Bettbien High School

Bettbien High School This is the official page of Bettbien High School.

15/09/2026
๐—ข๐—ป๐—ฒ ๐—›๐—ฒ๐—ฎ๐—ฑ๐—น๐—ถ๐—ป๐—ฒ ๐—–๐—น๐—ผ๐˜€๐—ฒ๐—ฟ ๐˜๐—ผ ๐—ฅ๐—ฆ๐—ฃ๐—–!Bettbien High School proudly commends the schoolโ€™s journalists for representing and winning ...
10/09/2026

๐—ข๐—ป๐—ฒ ๐—›๐—ฒ๐—ฎ๐—ฑ๐—น๐—ถ๐—ป๐—ฒ ๐—–๐—น๐—ผ๐˜€๐—ฒ๐—ฟ ๐˜๐—ผ ๐—ฅ๐—ฆ๐—ฃ๐—–!

Bettbien High School proudly commends the schoolโ€™s journalists for representing and winning the recent ๐ƒ๐ข๐ฏ๐ข๐ฌ๐ข๐จ๐ง ๐’๐œ๐ก๐จ๐จ๐ฅ ๐๐ซ๐ž๐ฌ๐ฌ ๐‚๐จ๐ง๐Ÿ๐ž๐ซ๐ž๐ง๐œ๐ž (๐ƒ๐’๐๐‚) on ๐’๐ž๐ฉ๐ญ๐ž๐ฆ๐›๐ž๐ซ ๐Ÿ• ๐ญ๐จ ๐Ÿ–, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”, held at ๐’๐š๐ง ๐‰๐จ๐ฌ๐ž ๐‚๐ข๐ญ๐ฒ ๐๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง๐š๐ฅ ๐‡๐ข๐ ๐ก ๐’๐œ๐ก๐จ๐จ๐ฅ, with the theme: โ€œ๐™€๐™ข๐™ฅ๐™ค๐™ฌ๐™š๐™ง๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™”๐™ค๐™ช๐™ฃ๐™œ ๐™…๐™ค๐™ช๐™ง๐™ฃ๐™–๐™ก๐™ž๐™จ๐™ฉ๐™จ ๐™–๐™ฃ๐™™ ๐™Ž๐™ฉ๐™ง๐™š๐™ฃ๐™œ๐™ฉ๐™๐™š๐™ฃ๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™€๐™ฉ๐™๐™ž๐™˜๐™–๐™ก ๐™…๐™ค๐™ช๐™ง๐™ฃ๐™–๐™ก๐™ž๐™จ๐™ข ๐™ž๐™ฃ ๐™– ๐™๐™–๐™ฅ๐™ž๐™™๐™ก๐™ฎ ๐™€๐™ซ๐™ค๐™ก๐™ซ๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐˜ฟ๐™ž๐™œ๐™ž๐™ฉ๐™–๐™ก ๐™’๐™ค๐™ง๐™ก๐™™.โ€

๐—œ๐—ก๐——๐—œ๐—ฉ๐—œ๐——๐—จ๐—”๐—Ÿ ๐—–๐—”๐—ง๐—˜๐—š๐—ข๐—ฅ๐—ฌ
๐—–๐—›๐—”๐— ๐—ฃ๐—œ๐—ข๐—ก
๐€๐ฅ๐ž๐ฌ๐ฌ๐š๐ง๐๐ซ๐š ๐ˆ. ๐Œ๐จ๐ซ๐Ÿ๐ž- Column Writing English (RSPC QUALIFIER)

๐Ÿฏ๐—ฅ๐—— ๐—ฃ๐—Ÿ๐—”๐—–๐—˜๐—ฅ๐—ฆ
๐€๐š๐ซ๐จ๐ง ๐ƒ๐š๐ง๐ข๐ž๐ฅ ๐‹. ๐€๐ช๐ฎ๐ข๐ง๐จ โ€“ Editorial Cartooning Filipino (RSPC QUALIFIER)
๐๐ฎ๐ž๐ž๐ง ๐Œ๐š๐ซ๐ฒ ๐Œ๐š๐ซ๐ ๐š๐ซ๐ž๐ญ๐ญ๐ž ๐’. ๐ƒ๐ข๐จ๐ฌ๐ž๐ฌ- News Writing English (RSPC QUALIFIER)

๐Ÿฑ๐—ง๐—› ๐—ฃ๐—Ÿ๐—”๐—–๐—˜๐—ฅ
๐๐ซ๐ฒ๐š๐ง ๐‰๐ฎ๐ฌ๐ญ๐ข๐ง๐ž ๐„๐ฌ๐ญ๐š๐›๐ข๐ฅ๐ฅ๐จ - Sports Writing Filipino

