02/07/2025
BALITA: Komprehensibong Serbisyong Medikal at Dental, Isinagawa sa Batong Lusong Elementary School
Noong ika-1 ng Hulyo, 2025, Martes ng umaga, isinagawa ang isang medical at dental check-up sa Batong Lusong Elementary School ng SDO San Jose City Medical Team. Ang mga nagsagawa ng serbisyo ay sina Doktora Marie M. Alayon, isang medical officer; Doktor Ruel L. Rumualdo, isang dentista; at mga nurse na sina Ilona I. Garcia at Jefferson M. Ganiban.
Lahat ng mag-aaral ng Batong Lusong Elementary School ay nakilahok sa nasabing check-up, kung saan sila ay tumanggap ng mga mahahalagang serbisyong medikal at dental. Bilang karagadagan, nagbigay ang mga ito ng mga gamot sa mga mag-aaral na nangangailangan.
Ang aktibidad na ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng SDO San Jose City na tiyakin ang kalusugan at kapakanan ng mga estudyante sa kanilang nasasakupan. Ang medical team ay patuloy na nag-iikot sa iba pang mga paaralan sa SDO San Jose City upang makapagbigay ng serbisyong pangkalusugan sa mas maraming mag-aaral.