Sentro ng Wika at Kultura - Occidental Mindoro State University

Sentro ng Wika at Kultura - Occidental Mindoro State University Ang Sentro ng Wika at Kultura ay panlalawigang tanggapan at aktibong bisig ng Komisyon sa Wikang Filipino

13/07/2026

๐๐ฎ๐ฐ๐š๐ง ๐ง๐  ๐–๐ข๐ค๐š๐ง๐  ๐๐š๐ฆ๐›๐š๐ง๐ฌ๐š ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”: ๐๐จ๐ฌ๐ญ๐ž๐ซ ๐‘๐ž๐ฏ๐ž๐š๐ฅ!

Maaari mo nang ma-download o makakuha ng kopya ng poster ng Buwan ng Wikang Pambansa 2026 na may temang "Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon.โ€

Mada-download ang digital na poster at iba pang kolaterals sa: https://hostyurl.com/HB40c1

๐‡๐ข๐ง๐ ๐ ๐ข๐ฅ ๐ฌ๐š ๐ญ๐ž๐ฆ๐š

Kinikilala ng tema ng Buwan ng Wika 2026 ang magkaugnay na papel ng wikang Filipino at artificial intelligence (AI) para sa makabansang gawain ng pananaliksik. Panawagan ito para sa responsableng paggamit ng AI habang tinitiyak na may makabuluhang espasyo ang Wikang Pambansa sa mga usaping may kinalaman sa mga umuusbong na teknolohiya at kaugnay na usaping pang-etika rito.

Itinuturing ang AI bilang kasangkapan para maiangat pa lalo ang kalidad ng saliksik na inihahandog ng mga Pilipino, unang-una, para sa mga kapuwa Pilipino. Habang kinakasangkapan ang AI, patuloy pa ring tinatahak ng wikang Filipino ang landas ng intelektuwalisasyon na magbubunga ng panloob at panlabas na pagbabago sa bansa. Sa ganitong paraan, kapuwa ang AI at wikang Filipino ay nagiging tulay na gagamitin ng mga Pilipino para sa kanilang pinapangarap na magandang bรบkas.

Ating ipagdiwang ang ating Wikang Pambansa sa Agosto 2026!

12/07/2026

โœจ ๐‘ฎ๐’†๐’๐’…๐’†๐’“-๐‘ญ๐’‚๐’Š๐’“ ๐‘ณ๐’‚๐’๐’ˆ๐’–๐’‚๐’ˆ๐’†

The Extension Services Office issued Memorandum No. 6, Series of 2026, directing the adoption of gender-fair language in all extension communications, reports, and IEC materials. Together, let us promote equality, foster inclusivity, and respect every individual through the words we choose. ๐Ÿ’œ๐Ÿ’œ



12/07/2026

๐—ฃ๐—”๐—•๐—”๐—ง๐—œ๐—— | BUWAN NG WIKANG PAMBANSA 2026 ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

Alinsunod sa Proklamasyon Blg. 1041 at sa pangunguna ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), ipagdiriwang ang Buwan ng Wikang Pambansa ngayong Agosto na may temang:

โ€œ๐–๐ข๐ค๐š๐ง๐  ๐…๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ ๐š๐ญ ๐€๐ˆ: ๐Š๐š๐ฌ๐š๐ง๐ ๐ค๐š๐ฉ๐š๐ง ๐ฌ๐š ๐๐š๐ง๐š๐ง๐š๐ฅ๐ข๐ค๐ฌ๐ข๐ค ๐š๐ญ ๐“๐ฎ๐ฅ๐š๐ฒ ๐ฌ๐š ๐˜๐š๐ฆ๐š๐ง ๐ง๐  ๐ˆ๐ฆ๐ฉ๐จ๐ซ๐ฆ๐š๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง.โ€

Binibigyang-diin ng temang ito ang mahalagang papel ng Wikang Filipino sa makabagong panahon, kung saan ang Artificial Intelligence (AI) ay maaaring magsilbing katuwang sa pananaliksik, pagkatuto, komunikasyon, at pagpapalawak ng akses sa impormasyon. Kasabay ng pag-unlad ng teknolohiya, nananatiling mahalaga ang ating pambansang wika sa pagpapanatili ng ating kultura, pagkakakilanlan, at pagpapahalagang Pilipino.

Para sa Diyos, Bayan, Wika at Panitikan

Maligayang Kaarawan Dr. Rowena Cordero Ulay ๐ŸŽ‚๐ŸŽ‰
04/07/2026

Maligayang Kaarawan Dr. Rowena Cordero Ulay ๐ŸŽ‚๐ŸŽ‰

02/07/2026
29/06/2026
PAGPAPATATAG NG UGNAYAN PARA SA WIKA, KULTURA, AT PAMANANG MINDOREร‘OBilang bahagi ng patuloy na pagtataguyod ng wika at ...
28/06/2026

PAGPAPATATAG NG UGNAYAN PARA SA WIKA, KULTURA, AT PAMANANG MINDOREร‘O

Bilang bahagi ng patuloy na pagtataguyod ng wika at kultura, nakiisa ang Direktor ng Sentro ng Wika at Kultura sa Joint Meeting ng Municipal Tourism Council (MTC) at Local Culture and the Arts Council (LCAC) ng San Jose na ginanap noong Hunyo 23, 2026 sa ABC Building.

Ang pagdalo sa nasabing pagpupulong ay sumasalamin sa matibay na pakikipagtuwang ng Sentro sa mga lokal na institusyon upang maisulong ang mga programang nagtataguyod sa wika, sining, kultura, at turismo. Sa pamamagitan ng pagkakaisa ng iba't ibang sektor, higit na mapalalakas ang mga inisyatibang naglalayong pangalagaan, paunlarin, at ipagmalaki ang mayamang kultura at pagkakakilanlan ng mga Mindoreรฑo.

Sama-sama sa iisang layuninโ€”ang pagpapanatili, pagpapayabong, at pagpapalaganap ng wika at kulturang Mindoreรฑo para sa kasalukuyan at sa mga susunod na henerasyon.

25/06/2026
25/06/2026

Address

San Jose

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sentro ng Wika at Kultura - Occidental Mindoro State University posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category