Pahina

Pahina Student Publication of Malasin Elementary School

๐Ÿ† KARANGALAN SA CLUSTER 3 SPORTS MEET 2026! ๐Ÿ…Mula sa ensayo hanggang sa mismong laban, ipinakita ng ating mga manlalaro ...
21/09/2026

๐Ÿ† KARANGALAN SA CLUSTER 3 SPORTS MEET 2026! ๐Ÿ…

Mula sa ensayo hanggang sa mismong laban, ipinakita ng ating mga manlalaro ang husay, tiyaga, disiplina, at puso para sa paaralan. ๐Ÿ‘

Binabati natin ang ating mga atleta na nag-uwi ng karangalan sa nagdaang Cluster 3 Sports Meet 2026! ๐ŸŽ‰

๐Ÿธ BADMINTON โ€“ GIRLS
๐Ÿฅ‡ Tamina Amiel Macauyam โ€“ Singles B, 1st Place
๐Ÿฅ‡ Nathalie Octavio & Christania Fontanilla โ€“ Doubles, 1st Place
Coach: Jerome B. Dulatre

๐Ÿƒ ATHLETICS โ€“ GIRLS
๐Ÿฅ‡ Alliah Azedhel Domingo โ€“ 200m, 1st Place
๐Ÿฅ‡ Alliah Azedhel Domingo โ€“ 100m, 1st Place
๐Ÿฅ‰ Alliah Azedhel Domingo โ€“ Javelin Throw, 3rd Place

๐Ÿƒ ATHLETICS โ€“ BOYS
๐Ÿฅ‰ Marcus Enzo Membrado โ€“ 200m, 3rd Place
Coach: Kristine D. Del Rosario

๐Ÿธ BADMINTON โ€“ BOYS
๐Ÿฅ‰ Jan Paul D. Delos Reyes โ€“ Singles A, 3rd Place
๐Ÿฅ‰ Kurt Cristoff T. Tan โ€“ Singles B, 3rd Place
๐Ÿ… Yexel Gerrant A. Castro & Russell C. Ynalvez โ€“ Doubles
Coach: Charisse Ann M. Fonseca

๐Ÿฅ‹ ARNIS โ€“ GIRLS
๐Ÿฅ‰ Kylie Abaya โ€“ Single Weapon, 3rd Place
๐Ÿฅ‰ Princess Andrea Asio, Lhei Angel Galang & Kylie Abaya โ€“ Synchronous Double Weapon, 3rd Place
Coach: Jhoana Marie Samatra

๐Ÿ‘ Congratulations, Batang Malasinian!

Ang bawat medalya ay bunga ng sipag at pagsasanay, ngunit higit sa lahat, patunay ito ng inyong tapang na lumaban at karangalan na dala ang pangalan ng Malasin Elementary School.

Padayon, Batang Malasinian! ๐Ÿ’™๐Ÿ†


P.S. Ang mga magulang o legal guardians ng mga batang makikita sa mga larawan ay nagbigay ng pahintulot sa paaralan na hayagang ilathala at gamitin ang kanilang mga larawan at pagkakakilanlan para sa opisyal na school information and publicity purposes.

๐™€๐™ข๐™ฅ๐™ค๐™ฌ๐™š๐™ง๐™š๐™™ ๐™‹๐™–๐™ง๐™š๐™ฃ๐™ฉ๐™จ, ๐™‹๐™ง๐™ค๐™ฉ๐™š๐™˜๐™ฉ๐™š๐™™ ๐™‡๐™š๐™–๐™ง๐™ฃ๐™š๐™ง๐™จ: ๐˜พ๐™ค๐™ฃ๐™ซ๐™š๐™ง๐™จ๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ค๐™ฃ๐™จ ๐™ค๐™ฃ ๐™Ž๐™˜๐™๐™ค๐™ค๐™ก ๐™Ž๐™–๐™›๐™š๐™ฉ๐™ฎ ๐™–๐™ฃ๐™™ ๐™ˆ๐™š๐™ฃ๐™ฉ๐™–๐™ก ๐™ƒ๐™š๐™–๐™ก๐™ฉ๐™๐Ÿ‘‹       .
18/09/2026

