𝘆 𝗔𝗾𝘂𝗶𝗻𝗼 𝗗𝗮𝘆: 𝗜𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗔𝗹𝗮𝗮𝗹𝗮, 𝗜𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗻𝗮𝘄𝗮𝗴𝗮𝗻Bawat ika-21 ng Agosto, muling binabalikan ng bansa ang isan...
21/08/2026

𝗞𝗢𝗠𝗘𝗡𝗧𝗔𝗥𝗬𝗢 | 𝗡𝗶𝗻𝗼𝘆 𝗔𝗾𝘂𝗶𝗻𝗼 𝗗𝗮𝘆: 𝗜𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗔𝗹𝗮𝗮𝗹𝗮, 𝗜𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗻𝗮𝘄𝗮𝗴𝗮𝗻

Bawat ika-21 ng Agosto, muling binabalikan ng bansa ang isang eksena sa Manila International Airport noong 1983—ang pagpaslang kay dating Senator Benigno "Ninoy" Aquino Jr. sa tarmac, at kasabay nito, ang pagsilang ng isang bagong kilusan para sa demokrasya. Mahigit apat na dekada na ang lumipas, ngunit ang tanong na iniiwan ng kanyang alaala ay hindi lumalabo: Hanggang saan ba talaga tayo nakalayo mula sa dilim na kanyang ipinaglaban?

Ang Pilipinas ay may denokrasya, may halalan, may mga kongreso, at malayang pamamahayag. Ngunit ang katotohanan ay mas komplikado. Ang korapsyon at panggigipit na matagal nang naging suliranin ng bansa ay hindi tuluyang nasolusyunan ng EDSA People Power Revolution dahil ang katotohanan, nagbago lamang ito ng anyo. Mula sa mga proyektong ipinapangako sa mamamayan, tulad na lamang ng mga flood control project, hanggang sa patuloy na pag-iral ng mga dinastiya ng mga pamilya sa politika, nananatili ang hamon ng pang-aabuso sa kapangyarihan. Sa ganitong kalagayan, ang ipinaglaban ni Ninoy ay hindi lamang bahagi ng nakaraan dahil nananatili pa rin itong hamon sa kasalukuyan.

Ito ang madalas nating nakakalimutan, ang habambuhay demokrasya ay hindi makakamit kung hindi tama ang pamamahala. Dahil ito ay isang bagay na kailangang ipaglaban, bantayan, at patuloy na isulong sa bawat henerasyon. Ang naging sakripisyo ni Ninoy ay hindi lamang upang magkaroon ng pagkakataong bumoto ang bawat Pilipino, kundi upang magkaroon tayo ng mga lider na may pananagutan at isang lipunang hindi natatakot magsalita laban sa mali.

Sa kasalukuyan, patuloy na lumalabas ang mga kontrobersiya kaugnay ng mga flood control projects at iba pang usapin ng katiwalian. Sa harap ng isang pamahalaang inaasahang manindigan para sa bawat mamamayan, isang tanong ang patuloy na bumabalik: Sino ang susunod na Ninoy? Ngunit hindi kailangan na may mawala upang maipagpatuloy ang pakikipaglaban. Maaaring ang sagot ay ang mga kabataang walang takot na pumuna sa maling gawain ng pamahalaan, ang mga ordinaryong mamamayang marunong manindigan, at ang mga mamamahayag na patuloy na naghahatid ng katotohanan.

Ang pinakamainam na paraan ng paggunita sa Ninoy Aquino Day ay hindi lamang ang pag-alala sa nakaraan, kundi ang pagkilos sa kasalukuyan. Hindi sapat na manatili si Ninoy bilang pangalan sa mga aklat, larawan sa mga silid-aralan, o simbolo ng isang panahong lumipas. Kailangang mabuhay sa atin ang katapangan na kanyang ipinakita, ang tapang ng puso na magtanong, manindigan, at magsalita laban sa pang-aabuso ng kapangyarihan. Sapagkat kung hahayaan nating manatili ang kanyang alaala bilang simbolo lamang, mababalewala ang tunay na diwa ng lahat ng kanyang ipinaglaban.