๐—š๐—ฅ๐—ข๐—จ๐—ฃ ๐—–๐—”๐—ง๐—˜๐—š๐—ข๐—ฅ๐—ฌ
๐—ฅ๐—ฎ๐—ฑ๐—ถ๐—ผ ๐—•๐—ฟ๐—ผ๐—ฎ๐—ฑ๐—ฐ๐—ฎ๐˜€๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—˜๐—ป๐—ด๐—น๐—ถ๐˜€๐—ต
-4th Place Best Script
- Overall 5th Place

๐— ๐—ฒ๐—บ๐—ฏ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€:
๐‰๐š๐ง๐ฎ๐ฌ ๐Œ๐š๐ง๐๐ž๐ฅ ๐‚. ๐๐ซ๐š๐ฏ๐จ- 5th Placer Best Technical
๐„๐ง๐ซ๐ข๐ช๐ฎ๐ž ๐Œ๐ข๐ ๐ฎ๐ž๐ฅ ๐“. ๐‘๐จ๐ฌ๐ช๐ฎ๐ข๐ญ๐š
๐Œ๐ž๐ฅ ๐†๐ซ๐š๐œ๐ž๐ฅ๐ฅ๐ž ๐•. ๐ƒ๐ž๐ฅ ๐๐ข๐ฅ๐š๐ซ
๐‹๐š๐ง๐œ๐ž ๐‰๐š๐œ๐จ๐› ๐Œ๐ข๐ฌ๐ฅ๐š๐ง๐ 
๐’๐ก๐ข๐ฉ๐ก๐ซ๐š๐ก ๐‰๐š๐ง๐ž ๐€. ๐Žrge
๐Œ๐š๐ซ๐ข๐ฌ๐ก๐ค๐š ๐€๐ข๐ง๐ž ๐•. ๐†๐š๐ฉ๐ฎ๐ฅ๐ญ๐จ๐ฌ
๐‚๐ก๐ฅ๐จ๐ž ๐˜๐ฏ๐ž๐ญ๐ญ๐ž ๐Œ. ๐‘๐ž๐ ๐š๐ฅ

Their passion and dedication to instilling their talents for a greater purpose have led them to their success and the joy and achievement of the school.

๐‚๐จ๐ง๐ ๐ซ๐š๐ญ๐ฎ๐ฅ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง๐ฌ, ๐ฒ๐จ๐ฎ๐ง๐  ๐ฃ๐จ๐ฎ๐ซ๐ง๐š๐ฅ๐ข๐ฌ๐ญ๐ฌ! Continue using the lines and the words to inspire and tell significant stories to the world.
We are extremely proud of you!




๐—–๐—ผ๐—ป๐—ด๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐˜‚๐—น๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป๐˜€! ๐‘๐š๐ข๐ค๐ค๐จ ๐‡๐ž๐ซ๐ฏ๐ข๐ž ๐ƒ. ๐‹๐š๐ฎ๐ซ๐ข๐š๐ ๐š for securing ๐—ฆ๐—˜๐—–๐—ข๐—ก๐—— ๐—ฃ๐—Ÿ๐—”๐—–๐—˜ in the ๐™ˆ๐™–๐™ฉ๐™ ๐™Œ๐™ช๐™ž๐™ฏ ๐™€๐™ซ๐™š๐™ฃ๐™ฉ at the ๐ƒ๐ข๐ฏ๐ข๐ฌ๐ข๐จ๐ง ๐Œ๐š๐ญ๐ก๐ž๐ฆ๐š๐ญ๐ข๐œ๐ฌ ...
10/09/2026

๐—–๐—ผ๐—ป๐—ด๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐˜‚๐—น๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป๐˜€!

๐‘๐š๐ข๐ค๐ค๐จ ๐‡๐ž๐ซ๐ฏ๐ข๐ž ๐ƒ. ๐‹๐š๐ฎ๐ซ๐ข๐š๐ ๐š for securing ๐—ฆ๐—˜๐—–๐—ข๐—ก๐—— ๐—ฃ๐—Ÿ๐—”๐—–๐—˜ in the ๐™ˆ๐™–๐™ฉ๐™ ๐™Œ๐™ช๐™ž๐™ฏ ๐™€๐™ซ๐™š๐™ฃ๐™ฉ at the ๐ƒ๐ข๐ฏ๐ข๐ฌ๐ข๐จ๐ง ๐Œ๐š๐ญ๐ก๐ž๐ฆ๐š๐ญ๐ข๐œ๐ฌ ๐…๐š๐ข๐ซ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”.