๐™€๐™ข๐™ฅ๐™ค๐™ฌ๐™š๐™ง๐™š๐™™ ๐™‹๐™–๐™ง๐™š๐™ฃ๐™ฉ๐™จ, ๐™‹๐™ง๐™ค๐™ฉ๐™š๐™˜๐™ฉ๐™š๐™™ ๐™‡๐™š๐™–๐™ง๐™ฃ๐™š๐™ง๐™จ: ๐˜พ๐™ค๐™ฃ๐™ซ๐™š๐™ง๐™จ๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ค๐™ฃ๐™จ ๐™ค๐™ฃ ๐™Ž๐™˜๐™๐™ค๐™ค๐™ก ๐™Ž๐™–๐™›๐™š๐™ฉ๐™ฎ ๐™–๐™ฃ๐™™ ๐™ˆ๐™š๐™ฃ๐™ฉ๐™–๐™ก ๐™ƒ๐™š๐™–๐™ก๐™ฉ๐™๐Ÿ‘‹

.

18/09/2026

๐’๐ข๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐ญ๐š๐ง๐ž๐จ๐ฎ๐ฌ ๐’๐š๐Ÿ๐ž๐ญ๐ฒ ๐ƒ๐ซ๐ข๐ฅ๐ฅ ๐š๐ญ ๐Œ๐š๐ฅ๐š๐ฌ๐ข๐ง ๐„๐ฅ๐ž๐ฆ๐ž๐ง๐ญ๐š๐ซ๐ฒ ๐’๐œ๐ก๐จ๐จ๐ฅโœจ

.

๐•ฒ๐–—๐–”๐–œ๐–Ž๐–“๐–Œ ๐–™๐–”๐–Œ๐–Š๐–™๐–๐–Š๐–—, ๐–™๐–Š๐–†๐–ˆ๐–๐–Ž๐–“๐–Œ ๐–‡๐–Š๐–™๐–™๐–Š๐–—. ๐ŸŒฑโœจMalasin Elementary School continues to value progress, professional growth, and con...
12/09/2026

๐•ฒ๐–—๐–”๐–œ๐–Ž๐–“๐–Œ ๐–™๐–”๐–Œ๐–Š๐–™๐–๐–Š๐–—, ๐–™๐–Š๐–†๐–ˆ๐–๐–Ž๐–“๐–Œ ๐–‡๐–Š๐–™๐–™๐–Š๐–—. ๐ŸŒฑโœจ

Malasin Elementary School continues to value progress, professional growth, and continuous development as we strengthen our commitment to more meaningful and effective teaching and learning delivery for our learners.

๐Ÿ“š INSET 2026 | September 11, 2026
๐Ÿ“ Chowking San Jose City

Topic 3: Understanding the Role and Importance of Manipulatives in Developing Foundational Mathematical Concepts
๐ŸŽ™๏ธ Maโ€™am Geraldine V. Cacabilos, Master Teacher II

Topic 4: Crafting of Localized Manipulative Teaching Materials
๐ŸŽ™๏ธ Maโ€™am Nikkie S. Lomboy, Teacher VI

Because when teachers keep learning, learners keep moving forward. โœจ

๐•ฒ๐–—๐–”๐–œ๐–Ž๐–“๐–Œ ๐–™๐–”๐–Œ๐–Š๐–™๐–๐–Š๐–—, ๐–™๐–Š๐–†๐–ˆ๐–๐–Ž๐–“๐–Œ ๐–‡๐–Š๐–™๐–™๐–Š๐–—. ๐ŸŒฑโœจMalasin Elementary School continues to value progress, professional growth, and con...
12/09/2026

๐•ฒ๐–—๐–”๐–œ๐–Ž๐–“๐–Œ ๐–™๐–”๐–Œ๐–Š๐–™๐–๐–Š๐–—, ๐–™๐–Š๐–†๐–ˆ๐–๐–Ž๐–“๐–Œ ๐–‡๐–Š๐–™๐–™๐–Š๐–—. ๐ŸŒฑโœจ

Malasin Elementary School continues to value progress, professional growth, and continuous development as we strengthen our commitment to more meaningful and effective teaching and learning delivery for our learners.

