BSEd-FILIPINO MAJOR

BSEd-FILIPINO MAJOR

Share

Education

13/05/2026

📣 ANUNSYO, MGA FUTURE FILIPINO MAJOR! 📚✨ ONLINE REVIEW, ANO TARA? 🍀

Qualifying Exam na ba ang dahilan ng iyong kaba?
Huwag mag-alala, dahil may handog kaming ONLINE REVIEW SESSION para sa inyong paghahanda! 🔥

Kung ikaw ay 1st year student ng Kolehiyo ng Pagtuturo at nais maging ganap na mag-aaral na nagpapakadalubhasa sa wikang Filipino, ito na ang pagkakataon mo upang mas mapalalim pa ang iyong kaalaman at maging handa sa darating na pagsusulit.

🗓 Petsa: Mayo 25–27, 2026
⏰ Oras: 8:00 ng umaga – 12:00 ng tanghali
💻 Lugar: Via Google Meet

✨ Sama-sama tayong:
✔️ Magreview,
✔️ Maghanda para sa Qualifying Examination, at
✔️ Lumaban para sa pangarap na maging Filipino Major! ✊

📩 Para sa mga nais sumali, makipag-ugnayan kay:
Enggeil R. Magbudhi
BSEd 3B
Pangulo, SAMFIKO

HIRAYA MANAWARI, FILIPINO MAJORS!

26/11/2025

KUNG ANG PANTALON NG LALAKE AY MAONG, ANO NAMAN ANG PANTALON NG KANGGARO?

29/09/2025

Buhay Estudyante
“Minsan pagod ka, puyat at gutom habang nakayuko sa libro.
Akala ng iba, sayang ang oras ng pagpupuyat—
pero para sa’yo, iyon ang binhi ng bukas.
Hindi lahat ng puyat ay walang saysay,
may mga puyat na nagbabayad ng pangarap.

Mabigat man dalhin ang mga aklat at gawain,
mas mabigat ang pangarap na iniwan dahil sa katamaran.
At kahit nauubos ang kape sa tabi ng papel,
hindi iyon ang tunay na nagpapalakas sa’yo—
kundi ang pangarap na pilit mong binubuo.”

Kaya’t huwag kang matakot kung minsan ay babagsak ka.
Ang bagsak ay hindi wakas, kundi hagdan paakyat.
Sa bawat pagsubok at bawat muling pagtayo,
natututo kang tumibay at magpursigi.
At sa dulo, ikaw rin ang aani ng bunga ng lahat ng pagpupunyagi.”




BSEd-FILIPINO MAJOR

28/09/2025

Tsuper, Payong, at ang Bagyong Dumaan

Hatinggabi, malakas ang ulan, halos wala nang bumabyahe. Galing ako sa trabaho, pawisan at gutom, bitbit ang maliit na supot ng tinapay na dapat ay baon ng mga anak ko kinabukasan.

Habang naghihintay ako ng masasakyan sa ilalim ng bubong ng kanto, napansin ko ang isang jeep na halos puno ng tubig-ulan sa loob. Ang tsuper, basang-basa, nanginginig, pero pilit pa ring namamasada. Walang pasahero—lahat kasi takot lumusong.

Lumapit ako at tinanong, “Kuya, hindi ka ba titigil muna? Baka magkasakit ka.”
Napangiti siya kahit nanginginig. “Kung titigil ako, wala akong maiuuwi sa mga anak ko.”

Tumigil ako saglit, tiningnan ang hawak kong payong—matibay, halos bago pa. Inabot ko sa kanya. “Kuya, gamitin niyo po. Mas kailangan niyo ‘yan kaysa sa akin.”

Akala ko tatanggi siya, pero tumitig siya ng matagal, bago ngumiti na parang bata. “Salamat. Hindi lang payong ang binigay mo, kundi lakas ng loob.”

Makalipas ang dalawang linggo, ordinaryong umaga sa sakayan. May biglang tumigil na jeep sa tapat ko. Parehong mukha—si Kuya. Nginitian niya ako. “Sumakay ka. Libre na.”

Habang bumibiyahe, iniabot niya sa akin ang isang maliit na plastik na may lamang mga pandesal. “Para sa mga anak mo. Alam kong mahirap, pero minsan, yung maliit na kabutihan, kayang gawing malaking biyaya.”

At doon ko naisip: ang kabutihan, parang ulan din. Minsan malamig, minsan malakas, pero laging bumabalik. At kapag bumalik, madalas higit pa sa ibinigay mo.


27/09/2025

Ano nga ba ang Klaster?
follower

02/05/2023

Palaisipan muna Tayo Bago umuwi 🙂
Time check: 7:02eve

02/05/2023

Mapagpalang araw. Welcome po sa ating page. Dito natin ipapaskil ang ating mga output. Dito ko din po ipapaskil ang mga anunsiyo na related sa ating subject.

Want your school to be the top-listed School/college in San Jose?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Telephone

Address


San Jose, Occidental Mindoro
San Jose
5100