✍️ | Titik ni: Carl Dave Cuyas
🖼️ | Talatag ni: Pope Tapel

𝗪𝗜𝗞𝗔𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗡 | 𝗗𝗶𝗸𝗶𝘁 𝘀𝗮 𝗔𝗴𝗼𝘀𝙇𝙖𝙝𝙖𝙩 𝙖𝙮 𝙣𝙖𝙜𝙗𝙖𝙗𝙖𝙜𝙤 𝙤 𝙨𝙖𝙙𝙮𝙖𝙣𝙜 𝙗𝙞𝙣𝙖𝙗𝙖𝙜𝙤 𝙪𝙥𝙖𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙠𝙖𝙨𝙖𝙗𝙖𝙮 𝙨𝙖 𝙖𝙜𝙤𝙨.Ang wikang kinagisnan at natutuh...
14/08/2026

𝗪𝗜𝗞𝗔𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗡 | 𝗗𝗶𝗸𝗶𝘁 𝘀𝗮 𝗔𝗴𝗼𝘀

𝙇𝙖𝙝𝙖𝙩 𝙖𝙮 𝙣𝙖𝙜𝙗𝙖𝙗𝙖𝙜𝙤 𝙤 𝙨𝙖𝙙𝙮𝙖𝙣𝙜 𝙗𝙞𝙣𝙖𝙗𝙖𝙜𝙤 𝙪𝙥𝙖𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙠𝙖𝙨𝙖𝙗𝙖𝙮 𝙨𝙖 𝙖𝙜𝙤𝙨.

Ang wikang kinagisnan at natutuhan mula nang tayo ay namulat sa mundo ay ang wikang niyakap at pinahahalagahan.
Sa pagkatuto ng abakada, pagbigkas ng mga tula, at hanggang sa pagbibigay ng talumpati ay unang ginamit ang sariling wika—ang wikang Filipino.

Kasabay ng pag-unlad ng lipunan ang pagpasok ng impluwensiya ng ibang kultura at wika. Buo mang tinatanggap o bahagyang hinahango, nagiging bahagi na rin ang mga ito ng paraan ng pakikipag-usap at pamumuhay ng isang Pilipino.

𝘽𝙖𝙤𝙣𝙜 𝙄𝙣𝙜𝙡𝙚𝙨
Ingles o English ang itinuturing na pangkalahatang wika at ikalawang wika ng maraming Pilipino. Sa paaralan, opisina, at iba’t ibang larangan, karaniwan na itong ginagamit kasabay ng Filipino.

Ilan sa mga salitang Ingles na madalas nang ginagamit sa iba’t ibang propesyon ay deadline, overtime, at feedback. Sa tagal ng paggamit sa mga ito, naging pamilyar na ang mga salita at bahagi na ng pang-araw-araw na pakikipagkomunikasyon.

𝘽𝙖𝙜𝙤𝙣𝙜 𝙒𝙞𝙠𝙖
Bawat bagong salita o pariralang umusbong ay tila alon sa karagatan ng wika na nagpapalutang sa mga nagbibigkas nito. Kasabay ng mga uso at pagbabago sa paraan ng pakikipag-ugnayan, patuloy ding nadaragdagan ang mga salitang ginagamit ng mga Pilipino.

Sa panahon ngayon, karaniwan nang naririnig ang mga salitang tulad ng trending, deserve, at share. Mabilis itong kumakalat sa social media at kadalasang nagmumula sa Ingles o sa pagsasanib ng Ingles at Tagalog na tinatawag na Taglish.

Nagbabago man ang ating lipunan at umusbong man ang mga bagong anyo ng wika, Filipino pa rin ang ating inang wika. Maaaring makisabay sa agos at tangkilikin ang mga wikang banyaga, ngunit hindi nangangahulugang kailangang talikuran ang sariling atin. Sa bawat pagbabagong dala ng panahon, manatili sanang buhay ang wikang bahagi ng ating pagkakakilanlan.



