07/05/2026
ARAL Summer Program 2026: Pag-asa at Pagkatuto para sa Kabataang Besenians
Matagumpay na naisagawa ang ARAL Summer Program 2026 sa BLISS Elementary School na naglalayong mapaunlad at matugunan ang kakulangan o learning gap sa pagbabasa ng mga mag-aaral.
Sa pamamagitan ng programang ito, nabigyan ng karagdagang oras, gabay, at pagsasanay ang mga mag-aaral upang higit pang mapalakas ang kanilang kakayahan sa pagbasa at pag-unawa. Naging makabuluhan ang bawat gawain dahil sa dedikasyon at malasakit ng mga g**ong katuwang sa programa.
Lubos na pinasasalamatan ng paaralan si Ma’am Meha C. Elicarte, ARAL Tutor, sa kanyang walang sawang pagtuturo at pagbibigay ng panahon upang matulungan ang mga mag-aaral na mapaunlad ang kanilang kakayahan sa pagbabasa. Gayundin, kinikilala ang mahalagang papel ni Ma’am Mary Rose R. Olanio bilang ARAL Focal Person sa matagumpay na koordinasyon at pagpapatupad ng programa.
Taos-puso ring nagpapasalamat ang buong paaralan kay Ma’am Jessica A. Imperial, PhD, School Head ng BLISS Elementary School, sa kanyang buong pusong suporta at patuloy na paggabay bilang tugon sa adhikain ng programang ARAL na maiangat ang antas ng pagkatuto ng bawat mag-aaral.
Patunay lamang ang tagumpay ng programang ito na sa pagkakaisa, pagtutulungan, at malasakit ng bawat isa, mas maraming batang mag-aaral ang mabibigyan ng mas maliwanag na kinabukasan sa pamamagitan ng edukasyon.