28/07/2026
ALAMIN. IWASAN. LABANAN.
Ang dengue ay maiiwasan kung sama-sama tayong kikilos. Panatilihing malinis ang ating kapaligiran, alisin ang mga pinamumugaran ng lamok, at sundin ang 4S Kontra Dengue.
β
Search and Destroy
β
Self-Protection Measures
β
Seek Early Consultation
β
Support Fogging (kapag may outbreak)
Maging mapagmatyag. Sama-sama kontra dengue para sa ligtas at malusog na paaralan! ππ
28/07/2026
PABATID!
Inaanyayahan ang ating mga magulang at miyembro ng komunidad na dumalo sa Akses sa Hustisya: Programa Tulong Legal sa Agosto 13, 2026, 8:00 A.M.β5:00 P.M. sa Covered Court, San Jose del Monte Central School.
Libreng legal na konsultasyon at serbisyong legal para sa lahat. βοΈ
25/07/2026
Patuloy na Paglago, Pagkilala, at Pagbibigay-Pugay sa Kahusayan!
Highlights of the Day:
β
1st Learning Action Cell (LAC) Session
β
Recognition of Teachers β Perfect Attendance, Most Punctual, Most Prepared Classroom, at Outstanding Grade Level on Timely Submission
β
District and Division Nominee β Gawad Dangal Lingkod: Outstanding Teaching, Teaching-Related and Non-Teaching Personnel (Master Teacher IβV)
Sa ilalim ng mahusay na pamumuno ng ating Punongg**o, Sir Joel O. Guidote, Principal I, matagumpay na isinagawa ng Heroesville Elementary School ang 1st Learning Action Cell (LAC) Session na may temang "Designing Effective Formative and Summative Assessments," sa pangunguna ni Ma'am Aisa E. Morales, Teacher I. Sa pamamagitan ng makabuluhang talakayan, higit pang napalawak ang kaalaman ng mga g**o sa pagbuo ng epektibong mga pagtataya upang mas mapahusay ang pagkatuto ng bawat mag-aaral.
Kasabay nito, kinilala rin ang mga g**ong nagpakita ng natatanging dedikasyon at kahusayan sa kanilang tungkulin sa pamamagitan ng paggawad ng sertipiko para sa Perfect Attendance, Most Punctual, Most Prepared Classroom, at Outstanding Grade Level on Timely Submission. Ang mga pagkilalang ito ay patunay ng kanilang sipag, disiplina, at malasakit sa serbisyo.
Higit sa lahat, taos-pusong pagbati kay Ma'am Syche S. Tabuzo, na kinilala bilang District at Division Nominee para sa Gawad Dangal Lingkod β Outstanding Teaching, Teaching-Related, and Non-Teaching Personnel (Master Teacher IβV). Ang kanyang dedikasyon, kahusayan, at patuloy na paglilingkod sa edukasyon ay tunay na inspirasyon sa buong komunidad ng Heroesville Elementary School.
Sama-sama nating ipagpatuloy ang kultura ng kahusayan, inobasyon, dedikasyon, at tapat na paglilingkod upang makapaghatid ng makabuluhang edukasyon para sa bawat mag-aaral.
18/07/2026
π’ SCHOOL ADVISORY
Alinsunod sa Memorandum ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ukol sa pagpapatupad ng mga hakbang sa pag-iwas sa COVID-19 at iba pang respiratory illnesses, hinihikayat ng Heroesville Elementary School ang lahat ng mag-aaral, magulang, g**o, at kawani na patuloy na mag-ingat at sundin ang mga sumusunod na health protocols upang mapanatiling ligtas at malusog ang ating komunidad.
β
MGA DAPAT GAWIN
π· Magsuot ng face mask kung nasa pampublikong lugar, health facilities, o kung may nararamdamang sintomas.
π§Ό Maghugas ng kamay nang madalas gamit ang sabon at tubig o gumamit ng alcohol-based hand sanitizer.
π€ Huwag pumasok sa paaralan kung may lagnat, ubo, sipon, o iba pang sintomas ng respiratory illness. Manatili sa bahay at agad kumonsulta sa pinakamalapit na health facility.
π¬οΈ Panatilihing malinis at maaliwalas ang mga silid-aralan at iba pang pasilidad.
βοΈ Iwasan ang malapit na pakikisalamuha sa mga taong may sakit at maging maingat sa matataong lugar.
π€ Makipagtulungan at sumunod sa mga itinakdang health protocols para sa kaligtasan ng lahat.
Ang kaligtasan ng bawat isa ay ating pananagutan. Sa pamamagitan ng ating pagtutulungan at disiplina, mapapanatili nating ligtas ang Heroesville Elementary School at maipagpapatuloy ang dekalidad na edukasyon para sa bawat batang Heroesville.
MEMORANDUM: DRF-07132026-399
PAGPAPATUPAD NG MGA HAKBANG SA PAG-IWAS SA COVID-19 AT IBA PANG RESPIRATORY ILLNESSES
16/07/2026
MARAMING SALAMAT, KONSEHALA DRA. ROSALYN CABUCO! Doc Cabuco Cares
Taos-pusong nagpapasalamat ang Heroesville Elementary School kay Konsehala Dra. Rosalyn Cabuco sa kanyang bukas-palad na donasyong β±10,000 bilang suporta sa pagpapatayo ng ating makeshift classroom.