Your achievement reflects dedication and excellence in mathematical skills.

The Bettbien communities are immensely proud of your success and commend your hard work and perseverance.



31/08/2026

๐„๐ƒ๐ˆ๐“๐Ž๐‘๐˜๐€๐‹ | ๐๐š๐ฒ๐š๐ง๐ข ๐๐จ๐จ๐ง, ๐’๐ข๐ง๐จ ๐๐ ๐š๐ฒ๐จ๐ง?

Sa panahon ng pagbabago, hindi sapat ang kasikatan upang tanghaling bayani kung hindi ay ang walang pag-iimbot na sakripisyo para sa kapakanan ng kapwaโ€”may katungkulan man o wala.

Noong panahon ng pananakop, malinaw kung sino ang mga bayani. Sina Dr. Jose Rizal, Andres
Bonifacio, at iba pang mga Pilipinong nag-alay ng kanilang buhay at lumaban para sa kalayaan
ng ating bansa na hindi inisip ang sariling kapakanan. Ginamit ni Rizal ang kaniyang talino at panunulat, si Bonifacio naman ay buong tapang na nangunguna sa pakikibaka para sa kalayaan, habang ang mga Pilipino naman ay piniling manindigan para sa bayan at sa kalayaang tinatamasa natin ngayon. Ngunit sa panahong ito, iba na ang laban. Hindi na ito laban sa mga mananakop, kundi laban sa kahirapan, katiwalian, korupsyon, at kawalan ng malasakit sa kapwa.

Mayroon pa ring mga Pilipinong maituturing na bayani sa kasalukuyan. ๐€๐ฒ๐จ๐ง ๐ฌ๐š ๐๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง๐š๐ฅ ๐‡๐ข๐ฌ๐ญ๐จ๐ซ๐ข๐œ๐š๐ฅ ๐‚๐จ๐ฆ๐ฆ๐ข๐ฌ๐ฌ๐ข๐จ๐ง ๐จ๐Ÿ ๐ญ๐ก๐ž ๐๐ก๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ฉ๐ข๐ง๐ž๐ฌ (๐๐‡๐‚๐), ang pagiging bayani ay hindi lamang
tungkol sa pakikipaglaban sa digmaan kundi tungkol din sa tapat na paglilingkod sa bayan.
Pinatunayan naman ito ng mga g**o, ofw, doktor, nars, rescuer, at iba pang frontliners lalo na noong panahon ng pandemya. ๐ˆ๐ฉ๐ข๐ง๐š๐ค๐ข๐ญ๐š ๐ซ๐ข๐ง ๐ง๐  ๐๐ก๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ฉ๐ข๐ง๐ž ๐’๐ญ๐š๐ญ๐ข๐ฌ๐ญ๐ข๐œ๐ฌ ๐€๐ฎ๐ญ๐ก๐จ๐ซ๐ข๐ญ๐ฒ (๐๐’๐€) na milyon- milyong Pilipino ang patuloy na nagtatrabaho sa mga serbisyong mahalaga sa lipunan kahit may panganib at hirap. Ipinapakita lamang nito na buhay pa rin ang diwa ng kabayanihan sa ating bansa. Hindi man sila laging napapansin o napupuri, ang kanilang araw-araw na paglilingkod ay patunay na ang kabayanihan ay hindi kailangang may malaking entablado.

Isa sa mga maituturing na makabagong bayani ay, ang mga g**o sapagkat hinuhubog nila ang
kinabukasan ng bansa sa pamamagitan ng edukasyon. Sa kabila ng mga hamon sa sektor ng edukasyon, patuloy silang nagtuturo, gumagabay, at naghahanda sa mga kabataan upang kapaki-pakinabang na mamamayan. Makikita rin sa datos ng PSA na kabilang ang edukasyon sa mga sektor na may malaking pagbabago sa bilang ng mga manggagawa sa bansa, patunay na nananatiling mahalagang bahagi ng lakas-paggawa ang sektor na humuhubog sa susunod na henerasyon. Kung ang kabataan ang pag-asa ng bayan, ang mga g**ong gumagabay sa kanila ang isa sa mga unang humuhubog sa pag-asang naka-taya sa ating bansa.