✍️ | Titik ni: Vianney Blancia
🖼️ | Talatag ni: Pope Tapel

𝗪𝗜𝗞𝗔𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗡 | 𝗪𝗮𝘀𝘁𝗼𝗻𝗴 𝗕𝗮𝗹𝗮𝗿𝗶𝗹𝗮: “𝗻𝗴” 𝗼 “𝗻𝗮𝗻𝗴”?Isa sa mga karaniwang pagkakamali sa pagsulat ay ang pagpapalitan ng mga sa...
12/08/2026

𝗪𝗜𝗞𝗔𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗡 | 𝗪𝗮𝘀𝘁𝗼𝗻𝗴 𝗕𝗮𝗹𝗮𝗿𝗶𝗹𝗮: “𝗻𝗴” 𝗼 “𝗻𝗮𝗻𝗴”?

Isa sa mga karaniwang pagkakamali sa pagsulat ay ang pagpapalitan ng mga salitang "ng" at "nang". Bagama’t magkahawig ang tunog nila, magkaiba naman ang kanilang gamit sa isang pangungusap. Mahalagang malaman ito upang maging malinaw ang isang mensahe.



✍️ | Titik ni: Maj Plarisan
🖼️ | Talatag ni: Trisha Mamaril

10/08/2026
BALITA | Makibahagi at Matuto: Project LEARN, Isinagawa na sa JuanSciSinimulan na sa San Juan Juan City Science High Sch...
08/08/2026

BALITA | Makibahagi at Matuto: Project LEARN, Isinagawa na sa JuanSci

Sinimulan na sa San Juan Juan City Science High School (JuanSci) ang Project LEARN o Learning Experiences Acquired through Reading Newspapers sa ilalim ng pagtutulungan ng San Juan City Schools Division Office at The Philippine STAR na gagawin sa loob ng apat na linggo.

Layunin nito na hasain at pagtibayin ang pag-intindi, media literacy, kritikal na pag-iisip, at pagpapahalaga sa dyaryo bilang isang learning tool.

“Para sa’kin po, maiimprove [ng Project LEARN] yung reading comprehension, vocabulary, communication skills and iba pa through the program. Nagiging aware din po yung students po sa mga kasalukuyang nangyayari sa ating lipunan… sa Pilipinas.” wika ni Anne Enverzo, mag-aaral mula sa 9-Darwin, sa kahalagahan at importansiya nito.

Sa ngayon, nasa ikalawang linggo na ang nasabing proyekto at ito ay nagbunga ng mabuting epekto sa mga estudyante.

“Personally, na realize ko na kung gaano kahalaga yung pakikinig at pagbabasa ng balita. Meron kasi tayong namimiss-out na information and masyadong natatabunan ng major issues yung ibang news na may malaki ding dulot sa bansa natin.” saad ni Rafael Zalcita, mag-aaral ng 11-Del Mundo, matapos makibahagi sa proyektong ito.

Tunay na pangunahing adhikain ng proyektong ito ang makatulong sa pagpapalago ng mga mag-aaral upang mas maging responsableng mamamayan at aktibong miyembro ng lipunan.



✍️ | Titik ni: Charlize Bonus

LATHALAIN | Pamana ni Quezon“𝘼 𝙣𝙖𝙩𝙞𝙤𝙣 𝙞𝙨 𝙝𝙚𝙡𝙙 𝙗𝙮 𝙖 𝙘𝙤𝙢𝙢𝙤𝙣 𝙡𝙖𝙣𝙜𝙪𝙖𝙜𝙚”Nakasanayan na ng bawat mamamayang Pilipino ang pagga...
06/08/2026

LATHALAIN | Pamana ni Quezon

“𝘼 𝙣𝙖𝙩𝙞𝙤𝙣 𝙞𝙨 𝙝𝙚𝙡𝙙 𝙗𝙮 𝙖 𝙘𝙤𝙢𝙢𝙤𝙣 𝙡𝙖𝙣𝙜𝙪𝙖𝙜𝙚”

Nakasanayan na ng bawat mamamayang Pilipino ang paggamit ng wikang Filipino bilang pangunahing wika sa komunikasyon. Ngunit, naisip mo na ba ano kaya ang maaaring mangyari kung walang naitatag na wikang pambansa at lahat tayo ay iba-iba ang lenggwahe?

Buti na lamang at mayroong katangi-tanging presidente na nagtuon ng pansin at nakita ang kahalagahan ng pagkakaroon ng isang wika na magagamit ng buong bansa upang magkaisa. Siya ay si Manuel L. Quezon, ang tinaguriang “Ama ng Wikang Pambansa”.