๐Ÿ“š INSET 2026 | September 10, 2026
๐Ÿ“ Chowking San Jose City

Topic 1: We Know Manipulative Matters, Butโ€ฆ
๐ŸŽ™๏ธ Sir Christian S. Delizo, Teacher III

Topic 2: Crafting of Work Application Plan and/or Application of Learning and Development Plan
๐ŸŽ™๏ธ Dr. Nederysiad L. Manuel, School Principal II

Because when teachers keep learning, learners keep moving forward. โœจ

๐Š๐š๐ฉ๐š๐  ๐š๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐๐ฎ๐ฆ๐ž๐ซ๐จ ๐š๐ฒ ๐๐š๐ ๐ข๐ง๐  ๐Š๐ฎ๐ฐ๐ž๐ง๐ญ๐จ ๐ง๐  ๐“๐š๐ ๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐š๐ฒMay mga laban na hindi naririnig sa dagundong ng palakpakan. Tahimik i...
09/09/2026

๐Š๐š๐ฉ๐š๐  ๐š๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐๐ฎ๐ฆ๐ž๐ซ๐จ ๐š๐ฒ ๐๐š๐ ๐ข๐ง๐  ๐Š๐ฎ๐ฐ๐ž๐ง๐ญ๐จ ๐ง๐  ๐“๐š๐ ๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐š๐ฒ

May mga laban na hindi naririnig sa dagundong ng palakpakan. Tahimik itong nagsisimula sa pagbuo ng isang estratehiya, sa mabilis na pag-iisip, sa paulit-ulit na pagsasanay, at sa isang simpleng paniniwalang โ€œKaya natin โ€™to.โ€

Ngayong araw, sa San Jose City National High School, naging entablado ang Division Mathematics Fair 2026 para sa mga batang hindi lamang marunong magbilang, kundi marunong ding mangarap, lumaban, at bumuo ng solusyon sa bawat hamon.

Limang mag-aaral at limang g**o mula sa Malasin Elementary School ang humarap sa ibaโ€™t ibang pagsubok sa larangan ng matematika. Bitbit nila ang pangalan ng kanilang paaralan, ngunit higit pa rito, dala nila ang mga araw ng pagsasanay, mga pagkakamaling paulit-ulit na itinama, at mga sandaling muntik nang mapagod ngunit piniling magpatuloy.

Sa pangunguna ng Mathematics Coordinator ng paaralan, unti-unting nabuo ang isang pangkat na hindi natitinag sa harap ng komplikadong tanong at mahirap na hamon.

Dahil sa kompetisyong ito, ang matematika ay hindi lamang naging usapin ng numero.

Naging usapin ito ng tapang.

Nang magsalita ang matematika sa pamamagitan ng malikhaing tinig

Hindi kailangang laging nasa papel ang matematika.

Minsan, maaari itong nasa harap ng kamera.

Sa Shout-Out Video, ginawang masigla at makulay nina Kaycee D. Aquino, Jhyleanne Rich L. Cacanindin, Princess Arianna Q. Astudillo, at Prince Noah L. Parcarey ang mundo ng matematika.

Sa ilalim ng pagsasanay ni Sir Christian S. Delizo, pinagsama nila ang husay, pagkamalikhain, kumpiyansa, at pagtutulungan. Bawat galaw ay may layunin. Bawat salita ay may mensahe. At bawat segundo ay pagkakataong patunayan na ang matematika ay maaari ring maging masaya, buhay, at makulay.

Sa huli, hindi lamang nila nakuha ang atensyon ng mga manonood.

Nakuha nila ang unang puwesto.

Sa bawat ikot, may solusyon

Samantala, sa isang sulok ng kompetisyon, may isang cube na tila walang katapusang gulo.

Mga kulay na magkakahalo. Mga mukha na kailangang isaayos. Isang palaisipang nangangailangan ng tiyaga at bilis ng pag-iisip.

Sa Rubikโ€™s Cube, hinarap ni Xyryll D. Ferinion, sa pagsasanay ni Maโ€™am Charisse Ann Fonseca, ang hamon ng bawat ikot at bawat maling galaw.

Sapagkat tulad ng matematika, hindi lahat ng problema ay malulutas sa unang pagtatangka.

Minsan, kailangan mong huminto.

Mag-isip.

