07/09/2026
IMPACT-BASED FORECAST NO. 33
Weather System: Heavy Rains / Flood due to Southwest Monsoon
Issued at: 3:00 PM on September 07, 2026.
MINOR NA EPEKTO NG PAG-ULAN ANG INAASAHAN SA LUNGSOD NG SAN JOSE.
Ayon sa pinakabagong abiso ng DOST-PAGASA (NCR-PRSD) sa kanilang Impact-Based Forecast No. 33, nasa "Minor" ang impact level sa Lungsod ng San Jose para bukas, araw ng Martes (Setyembre 08), dahil sa epekto ng Southwest Monsoon.
ANO ANG IBIG SABIHIN NITO PARA SA SAN JOSE CITY?
- Maaaring magkaroon ng kaunti at panandaliang abala sa pagpasok sa paaralan at pang-araw-araw na gawain.
- Maaaring mas matagal ang byahe papunta at pauwi ng paaralan, at posibleng medyo humaba ang paghihintay ng masasakyan ng mga mag-aaral at g**o.
- May maliit na posibilidad ng panandaliang pagkawala ng kuryente, o paghina ng suplay ng tubig sa ilang paaralan at kabahayan.
- Pinapayuhan ang lahat na mag-ingat sa paglalakad sa mga basa at madulas na kalsada at pasilyo upang makaiwas sa simpleng pagkadulas o aksidente.
- Mananatiling ligtas ang karamihan sa mga matitibay na silid-aralan, ngunit maaaring magkaroon ng pag-ipon ng tubig sa ilang bahagi ng school grounds, open courts, at school gardens.
PAALALA SA MGA PAARALAN, MAG-AARAL, AT MGA MAGULANG:
- Siguruhing laging may dalang payong at kapote sa bag ng mga mag-aaral at kawani. Mainam din ang paggamit o pagdadala ng bota upang hindi mabasa ang mga paa at makaiwas sa sakit tulad ng leptospirosis kung sakaling may mga baha sa kalsada.
- Ibalot sa plastic ang mga libro, modules, notebooks, at mahahalagang school documents sa loob ng bag upang hindi ito mabasa sakaling biglaang bumuhos ang ulan.
- Magbaon ng pamalit na damit at medyas upang may magamit at hindi lamigin sakaling mabasa habang nagbibyahe papunta sa paaralan.
- Patuloy na subaybayan ang mga opisyal na abiso mula sa DOST-PAGASA, SDO San Jose City DRRM, at mula sa ating Lokal na Pamahalaan, lalo na para sa mga anunsyo ng posibleng suspensyon ng klase.
- Para sa mga kawani ng paaralan, ugaliing linisin ang mga kanal at estero sa loob at paligid ng inyong paaralan upang mabilis na humupa ang tubig sakaling umulan.
PARA SA REAL-TIME, SCHOOL-SPECIFIC RISK PROFILES AND DATA DRIVEN DRRM MANAGEMENT PUMUNTA SA ligtas.cair.ph