Hindi rin dapat kalimutan ang mga magsasaka at mangingisda na araw-araw na nagsisikap upang
may pagkain sa hapag ng bawat Pilipino. Sa kabila ng pabago-bago ng panahon, mataas na
gastusin, at iba pang hamon sa kanilang kabuhayan, patuloy nilang pinananatili ang produksyon ng pagkain. Ayon sa 2022 Census of Agriculture and Fisheries ng PSA, umabot sa 7.07 milyon ang mga sambahayang agricultural operators noong 2022, mas mataas kaysa 5.35 milyon noong 2012. Samantala, ipinakita rin ng PSA na kabilang ang agriculture, forestry, at fishing sa mahahalagang bahagi ng sektor ng mga manggagawa ng bansa. Hindi man sila madalas nasa harap ng kamera, ang kanilang pawis ang isa sa mga dahilan kung bakit may pagkain sa ating mga mesa.

Ang mga Overseas Filipino Workers o mas kilalang OFWโ€” ay maituturing ding makabagong
bayani dahil sa kanilang sakripisyong malayo sa sariling pamilya upang makapagtrabaho at
makatulong sa kanilang mga mahal sa buhay at sa ekonomiya. Kinokolekta mismo ng PSA ang
datos tungkol sa bilang ng mga OFWs at ang kanilang mga remittance na nagpapakita ng
mahalagang bahagi ng kabuhayan ng maraming pamilyang Pilipino ang kanilang ipinapadalang
kita. Ang kanilang kabayanihan ay hindi lamang nasusukat sa perang naipapadala kundi sa
tapang na harapin ang pangungulila, pagod at hamon ng pagtatrabaho sa ibang bansa para sa
kapakanan ng kanilang pamilya.

Higit sa lahat, malinaw na naipakita ng mga doktor, nars, at rescuers ang tunay na kahulugan ng kabayanihan noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic. Habang marami ang nanatili sa mga tahanan upang maging ligtas, sila naman ay humarap sa panganib upang magbigay ng serbisyo at magligtas ng buhay. Ayon sa Department of Health (DOH), noong Mayo 09, 2020, may 1991 healthcare workers na naitalang may COVID-19, kabilang ang 753 nars at 628 physician. Ang mga numerong ito ay hindi lamang estadistika; patunay ang mga ito na may mga taong handang maglingkod kahit ang mismong kanilang kaligtasan ay nalalagay sa panganib. Sa panahon ng matinding krisis, hindi nila hinintay na tawagin silang bayaniโ€” ginawa nila ang kanilang tungkulin dahil may mga buhay na nangangailangan ng kanilang tulong.

Ngunit sa panahon ngayon, tila mas madali nating tawaging bayani at paboran ang mga taong sikat lamang. Isang malinaw na halimbawa nito ang pagkakatabla nina Kara David at Ivana Alawi sa Best Host for Public Service unang Filipino Academy of Movie Arts and Sciences Awards o FAMAS broadcast Arts Awards noong Hulyo, 2026. Si Kara David ay isang beteranong
mamamahayag na matagal ng gumagawa ng mga dokumentaryo at programang publiko,
samantalang si Ivana Alawi ay isang content creator na gumagamit ng platapormang Youtube
bilang paraan sa pagtulong. Hindi naman nangangahulugang walang ambag ang isang blogger o content creator, ngunit ipinakikita ng pagkilalang ito na dapat suriin ang lalim, tagal, layunin at epekto ng kanilang paglilingkodโ€”hindi lamang sa laki ng kanilang pangalan o plataporma.

Isaalang-alang din natin ang mga nagbabahagi ng balita tuwing may sakuna. Sa panahon ng
bagyo, baha, lindol o pagputok ng bulkan, nagtutungo sila sa mga apektadong lugar upang
idokumento ang nangyayari at maihatid sa publiko ang mahalagang impormasyon. Ayon sa
Philippine News Agency, naganap na magnitude 7.8 na lindol sa Mindanao noong Hunyo 08,
2026 ay isang halimbawa kung saan naging mahalaga ang mabilis na pagbabalita upang
maipabatid ang lawak na pinsala at mga pangyayari sa mga apektadong komunidad. Sa
karagdagan, sa kasagsagan ng Bagyong Yolanda noong 2013, mismong mga reporter na ang nagtungo sa Tacloban upang dokumentahan ang lawak ng pinsala. Bukod sa pagdokumento ay direktang tumutulong na rin sila sa mga tao. Hindi man sila laging tinatawag na bayani, ang kanilang presensya sa gitna ng panganib ay patunay na ang paglilingkod ay hindi nasusukat sa kasikatan, sapagkat sa oras ng sakuna, ang katotohanang kanilang inihahatid ay maaaring magsilbing gabay, babala, at tulong sa mga nangangailangan.