Bago pa man siya maging Pangulo ng Komonwelt, aktibo na niyang ginagawang usapin ang kahalagahan ng wika sa pagbabalangkas ng bagong Saligang Batas. Ayon sa unang mensahe niya sa asembleya noong Oktubre 27, 1936, hindi raw maaaring manatiling Ingles o Espanyol ang wika ng mga Pilipino kung kaya’t kinakailangan ng sariling pagkakakilanlan, sariling wika.

Taong 1935
Libu-libong mga isla at pangkat etniko ang nasa bansa, kung kaya naman hiningi niya sa lehislatura ang paglikha ng isang institusyon na mag-aaral sa mga katutubong wika upang maging batayan ng wikang pambansa.

Taong 1936-1937
Dito, pinagtibay ang Batas Komonwelt Blg. 184 kung saan pormal na nagtatag ng Surian ng Wikang Pambansa at sila’y nakapasa ng resolusyon na nagrerekomenda sa Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa. At sa wakas, sa pamamagitan ng isang makasaysayang talumpati sa radyo sa Araw ni Rizal, opisyal nang iprinoklama ang Tagalog bilang batayan ng wika sa ilalim Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134.

Taong 1940
Sa ilalim ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263, dito pinahintulutan ang paglilimbag at pagtuturo ng Tagalog-English Vocabulary at ang Balarila ng Wikang Pambansa na siya namang binuo ni Lope K. Santos-mga unang hakbang upang maituro at maipakalat ang wika. Dito na rin sinimulan ang pagtuturo ng wika sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa buong bansa.

At noong taong 1987, sa ilalim ng Artikulo XIV, Seksyon 6 ng Saligang Batas 1987, itinuring na ang mga katutubong wika ay hindi mga dayalekto kung hindi isang ganap na wika ng pagpapayaman sa wikang pambansa. Kabilang rito ang mga wika tulad ng Ilokano, Cebuano, Maranao, at iba pa.

Ang wikang minsang ipinaglaban ni Quezon ay siya na ngayong pagkakakilanlan ng mga Pilipino. Isang pamana kung tutuusin. Pamanang lahat ay mayroong tungkuling ingatan, gamitin, at ipagmalaki para sa mga susunod pang henerasyon. Dahil sa bawat salita na binibitawan, nabubuhay ang pagiging Pilipino.



✍️ | Titik ni: Eunice Medina
🖼️ | Talatag ni: Trisha Mamaril

EXPLAINER | Makabayan tuwing Agosto lamang?Tuwing sumasapit ang buwan ng Agosto, muling nabubuhay ang diwa ng pagiging m...
05/08/2026

EXPLAINER | Makabayan tuwing Agosto lamang?

Tuwing sumasapit ang buwan ng Agosto, muling nabubuhay ang diwa ng pagiging makabayan sa pamamagitan ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika.

✍️ | Titik ni: Mark Gabay
🖼️ | Talatag ni: Sabella Agustin

𝗣𝗮𝗴𝗸𝗮𝗸𝗮𝗶𝘀𝗮 𝗮𝘁 𝗣𝗮𝗴𝗹𝗶𝗹𝗶𝗻𝗴𝗸𝗼𝗱: 𝗣𝗮𝗻𝘂𝗻𝘂𝗺𝗽𝗮 𝗻𝗴 𝗯𝗮𝗴𝗼𝗻𝗴 𝗝𝘂𝗮𝗻𝗦𝗰𝗶 𝗦𝗣𝗧𝗔 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗦.𝗬. 𝟮𝟬𝟮𝟲-𝟮𝟬𝟮𝟳Punong-puno ng kagalakan ang bawat is...
31/07/2026

𝗣𝗮𝗴𝗸𝗮𝗸𝗮𝗶𝘀𝗮 𝗮𝘁 𝗣𝗮𝗴𝗹𝗶𝗹𝗶𝗻𝗴𝗸𝗼𝗱: 𝗣𝗮𝗻𝘂𝗻𝘂𝗺𝗽𝗮 𝗻𝗴 𝗯𝗮𝗴𝗼𝗻𝗴 𝗝𝘂𝗮𝗻𝗦𝗰𝗶 𝗦𝗣𝗧𝗔 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗦.𝗬. 𝟮𝟬𝟮𝟲-𝟮𝟬𝟮𝟳

Punong-puno ng kagalakan ang bawat isa nang isagawa ang opisyal na panunumpa ng mga bagong miyembro ng School-Parent Teacher Association (SPTA) ng San Juan City Science High School (SJCSHS) nitong linggo.