Subukan muli.

At kapag nagkamali, umikot ulit.

Hanggang sa tuluyang mabuo ang sagot.

At sa pagkakataong ito, ang mga kulay ay nagsanib sa isang tagumpay: ikalawang gantimpala para sa Malasin Elementary School.

Ang sagot ay hindi lamang nasa papel

Sa pagtatapos ng araw, isang mas malaking pagkilala ang naghihintay sa buong delegasyon.

Mula sa ibaโ€™t ibang larangan, pinag-isa ng kanilang mga tagumpay ang pangalan ng Malasin Elementary School hanggang sa tuluyang maselyuhan ang Overall 1st Runner-Up sa Division Mathematics Fair 2026.

Ngunit kung tutuusin, hindi kayang sukatin ng medalya ang lahat ng pinagdaanan nila.

Hindi nito kayang bilangin ang mga oras ng pagsasanay.

Hindi nito kayang idagdag ang bawat pawis, bawasan ang bawat pagod, o hatiin ang mga sandaling piniling lumaban kahit mahirap.

Dahil may mga bagay na hindi kayang isulat ng anumang formula.

Ang tiwala ng coach.
Ang tapang ng mga kalahok.
Ang suporta ng mga g**o.
At ang paniniwalang kaya nilang lampasan ang anumang problemang ihaharap sa kanila.

Sa araw na ito, maaaring mga numero ang kanilang pinaglaruan.

Ngunit sa huli, tagumpay ang kanilang nabuong sagot.

At sa Malasin Elementary School, isa na namang equation ang nalutas:

Sipag + Tiyaga + Talino + Pagtutulungan = TAGUMPAY.

Madison Medina, Kampeon sa Feature WritingMuling pinatunayan ng kabataang mamamahayag ng Malasin Elementary School ang h...
07/09/2026

Madison Medina, Kampeon sa Feature Writing

Muling pinatunayan ng kabataang mamamahayag ng Malasin Elementary School ang husay sa larangan ng pamamahayag matapos masungkit ni Madison Rein H. Medina ang kampeonato sa Feature Writing sa naganap na Division School Press Conference (DSPC) ngayong araw sa San Jose City National High School.

Sa gitna ng mahigpit na tunggalian ng mga batang mamamahayag mula sa ibaโ€™t ibang paaralan sa dibisyon, namukod-tangi si Medina sa husay sa pagsulat, pagbuo ng makabuluhang salaysay, at malikhaing paglalahad ng isang paksa.

Hindi rin nagpahuli si Jhyleanne Rich L. Cacanindin, na nagkamit ng ikalimang puwesto sa Pagwawastong Sipi at Paguulo ng Balita (Copyreading and Headline Writing).

Dalawang kalahok. Dalawang pagkilala. Isang paaralang patuloy na nagniningning sa pamamahayag.

๐’๐š ๐‹๐ข๐ค๐จ๐ ๐ง๐  ๐“๐ข๐ง๐ญ๐š: ๐ƒ๐š๐ฅ๐š๐ฐ๐š๐ฆ๐ฉ๐ฎ๐ง๐  ๐๐ฎ๐ฌ๐จ๐ง๐  ๐‡๐ข๐ง๐๐ข ๐๐š๐ญ๐š๐ค๐จ๐ญ ๐‹๐ฎ๐ฆ๐š๐›๐š๐งSa bawat kaluskos ng papel, bawat hagod ng lapis, at bawat sa...
06/09/2026

๐’๐š ๐‹๐ข๐ค๐จ๐ ๐ง๐  ๐“๐ข๐ง๐ญ๐š: ๐ƒ๐š๐ฅ๐š๐ฐ๐š๐ฆ๐ฉ๐ฎ๐ง๐  ๐๐ฎ๐ฌ๐จ๐ง๐  ๐‡๐ข๐ง๐๐ข ๐๐š๐ญ๐š๐ค๐จ๐ญ ๐‹๐ฎ๐ฆ๐š๐›๐š๐ง

Sa bawat kaluskos ng papel, bawat hagod ng lapis, at bawat salitang maingat na pinili, may kuwentong higit pa sa isang paligsahan.

