18/06/2026
ππππ ππππ ππππππππππ
Nakiisa ang San Manuel National High School sa pagsasagawa ng Second Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill nitong ika-18 ng Hunyo, 2026.
Alinsunod sa temang "Duck, Cover, and Hold: Gawin Dapat Pero Hindi Sapat", ipinaunawa sa mga mag-aaral na ang kaligtasan sa mga sakuna tulad ng lindol ay mas maiaayos kung hindi lang sa basic protocols nakatuon kundi sa long-term evacuation plan at community resilience.
Ipinaliwanag ni Ma'am Rachel Arceo, SDRRM Coordinator ang kahalagahan ng pagiging alerto at seryoso sa mga ganitong sitwasyon dahil buhay ang nakataya rito.
Dagdag pa ni Ma'am Daisy Ifurong, punong-g**o ng San Manuel NHS na dapat masunod ang mga protocol at set up tuwing nagpapapila sa grounds upang makasanayan at maging mas madali ang pagmonitor sa bawat pangkat.
Patuloy na pagtutuunan ng pansin ang mga planong pangkaligtasan sa paaralan lalo't ang sakuna ay dumarating kung kailan hindi handa.
πΈ | Ma'am Andrea
17/06/2026
πππππππ
Sa mga interesado pong sumali sa Photojournalism at Editorial Cartooning (English or Filipino), ito na ang pagkakataon para matuto at mapili.
Bahagi ito ng screening procedure para sa mga bagong staffers ng The Canopy at Ang Saraya ngayong taong panuruan 2026-2027.
Basahin muna ang mga detalye at kung interesado na, magpalista lang sa inyong class mayor.
Kitakits sa June 23 at 25!
'Wag palagpasin ang pagkakataon dahil makakasama natin ang mga batikang π΄π΅πΆπ₯π¦π―π΅ π«π°πΆπ³π―π’ππͺπ΄π΅π΄ upang magbahagi sa inyo ng mga kaalaman, karanasan, at kasanayan.
13/06/2026
πππππππππ-ππππππππ π
ππ ππππππ ππππππππππ, πππππππππππ ππ
"Katotohanan ang magpapalaya sa bayan."
Sa Araw ng Kalayaan, isang makabuluhang palihan ang naganap sa San Manuel National High School, bahagi ng Screening Process para sa mga bagong miyembro ng Campus Journalism Team.
Sa taΓ²ng ito, mapalad ang mga dumalo dahil ilang mga batikan at multi-awarded alumni ang nagbahagi ng kanilang mga kaalaman, kasanayan, at karanasan sa mga Manuelinians.
Nagbabalik upang magbahagi ng ilang payo sa Pagsulat ng Lathalain ang DFOT Back-to-Back Winner, Ms. Amber Samantha Nadela.
Isa rin sa mga panauhing tagapagsalita ang 2024 RSPC Qualifier sa Pagsulat ng Kolum, Ms. Madelaine Gopez.
Sa Pagsulat ng Balita, nagpaunlak ding magbahagi ng kaalaman ang dating SSLG Vice-President at News Writer, Ms. Rich Mae Soriano.
Nagbigay din ng ilang payo sa Editorial Writing ang alumna na si Ms. Princess Nikki Hizon.
Ang iba pang mga kategorya ay ipinaliwanag nang masinsinan ng mga g**o sa Ingles at Filipino na sina Ma'am Ivy Medina (News at CEHW), Ma'am Divine Depamaylo (Feature), Ma'am Mariliz Prado (Column and Sci-Tech), at Ma'am Andrea Rose Laya (Pagkuha ng Larawan at Pagsulat ng Editorial).
Matapos ang pagbabahagi ng mga kaalaman ay pinili ang mga Best Outputs sa kada kategorya.
Layunin ng aktibidad na mabigyan muna ng kaalaman sa mga kategorya ng Campus Journalism ang mga mag-aaral at malaman sa pamamagitan ng kanilang outputs kung saang mga kategorya sila ilalagay bago magsimula ang training.