Layon nito na suportahan ang paaralan at ingatan ang patuloy na pagkatuto ng mga estudyante. Nagbigay ng welcoming message si Gng. Florence C. Ares, punong-g**o ng SJCSHS, para sa pagsalubong sa mga bagong mamumuno.

Binigyang diin ni Gng. Evelyn Plaza, Education Program Specialist ll, ang kahalagahan ng partnership at collaboration para sa isang matagumpay na pagsasagawa ng proyekto sa paaralan.

Ang mga sumusunod ang mga bagong naihalal:
President: Mrs. Joan Pasadilla-Culala
Vice President: Mrs. Shayne Serrano
Secretary: Mrs. Jeannette San Juan
Treasurer: Mrs. Ma. Cristina Luceno Mallorca
Auditor: Mrs. Sheryl S. Juan
PIO: Mr. Marlito S. Caramto
Grade 7 Representative: Mr. Chad Alfie Quiñon
Grade 8 Representative: Mrs. Dyma P. Cabiten
Grade 9 Representative: Mrs. Deanna Ross T. Campos
Grade 10 Representative: Mrs. Nenpha G. Vidal
Grade 11 Representative: Mrs. Shiela Ordinario
Grade 12 Representatives: Mrs. Sheryll D. Sagun
Para naman sa mga g**o:
Mr. Marlon D. Dalde
Ms. Angela Atisor
Ms. Benilda Agbayani

Noong eleksiyon ng SPTA, inilahad ni Mr. Melchor Odi, isang g**o sa SJCSHS at katuwang ng organisasyon, ang mga tuntunin at patakaran sa sistema sa relasyon ng paaralan at mga magulang.

Bilang pagtatapos, pinaalalahanan ni Gng. Evelyn Plaza ang pagpapatuloy ng mga proyekto ng nagdaang organisasyon para sa pag-igting ng suporta at gabay sa mga estudyante, g**o, at mga magulang. Ang pagsasakatuparan ng mga gawain na ito ay mag-iiwan ng legasiya hanggang sa mga susunod na mamumuno.

🖊 | Titik nina: Kim Glori at Paul Dicen
📷 | Kuha ni: Paul Dicen

LATHALAIN | Tanikalang Pinangalanang Kapayapaan  𝗣𝗮𝘅 - salitang nagmula sa Latin na nangangahulugang kapayapaan, katatag...
21/07/2026

LATHALAIN | Tanikalang Pinangalanang Kapayapaan

𝗣𝗮𝘅 - salitang nagmula sa Latin na nangangahulugang kapayapaan, katatagan, at pangmatagalang kasaganaan.
𝗦𝗶𝗹𝗶𝗰𝗮 - silicon dioxide, ang batayang materyal para sa mga semiconductor at iba pang electronic components na kinakailangan sa AI.

𝗣𝗔𝗫 𝗦𝗜𝗟𝗜𝗖𝗔
Internasyunal na estratehikong inisyatiba na pinamumunuan ng Estados Unidos na itinatag upang bumuo ng ligtas at matatag na mga supply chain para sa AI, upang mapagtibay ang economic security sa mga kaalyadong bansa.
Sa gitna ng mga planong ito, naroon ang Pilipinas.

𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗟𝗔𝗡𝗢 𝗦𝗔 𝗔𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗟𝗨𝗣𝗔
Sa puso ng Luzon Economic Corridor, balak itayo ang 4,000-acre industrial hub. Subalit, hindi lamang ito basta-bastang ordinaryong planta. Ito ang kauna-unahang industrial acceleration hub na nakatuon sa Artificial Intelligence (AI). Dito gagawin ang lahat: mula sa paghuhukay ng mineral, paggawa ng semiconductor, hanggang sa paglalayag nito patungo sa 23 kaalyadong bansa.
Nilalayon din nitong basagin ang monopolyo ng Tsina sa mga rare earth minerals at high-end chip manufacturing. At sa planong ito, ang Pilipinas ay napili bilang isa sa mga bagong haligi.