Hindi rin dapat magbulag-bulagan sa maling sukatan ng kabayanihan dahil sa matinding
pagkakampi ng ilang mamamayan sa mga personalidad sa politika. Makikita ito sa malakas na suporta ng mga tagasunod nina Ferdinand โ€œBongbongโ€ Marcos Jr. at Rodrigo Duterte, na
parehong naging sentro ng matinding pagkakahati ng opinyon ng publiko. Sa kabila nito, hindi dapat pangalan o dami ng tagasuporta ang batayan sa pagiging bayani. Ayon sa resulta ng halalan ng Commission on Election (COMELEC), milyon-milyong PIlipino ang bumoto sa mga kandidatong ito, ngunit ang dami ng boto ay hindi awktomatikong katumbas ng kabayanihan. Ang tunay na pagkilala ay dapat nakabatay sa konkretong serbisyo, pananagutan, at epekto sa bayanโ€”sapagkat ang pamahalaan ay hindi isang fan club.

Higit na malinaw ang tunay na mukha ng kabayanihan sa kwento ni Chris Lorenz Fabian, isang 15-anyos na mag aaral na nasawi sa insidente ng San Jose National High School sa Tacloban noong Hunyo 22, 2026. Sa gitna ng panganib, pinili niyang protektahan ang kaniyang mga kaklase, dahilan upang igawad sakaniya ng Boy Scouts of the Philippines-Leyte Council ang Gold Gallantry and Heroism Award, ang pinakamataas na pagkilala ng organisasyon sa katapangan at kabayanihan. Hindi siya isang tanyag na personalidad, wala siyang malaki na plataporma, at hindi niya hinanap ang pagkilala, ngunit sa isang sandaling kinakailangan ng katapanganโ€”pinili niyang unahin ang kaligtasan ng iba. Dito nasusukat ang tunay na bayani, hindi sa dami ng nakakakilala sa kanya, kung hindi sa dami ng buhay at pusong handa niyang ipaglaban kahit walang kapalit na parangal.

Sa huli, ang kabataanโ€”ang susunod na magtataguyod ng bansa. Ayon sa Department of
Education (DepEd) mahalagang hubugin ang mga kabataan bilang mga responsableng
mamamayan na may malasakit sa kapwa, at handang makilahok sa lipunan dahil nasa kanilang mga kamay ang pagpapatuloy ng diwa ng kabayanihan. Ngayon pa lamang ay dapat na nilang matutuhang manindigan para sa katotohanan at maglingkod sa bayan upang manatiling buhay ang apoy ng kabayanihan. Maaaring sabihin ng iba na bata pa ang kabataan upang pasanin ang
ganitong responsibilidad, ngunit ang kabayanihan ay hindi nakalaan lamang sa matatanda. Nagsisimula ito sa maliliit na pagkilos, pagsasabi ng katotohanan, pagtulong sa kapwa, paggalang sa iba at paninindigan laban sa mali. Kung ngayon pa lamang ay matututong maging mapanuri, responsable at may malasakit ang kabataan, mas magiging handa silang maging mamamayang hindi lamang nanonood sa mga problema ng bansa, kundi kumikilos upang maging bahagi ng solusyon.

Sa mga aspetong ito, dapat na baguhin ng lipunan ang paraan ng pagkilala sa mga bayani.
Habang mabilis nating napapansin ang mga sikat sa social media, may mga mamamahayag
namang patuloy na naghahatid ng katotohanan sa kabila ng banta at panganib. Ayon sa National
Union of Journalists of the Philippines (NUJP) 177 paglabag at pag-atake sa press freedom ang naitala mula nang magsimula ang kasalukuyang administrasyon. Kung kaya nating palakpakan ang mga sikat, bakit hindi natin bigyang-parangal ang mga taong tahimik na nagsisilbi at nagsasakripisyo para sa bayan? Dapat silang pahalagahan at suportahan hindi lamang kapag may parangal o malaking balita, kundi araw-araw. Dahil ang tunay na bayani ay hindi naghihintay na makilalaโ€” sapat ng alam niyang may pinaglilingkuran siya sa kapwa. Ibigay natin ang nararapat na parangal para sa kanila, pahalagahan ang kanilang sakripisyo, at suportahan ang kanilang panindigan.

