30/06/2026
BREAKING:
Mayor Reggie Virtucio, inatasan ang San Jose Municipal Police Station na lalong paigtingin ang pagbabantay sa mga paaralan dito sa ating Bayan.
Kasabay ito ng isinagawang pag pupulong kanina sa munisipyo ng San Jose Sub Office na pinangunahan ni District Supervisor Dr. Joel Lubis. Present sa nasabing joint meeting ang PNP, Brgy. Captains at mga school heads.
Binigyang diin ni Mayor Reggie Virtucio ang pag bibigay ng dagdag na seguridad at mahigpit na pag babantay sa bawat paaralan sa Bayan ng San Jose.