πΈ | Maesie Tomas, Ma'am Andrea
13/06/2026
ππππππ, πππ πππππππππππ
Matagumpay na naisagawa ang Parents' Orientation nitong ika-11 ng Hunyo 2026 sa San Manuel National High School.
Dumalo ang mga magulang na handa at bukΓ s ang isip upang makinig sa mga alituntuning dapat sundin ng kanilang mga anak sa taong panuruan 2026-2027.
Isinagawa muna ang General Assembly sa covered court upang maipaliwanag sa kanila ang pagbabago sa kurikulum at nilalaman ng Student Guidebook.
Matapos ito ay dumiretso na ang mga magulang sa mga silid-aralan upang makilala ang g**ong tagapayo ng kanilang mga anak at mapakinggan ang iba pang detalye sa oryentasyon.
πΈ | Ma'am Andrea, Ma'am Ivy
08/06/2026
π
ππππ πππ ππππ!
ππππππππππππ πππππ ππ
Dumagsa sa unang araw ng klase ang mga mag-aaral kasama ang kanilang mga magulang sa San Manuel National High School.
Bitbit ang mga ngiti sa pasimulang taong-aralan, aktibong nakiisa ang mga bata sa Flag Raising Ceremony at Class Orientation.
Naging abala rin ang mga g**o sa pag-alalay sa mga bata na makita ang kanilang sections at matiyagang ipinaliwanag ang mga alituntunin ng paaralan habang kinikilala ang bawat isa.
Nagbigay ng pambungad na mensahe ang ating Public Schools District Supervisor, Ma'am Teresita Padilla, kasama ang butihing punong-g**o, Ma'am Daisy DC. Ifurong.
Naroon din ang mga SPTA officers upang magpanatili ng kaayusan at kaligtasan habang isinasagawa ang mga aktibidad.
Sa kasalukuyan, halos 1000 na ang mag-aaral sa San Manuel NHS, patunay na ang edukasyon at kapaligiran dito ay de kalidad at maayos.
πΈ | Ma'am Andrea
04/06/2026
ππππππ πππππ
ππ πππππππ ππ ππππππππππ
Sama-samang naglinis, nag-ayos, at nagkumpuni ang mga stakeholders ng San Manuel National High School sa huling araw ng Brigada at Enrollment. Marami pa ring humabol magpatala sa kani-kanilang baitang matapos hindi makapag-enroll sa nagdaang 3 araw.
πΈ | Ma'am Andrea
04/06/2026
πππππππ
Ito po ang schedule ng pasok ng mga bata simula Lunes, June 8, 2026.
Mas maaga po ang pasok tuwing Lunes dahil may flag raising ceremony.
Patungkol naman sa sectioning, may isinend nang listahan sa inyong dating GC at kung hindi naman bahagi ng GC ay sa Lunes na lamang alamin dahil nakapaskil naman sa bawat silid-aralan.
Maraming salamat po.
04/06/2026
πππππ ππ ππππππππππ
Kasabay ng maulap na panahon ang matumal na pagdating ng mga mag-aaral sa Grade 10 upang magpa-enroll.
Tinanghali na sa pagdating ang mga magpapatala, marahil ay dahil inaasahan nilang may iskedyul pa para sa mga late enrollees kinabukasan.
Samantala, tuloy-tuloy pa rin ang pagbibrigada ng mga g**o, magulang, at mag-aaral mula sa iba't ibang baitang.
Inaasahang dadagsa sa huling araw ng pagpapatala ang mga mag-aaral na hindi nakapunta sa itinakda nilang iskedyul.
πΈ | Ma'am Andrea
03/06/2026
πππππ π ππππππππππ
Matiyagang nakipila ang mga incoming Grade 9 students upang magpatala nitong ika-2 ng Hunyo 2026.
Naging aktibo ang pakikilahok dahil sa sama-samang paglilinis at pagsasaayos ng paaralan.
Tuloy-tuloy pa rin ang enrollment hanggang Huwebes para sa Grade 10 at late enrollees.
πΈ | Ma'am Andrea