May iilan na nagsasabing iba na ang panahon kaya iba na rin ang kahulugan ng pagiging bayani. Ngunit hindi dahil nasa mataas na posisyon o may hawak ng kapangyarihan ay bayani na. Ang tunay na lider ay hindi nasusukat sa titulo, kung hindi ay sa paanong paraan niya ginagamit ang kaniyang kapangyarihan upang tugunan ang pangangailangan ng kaniyang nasasakupan. Dapat nating bantayan ang mali nilang mga gawa at panagutin sila kapag nabigo silang maglingkod nang tapat. Kasabay nito, kailangan parangalan, suportahan, at bigyan ng sapat na proteksyon at oportunidad ang mga ordinaryong Pilipinong patuloy nagsisilbi sa kapwa. Sa maikling panahon, maaaring palakasin ng mga paaralan, lokal na pamahalaan, at komunidad para sa pagkilala at
suporta sa mga g**o, doktor, nars, sundalo, pulis, tagapagligtas at marami pang iba. Hindi dapat magbago ang mga katangiang bumubuo sa isang bayani, ang kabayanihan ay hindi nasusukat sa dami ng tagahanga o kasikatan, nasusukat ito sa tapang, katapatan, at handang
magsakripisyo para sa ikabubuti ng nakararami. Hindi sapat ang medalya at palakpak kung ang
mga tunay na nagsisilbi ay patuloy namang napapabayaan.

Sa pangkalahatan, ang tunay na bayani ay hindi nasusukat sa kasikatan, dami ng tagasubaybay,
o taas ng posisyon, kundi sa sakripisyong handa niyang ibigay para sa kapwa at sa bayan. Kung
patuloy nating bibigyan ng titulo ng bayani ang mga taong hindi naman tunay na nagsisilbi, paano na ang mga Pilipinong tahimik na nagsasakripisyo para sa ating lahat? Panahon na upang baguhin natin ang pamantayan ng kabayanihan. Huwag nating hayaang matabunan ng ingay ng sosyal medya ang mga taong tunay na gumagawa ng pagbabago. Kilalanin natin ang g**o na patuloy nagtuturo, ang magsasakang patuloy na nagtatanim, at ang mga ordinaryong Pilipinong gumagawa ng tama kahit walang nakakakita. Sa maikling panahon, maari natin itong simulan sa mas mapanuring paggamit ng sosyal medyaโ€”kilalanin ang mabuting gawa, ngunit huwag agad ituring na bayani ang isang tao dahil sa kasikatan. Sa pangmatagalan naman, dapat ituro sa kabataan ang tunay na kahulugan ng kabayanihan; paglilingkod, pananagutan, at malasakit sa kapwa, sapagkat ang bayani ay hindi hinuhubog ng dami ng likes o tagasunod, kung hindi ng mga gawaing may tunay na kabuluhan. Sa panahong maingay ang mundo, pilitin nating pakinggan at kilalain ang mga taong tahimik na gumagawa ng tama.

โœ๏ธIsinulat ni: ๐™๐ก๐š๐ข๐ฃ๐ข๐ง ๐‘๐ž๐ฒ๐ž๐ฌ
โœ๏ธIginuhit ni: ๐€๐š๐ซ๐จ๐ง ๐€๐ช๐ฎ๐ข๐ง๐จ

27/08/2026

TIGNAN:

Alinsunod sa ipinalabas na Executive Order No. 26 s. 2026 ng Pamahalaang Panlalawigan WALANG FACE-TO-FACE CLASSES bukas, Agosto 28, 2026, sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan.

Ang gagamiting alternative delivery mode ay depende sa aprubadong Learning and Service Continuity Plan ng inyong kani-kanilang mga paaralan.

Makipag-ugnayan agad sa inyong mga g**o o class advisers para sa mga tiyak na panuntunan ng inyong paaralan ngayong araw. Manatiling ligtas sa inyong mga tahanan!

SOURCE: https://www.facebook.com/share/p/1H89PH2v9B/

Face to face classes are suspended  tomorrow, Aug 20, 2026. However online class will be used as alternative in complian...
19/08/2026

Face to face classes are suspended tomorrow, Aug 20, 2026. However online class will be used as alternative in compliance with Malacaรฑang Memorandum No. 131. Be safe everyone.

