24/07/2022
Heads up, Dear Parents and Guardians!📢‼️
ENROLLMENT for School Year 2022-2023
Ang ating Enrollment para sa darating na S.Y. 2022-2023 ay magsisimula na ngayong Lunes, July 25, 2022. Magtungo lamang sa ating paaralan mula 8:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon.
Ang mga magulang na nakapagpatala ng kanilang mga anak noong Early Registration ay kinakailangan pa rin magtungo sa paaralan upang ikumpirma ang pagpapatala ng mag-aaral.
Ikinalulugod naming makita kayo aming mahal na mga magulang at tagapag-alaga sa darating na Lunes!😊
“Sa Sto. Nino 3rd Elementary School, bawat BATA ay MAHALAGA”❤️