𝗕𝗔𝗞𝗜𝗧 𝗣𝗜𝗟𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗦?
YAMANG MINERAL:
Higit sa kaalaman ng lahat, napakayaman ng bansa sa natural na kayamanan. Panglima ang Pilipinas sa buong mundo sa deposito ng mineral — $1 trilyong halaga ng copper, gold, nickel, zinc, at silver. Pangalawa rin tayo sa pagluluwas ng nickel sa buong mundo. Ang mga ito ang siyang ginto ng digital na panahon. Baterya, chip, at malinis na enerhiya — lahat nagsisimula rito. Tayo ang gulugod.
KAMAY NA SANAY NA
Hindi na bago sa atin ang paggawa. Noong 2024 pa lamang, $39.1 bilyon o mahigit kalahati ng lahat ng na-iniluwas ay galing sa electronics at semiconductors, ayon sa Philippine Statistics Authority. Mayroon nang pundasyon. Mayroon nang mga kamay na gumagawa ng liwanag.

𝗦𝗘𝗡𝗧𝗥𝗢𝗡𝗚 𝗟𝗨𝗣𝗔𝗜𝗡
Matatagpuan ang Luzon sa gitna ng Indo-Pacific. Isang tulay sa pagitan ng Japan, South Korea, at Taiwan. Dito, magkakaroon ng oportunidad ang bansa na maging sentro ng produksyon at hindi na lamang tagakuha sa iba.
Tulad ng bawat malaking plano, mayroon itong kaakibat na liwanag at anino.

𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗜𝗪𝗔𝗡𝗔𝗚
* Bilyun-bilyong dolyar na puhunan ang papasok sa bansa. Sisibol ang mga makabagong gusali, kalsada, at transportasyon.
* Bubukas ang libu-libong de-kalidad na trabaho — hindi lamang para sa mga factory workers, kundi na rin sa mga engineer, IT experts, scientists, data analysts at iba pa.
* Matututunan din ng bansa ang high-end tech manufacturing sa pakikipagtulungan sa US, Japan, at South Korea.
* At dahil kritikal ang bansa sa supply chain ng ibang mga bansa, titibay din ang seguridad pang-militar at pang-ekonomiya.

𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗡𝗜𝗡𝗢
* Datapwat upang matustusan ito, kakailanganin ng malawakang pagmimina. At sa bawat hukay na gagawin, mayroong panganib na darating sa kalikasan at komunidad.
* At dahil ang pangunahing layunin nito ay basagin ang monopolyo ng Tsina, tahasang inilalagay nito ang Pilipinas sa gitna ng Tech Cold War ng nasabing mga bansa.
* At ang pinakamatinding agam-agam: paano kung mananatili na lamang ang bansa sa pagiging "supplier" ng mura at hilaw na mga materyales, habang ang malalaking tubo at kontrol ay nasa kamay pa rin ng dayuhan?
* Dagdag pa rito ang matagal nang suliranin ng bansa — kakulangan sa kuryente at paulit-ulit na red alerts kasabay ng mataas na singil.

𝙆𝙖𝙮𝙖 𝙖𝙣𝙜 𝙩𝙖𝙣𝙤𝙣𝙜: 𝙋𝙖𝙜-𝙪𝙣𝙡𝙖𝙙 𝙣𝙜𝙖 𝙗𝙖 𝙞𝙩𝙤 𝙤 𝙗𝙖𝙜𝙤𝙣𝙜 𝙩𝙖𝙣𝙞𝙠𝙖𝙡𝙖 𝙣𝙖 𝙢𝙖𝙮 𝙣𝙜𝙖𝙡𝙖𝙣𝙜 "𝙠𝙖𝙥𝙖𝙮𝙖𝙥𝙖𝙖𝙣"?

✍️ | Titik ni: Eunice Medina
🖼️ | Talatag nina: Sofiya Gorospe at Pope Tapel

Address

29 Pinaglabanan Street , Brgy. St. Joseph
San Juan

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ang Dúyog posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category