#๐–๐€๐‹๐€๐๐†๐๐€๐’๐Ž๐Š | ๐€๐”๐†๐”๐’๐“ ๐Ÿ๐ŸŽ, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” (๐“๐‡๐”๐‘๐’๐ƒ๐€๐˜)

Ayon sa Memorandum Circular No. 131 ng Office of the President, ๐ค๐š๐›๐ข๐ฅ๐š๐ง๐  ๐š๐ง๐  ๐๐ฎ๐ž๐ฏ๐š ๐„๐œ๐ข๐ฃ๐š ๐ฌ๐š ๐ฆ๐ ๐š ๐ฅ๐š๐ฅ๐š๐ฐ๐ข๐ ๐š๐ง๐  ๐ฌ๐š๐ค๐จ๐ฉ ๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ ๐ฉ๐š๐ฉ๐š๐ญ๐ฎ๐ฉ๐š๐ ๐ง๐  ๐š๐ฅ๐ญ๐ž๐ซ๐ง๐š๐ญ๐ข๐ฏ๐ž ๐ฐ๐จ๐ซ๐ค ๐š๐ซ๐ซ๐š๐ง๐ ๐ž๐ฆ๐ž๐ง๐ญ๐ฌ ๐ฌ๐š ๐ฆ๐ ๐š ๐ญ๐š๐ง๐ ๐ ๐š๐ฉ๐š๐ง ๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ฆ๐š๐ก๐š๐ฅ๐š๐š๐ง ๐š๐ญ ๐š๐ฅ๐ญ๐ž๐ซ๐ง๐š๐ญ๐ข๐ฏ๐ž ๐ฅ๐ž๐š๐ซ๐ง๐ข๐ง๐  ๐ฆ๐จ๐๐ž๐ฌ ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐ฆ๐ ๐š ๐ค๐ฅ๐š๐ฌ๐ž ๐ฌ๐š ๐€๐ ๐จ๐ฌ๐ญ๐จ ๐Ÿ๐ŸŽ, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”, bilang paghahanda sa inaasahang patuloy na malakas na pag-ulan dulot ng pinalakas na Southwest Monsoon (Habagat).

Ang mga ahensyang nagbibigay ng pangunahing serbisyo, serbisyong pangkalusugan, disaster preparedness and response, at iba pang mahahalagang serbisyo ay magpapatuloy sa kanilang operasyon.

Ang nasabing kautusan ay ipatutupad maliban kung may ibang direktiba mula sa mga kinauukulang Local Chief Executives. Para sa pribadong sektor, ang pagsususpinde ng trabaho o pagpapatupad ng alternative work arrangements ay nasa pagpapasya ng management.

Pinapayuhan ang lahat na manatiling alerto, sumubaybay sa mga opisyal na abiso, at laging unahin ang kaligtasan.

Mag-ingat at manatiling ligtas, Novo Ecijanos! ๐Ÿ’™

Face to face classes is suspended  tomorrow, Aug 19,2026. However online class will be use as alternative in compliance ...
18/08/2026

Face to face classes is suspended tomorrow, Aug 19,2026. However online class will be use as alternative in compliance with Malacaรฑang Memorandum No. 129. Keep safe everyone.

#๐–๐€๐‹๐€๐๐†๐๐€๐’๐Ž๐Š | ๐€๐”๐†๐”๐’๐“ ๐Ÿ๐Ÿ—, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” (๐–๐„๐ƒ๐๐„๐’๐ƒ๐€๐˜)

Ayon sa Memorandum Circular No. 129 ng Office of the President, ๐ค๐š๐›๐ข๐ฅ๐š๐ง๐  ๐š๐ง๐  ๐๐ฎ๐ž๐ฏ๐š ๐„๐œ๐ข๐ฃ๐š ๐ฌ๐š ๐ฆ๐ ๐š ๐ฅ๐ฎ๐ ๐š๐ซ ๐ง๐š ๐ฌ๐š๐ค๐จ๐ฉ ๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ ๐ฉ๐š๐ฉ๐š๐ญ๐ฎ๐ฉ๐š๐ ๐ง๐  ๐š๐ฅ๐ญ๐ž๐ซ๐ง๐š๐ญ๐ข๐ฏ๐ž ๐ฐ๐จ๐ซ๐ค ๐š๐ซ๐ซ๐š๐ง๐ ๐ž๐ฆ๐ž๐ง๐ญ๐ฌ ๐ฌ๐š ๐ฆ๐ ๐š ๐ญ๐š๐ง๐ ๐ ๐š๐ฉ๐š๐ง ๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ฆ๐š๐ก๐š๐ฅ๐š๐š๐ง ๐š๐ญ ๐š๐ฅ๐ญ๐ž๐ซ๐ง๐š๐ญ๐ข๐ฏ๐ž ๐ฅ๐ž๐š๐ซ๐ง๐ข๐ง๐  ๐ฆ๐จ๐๐ž๐ฌ ๐ฌ๐š ๐ฆ๐ ๐š ๐ฉ๐š๐š๐ซ๐š๐ฅ๐š๐ง ๐ฌ๐š ๐€๐ ๐จ๐ฌ๐ญ๐จ ๐Ÿ๐Ÿ—, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”, bilang paghahanda sa inaasahang patuloy na malakas na pag-ulan dulot ng pinalakas na Southwest Monsoon (Habagat) na maaaring magdulot ng pagbaha at panganib.

