20/09/2026
Taos-pusong pasasalamat ng Laiya Elementary School sa Pamahalaang Bayan ng San Juan, Batangas, sa pamamagitan ng Municipal Special Education Fund (SEF), para sa isinagawang pagpapaayos at pagkukumpuni ng mga silid-aralan ng ating paaralan.
Lubos din ang ating pasasalamat sa ating Public Schools District, sa pangunguna ni Dr. Ellienor D. Peña, Public Schools District Supervisor, sa patuloy na paggabay, suporta, at pakikiisa sa mga pangangailangan at programa ng ating paaralan.
Malaking tulong ang mga pagsasaayos na ito upang magkaroon ang ating mga mag-aaral ng mas ligtas, maayos, at angkop na learning environment.
Maraming salamat po sa Pamahalaang Bayan ng San Juan, Municipal SEF, at sa ating Public Schools District sa patuloy na suporta at malasakit sa Laiya Elementary School.