Dalawampung batang mamamahayag mula sa Malasin Elementary School ang humarap sa hamon ng pamamahayag kahapon sa San Jose East Central School, bitbit hindi lamang ang kanilang mga gamit sa pagsulat, kundi ang tapang, pangarap, at pangalan ng kanilang paaralan.

Hindi naging magaan ang kanilang laban.

Sa dami ng paaralang kanilang nakasagupa, bawat minuto ay tila isang karera laban sa oras, bawat tanong ay isang pagsubok sa kanilang kaalaman, at bawat blangkong papel ay isang pagkakataong patunayan kung hanggang saan ang kanilang kakayahan.

Ngunit sa gitna ng ingay ng kompetisyon, nanatiling tahimik ang kanilang mga panulat, abala sa paghahabi ng mga salitang maaaring maging susi sa tagumpay.

At sa araw na iyon, dalawang pangalan ang nagningning.

Sa larangan ng Feature Writing, umangat si Madison Rein H. Medina at sinungkit ang ikatlong puwesto, isang patunay na ang mahusay na kuwento ay hindi lamang nabubuo sa magagandang salita, kundi sa pusong marunong tumingin, makiramdam, at magkuwento.

Samantala, ipinamalas naman ni Jhyleanne Rich L. Cacanindin ang husay sa Copyreading and Headline Writing, kung saan nakamit niya ang ika-apat na puwesto. Sa mundong bawat kuwit, tuldok, at salita ay may halaga, pinatunayan niyang ang isang mahusay na mamamahayag ay marunong ding maging mapanuri sa bawat detalye.

Ngunit higit pa sa dalawang medalya, may isang tagumpay na hindi kayang sukatin ng ranggo.

Ito ay ang tapang ng dalawampung batang piniling lumaban.

Sapagkat ang campus journalism ay hindi lamang tungkol sa pagkapanalo. Ito ay tungkol sa lakas ng loob na humarap sa papel kahit nanginginig ang kamay. Tungkol sa pagtanggap na may mga pagkakataong hindi ikaw ang mananalo. At higit sa lahat, tungkol sa kakayahang bumangon, matuto, at subukang muli.

Sa kanilang laban, ipinakita ng mga campus journalist ng Malasin Elementary School na ang matatag na puso at propesyonal na asal ay kasinghalaga ng husay sa pagsulat.

At marahil, iyon ang tunay na ningning ng isang mamamahayag: hindi ang dami ng tropeo sa kamay, kundi ang tapang na patuloy na magsulat kahit minsan ay hindi ikaw ang nasa headline.

Ngayon, sina Madison at Jhyleanne ay muling haharap sa panibagong yugto. Sila ay kabilang sa mga kwalipikadong delegado para sa Division Schools Press Conference bukas sa San Jose City National High School, dala ang karangalang mula sa kanilang unang laban at ang mas malaking hamon na naghihintay.

Para sa dalawampu, maaaring natapos na ang kompetisyon kahapon.

Ngunit hindi pa tapos ang kanilang kuwento.

Sa halip, nagsimula pa lamang itong magsulat ng panibagong pahina.

Dahil ang laban na ito ay hindi lamang nagturo sa kanila kung paano sumulat.

Tinuruan sila nitong lumaban.

At sa susunod na taon, babalik sila hindi bilang mga batang minsang sumubok, kundi bilang mga batang mas matapang, mas mahusay, at mas handang muling magpaingay ng kanilang mga panulat.

โœ๏ธDelChriSal

MGA EMERGENCY HOTLINES NG SAN JOSE CITY ๐ŸšจSa oras ng emergency, mahalagang alam natin kung sino ang dapat tawagan. I-save...
03/08/2026

MGA EMERGENCY HOTLINES NG SAN JOSE CITY ๐Ÿšจ

Sa oras ng emergency, mahalagang alam natin kung sino ang dapat tawagan. I-save ang mga numerong ito at ibahagi sa inyong pamilya at mga kaibigan upang maging handa sa anumang hindi inaasahang pangyayari.

Maging alerto. Maging handa. Magtulungan para sa ligtas na komunidad.

๐Ÿ“ž I-save ang mga numero. Makatutulong ito sa oras ng pangangailangan.

Address

Malasin
San Jose
3121

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Pahina posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category