15/06/2023
Hunyo 13, 2023
AWIT 100 •Awit ng Pagpapasalamat•
📍STRIKING VERSE:
Pumasok sa kanyang templo na ang puso’y nagdiriwang, Umaawit nagpupuri sa loob ng dakong banal; Purihin ang ngalan niya at siya’y pasalamatan. [AWIT 100:4]
📍TRUTH:
Walang dapat papurihan kundi si Yahweh. Ang pusong tapat na nagpupuri, ay kalulugdan Niya.
📍ACTION:
Ihanda ang puso at isip sa tuwing magsisimba, magdarasal at magde-devotion. Alisin ang lahat ng mga sagabal sa pagpupuri sa Diyos.
-Bilang paghahanda sa pagpupuri sa Kanya. Umawit at makinig ng mga ‘’worship songs’’
📍REQUEST:
Ama, sa’Yo lamang ang pinakamataas na papuri at pasasalamat. Tulungan Mo po akong magpatuloy sa’Yo nang may kagalakan sa aking puso. Ikaw, o, Yahweh ay patuloy na maghari sa aking buhay. Ikaw ang maitaas sa lahat ng biyaya na aking natatamo. Sa Pangalan ni Hesus, Amen 🙏