Ang mga ahensyang nagbibigay ng pangunahing serbisyo, serbisyong pangkalusugan, disaster preparedness and response, at iba pang mahahalagang serbisyo ay magpapatuloy sa kanilang operasyon upang matiyak ang patuloy na paghahatid ng kinakailangang serbisyo.

Samantala, ang mga paaralan sa pampubliko at pribadong sektor ay inaasahang magpatupad ng mga nararapat na learning continuity measures, alinsunod sa direktiba ng mga kinauukulang Local Chief Executives.

Pinapayuhan ang lahat na manatiling alerto, sumubaybay sa mga opisyal na abiso, at unahin ang kaligtasan sa harap ng masamang panahon.

Mag-ingat at manatiling ligtas, Novo Ecijanos! ๐Ÿ’™

No classes tomorrow. Keep safe everyone!
17/08/2026

No classes tomorrow. Keep safe everyone!

#๐–๐€๐‹๐€๐๐†๐๐€๐’๐Ž๐Š | ๐€๐”๐†๐”๐’๐“ ๐Ÿ๐Ÿ–, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” (๐Œ๐€๐‘๐“๐„๐’)

Sa direktiba ni Governor Aurelio Oyie Matias Umali, at alinsunod sa rekomendasyon ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), ipinatutupad ang Executive Order No. 24, Series of 2026, na ๐ง๐š๐ ๐ฌ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฌ๐ฉ๐ข๐ง๐๐ž ๐ง๐  ๐Ÿ๐š๐œ๐ž-๐ญ๐จ-๐Ÿ๐š๐œ๐ž ๐œ๐ฅ๐š๐ฌ๐ฌ๐ž๐ฌ ๐ฌ๐š ๐ฅ๐š๐ก๐š๐ญ ๐ง๐  ๐š๐ง๐ญ๐š๐ฌ ๐ง๐  ๐ฉ๐ซ๐ข๐›๐š๐๐จ ๐š๐ญ ๐ฉ๐š๐ฆ๐ฉ๐ฎ๐›๐ฅ๐ข๐ค๐จ๐ง๐  ๐ฉ๐š๐š๐ซ๐š๐ฅ๐š๐ง ๐ฌ๐š ๐›๐ฎ๐จ๐ง๐  ๐‹๐š๐ฅ๐š๐ฐ๐ข๐ ๐š๐ง ๐ง๐  ๐๐ฎ๐ž๐ฏ๐š ๐„๐œ๐ข๐ฃ๐š ๐ง๐ ๐š๐ฒ๐จ๐ง๐  ๐Œ๐š๐ซ๐ญ๐ž๐ฌ, ๐€๐ ๐จ๐ฌ๐ญ๐จ ๐Ÿ๐Ÿ–, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”.

Alinsunod sa umiiral na mga memorandum at patakaran ng Department of Education (DepEd) at Commission on Higher Education (CHED), ang bawat paaralan at higher education institution ay hinihikayat na gumamit ng naaangkop na Alternative Delivery Modes (ADM), online classes, modular learning, asynchronous learning, o iba pang alternatibong pamamaraan ng pagkatuto, kung kinakailangan at naaayon sa kanilang sariling assessment, kapasidad, at umiiral na guidelines, upang matiyak ang pagpapatuloy ng pag-aaral nang hindi isinasakripisyo ang kaligtasan ng mga mag-aaral at g**o.

Ayon sa DOST-PAGASA Weather Advisory No. 64, na inilabas ngayong Agosto 17, 2026, alas-5:00 ng hapon, kabilang ang Nueva Ecija sa mga lugar na may inaasahang katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan hanggang hapon ng Agosto 18 dahil sa Southwest Monsoon (Habagat).

Pinapayuhan ang lahat na manatiling mapagmatyag at patuloy na subaybayan ang mga opisyal na abiso mula sa DOST-PAGASA, PDRRMO, DepEd, CHED, kani-kanilang paaralan, at Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija.

Mag-ingat at manatiling ligtas, Novo Ecijanos! ๐Ÿ’™

Address

98 Maharlika Road, Abar 1st , San Jose City, Nueva Ecija
San Jose
3121

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bettbien High School posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to Bettbien High School:

Shortcuts

Share

Category