Ang inyong kabutihang-loob at malasakit sa edukasyon ay malaking tulong upang mabigyan ang ating mga mag-aaral ng mas ligtas at mas maayos na lugar para sa pagkatuto. Ang inyong suporta ay patunay ng tunay na pagkakaisa ng pamahalaan at komunidad para sa kapakanan ng bawat batang mag-aaral.
Nawa'y pagpalain pa kayo ng Poong Maykapal at patuloy kayong maging inspirasyon sa paglilingkod sa ating komunidad.
Maraming salamat po sa inyong walang sawang suporta sa Heroesville Elementary School!
16/07/2026
π¦πππ£ π£ππ₯ππ‘π§π¦' π’π₯πππ‘π§ππ§ππ’π‘ & π¦π£π§π π’ππ§π-π§ππππ‘π πππ₯ππ π’π‘π¬
July 16, 2026
Matagumpay na isinagawa ngayong araw sa Heroesville Elementary School ang Parents' Orientation para sa School-Based Feeding Program (SBFP) kasabay ng Oath-Taking Ceremony ng mga bagong halal na opisyal ng Supreme Parents-Teachers Association (SPTA).
Sa isinagawang oryentasyon, tinalakay ang mga layunin, alituntunin, iskedyul, at mahahalagang impormasyon tungkol sa pagpapatupad ng School-Based Feeding Program (SBFP). Binigyang-diin din ang mahalagang papel ng mga magulang at tagapag-alaga sa pagsuporta sa programa upang matiyak ang kalusugan at mas mahusay na pagkatuto ng mga piling benepisyaryong mag-aaral.
Kasunod nito, nanumpa sa tungkulin ang mga bagong halal na opisyal ng Supreme Parents-Teachers Association (SPTA) bilang tanda ng kanilang buong pusong pagtanggap sa responsibilidad na maging katuwang ng paaralan sa pagpapatupad ng mga programa at inisyatibong naglalayong mapaunlad ang kapakanan at kalidad ng edukasyon ng bawat mag-aaral.
Lubos na nagpapasalamat ang Heroesville Elementary School sa lahat ng mga magulang, tagapag-alaga, at mga opisyal ng SPTA sa kanilang aktibong pakikilahok at patuloy na suporta. Sa pamamagitan ng matibay na ugnayan ng paaralan, pamilya, at komunidad, sama-sama nating maisusulong ang isang mas malusog, ligtas, at dekalidad na edukasyon ng bawat mag-aaral ng ating paaralan.
15/07/2026
From the entire Heroesville Elementary School community, we warmly greet Secretary Sonny Angara a very Happy Birthday!
Wishing you a wonderful birthday filled with joy, good health, and abundant blessings. Thank you for your inspiring leadership, unwavering dedication, and commitment to advancing quality education.
Happy Birthday Sec. Sonny Angara from your SDO City of San Jose del Monte Family.
14/07/2026
π’ OPISYAL NA PABATID
Alinsunod sa DepEd Order No. 007, s. 2026 o DepEd Media Management Guidelines, ang opisyal na page ng Heroesville Elementary School ay na-update na ang pangalan bilang bahagi ng pagsunod sa itinakdang pamantayan ng Department of Education para sa mga opisyal na social media pages ng mga pampublikong paaralan.
πΉ MULA SA:
DepEd Tayo Heroesville Elementary School -162509
πΉ NGAYON AY:
DepEd Heroesville Elementary School
Ang pagbabagong ito ay isinagawa upang magkaroon ng mas malinaw, pare-pareho, at madaling makilalang opisyal na pangalan ng page ng ating paaralan.
Inaanyayahan namin ang lahat ng ating mga mag-aaral, magulang, alumni, g**o, at mga stakeholder na patuloy na i-follow, i-like, at ibahagi ang ating opisyal na page upang manatiling updated sa mga anunsyo, programa, aktibidad, at iba pang mahahalagang impormasyon ng Heroesville Elementary School.
Maraming salamat sa inyong patuloy na suporta at pakikiisa sa ating paaralan.
12/07/2026
ANNOUNCEMENT!
In accordance with the advisory of the City Government of San Jose del Monte, face-to-face classes are suspended on Monday, July 13, 2026.
To ensure the continuity of learning, Heroesville Elementary School will implement the Alternative Delivery Mode (ADM).
Parents and learners are advised to monitor their respective class group chats and other official learning platforms for instructions, video lessons, and learning activities from their teachers.
Thank you for your cooperation.
Please stay safe, and may God bless us all. π
Mga minamahal kong San JoseΓ±o at mga kapwa ko magulang, batid ko ang inyong pag-aalala kaya nais nating matiyak na ligtas ang bawat mag-aaral. Hindi natin itataya ang kaligtasan ng mga bata sa kanilang pagpasok sa paaralan sa gitna ng banta ng enhanced southwest monsoon o habagat at thunderstorm.
Dahil dito, suspendido muna ang Face-to-Face classes bukas, Lunes, July 13, 2026, sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan. Ipatutupad po ang Alternative Delivery Mode (ADM) upang ligtas na makapag-aral ang mga bata sa loob ng tahanan.
Manatili na muna tayo sa loob ng ating mga tahanan hanggaβt maari, ihanda ang mga pangunahing pangangailangan ng ating pamilya, at patuloy na subaybayan ang mga opisyal na abiso ng pamahalaan.
Nakaantabay at handang umalalay ang inyong City Government. Magdasal tayo para sa kaligtasan ng lahat.
Stay safe, San JoseΓ±os! π