Barangay Francisco Homes - Guijo, City of San Jose del Monte Bulacan
Official Page of Barangay Francisco Homes Guijo
31/07/2026
๐ข LIBRENG MOBILE DELAYED BIRTH REGISTRATION
Magandang araw, mga ka-Barangay!
Inaanyayahan po namin ang lahat na wala pang naipaparehistrong kapanganakan na samantalahin ang FREE Mobile Delayed Birth Registration na gaganapin sa ating barangay.
๐๏ธ Petsa: Agosto 5, 2026 (Miyerkules)
๐ Oras: 8:00 AM โ 3:00 PM
๐ Lugar: Barangay Francisco Homes Guijo
๐ Mga Requirements
A. Magdala ng kahit dalawang (2) dokumento mula sa mga sumusunod:
Baptismal Certificate
White Card mula sa Health Center
Medical Certificate (kung ipinanganak sa ospital o lying-in clinic)
Form 137 mula sa paaralan
Voter's Registration Record
Marriage Certificate ng mga magulang at ng registrant (kung kasal)
B. Bukod dito, kinakailangan ding dalhin ang mga sumusunod:
Barangay Certification na may nakasaad na pangalan at petsa ng kapanganakan ng registrant
Valid ID o National ID ng magulang o ng registrant
Isang (1) pirasong 2ร2 ID picture ng registrant
Kinakailangang present ang mga magulang ng magpaparehistro sa araw ng registration
๐ Paalala: Siguraduhing kumpleto ang mga dokumentong dadalhin upang mapabilis ang proseso ng inyong pagpaparehistro.
Maraming salamat po at inaasahan namin ang inyong pakikiisa!
31/07/2026
https://www.facebook.com/share/p/14pFGJX2Mwx/
๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐?
๐๐๐ค๐ฎ๐ง๐ ๐๐ง๐๐จ๐ซ๐ฌ๐๐ซ๐ฒ๐ #๐
Ang ๐๐๐๐จ๐ก๐๐จ-๐๐ช๐๐๐ก๐ก๐ ๐๐ช๐ฅ๐ฅ๐ก๐๐ข๐๐ฃ๐ฉ๐๐ก ๐๐ข๐ข๐ช๐ฃ๐๐ฏ๐๐ฉ๐๐ค๐ฃ ๐ผ๐๐ฉ๐๐ซ๐๐ฉ๐ฎ (๐๐ ๐๐๐ผ) ay isang kampanya ng Department of Health (DOH) na naglalayong mabigyan ng karagdagang proteksyon ang mga batang nasa target na edad laban sa Tigdas (Measles) at Rubella (German Measles).
Kasabay rin ng MR SIA ang Vitamin A Supplementation, na tumutulong sa:
๐ Pagpapalakas ng resistensya ng mga bata;
๐ Pagpapanatili ng malusog na paningin;
๐ Pagsuporta sa tamang paglaki at pag-unlad; at
๐ Pagbawas ng panganib ng malubhang komplikasyon mula sa mga impeksyon.
Kahit nakatanggap na ng bakuna ang isang bata, mahalagang makilahok pa rin sa MR SIA upang matiyak na mas maraming bata ang magkakaroon ng sapat na proteksyon at maiwasan ang pagkalat ng mga sakit na ito sa komunidad.
Pabakunahan ang inyong mga anak laban sa Rubella. Ang kumpletong bakuna ay susi sa pagprotekta sa bawat bata at sa buong komunidad laban sa mga sakit na maiiwasan sa pamamagitan ng pagbabakuna.
Abangan ang susunod na mga โAlam Mo Ba? Bakuna InfoSeryeโ para sa mahahalagang impormasyon tungkol sa MR SIA at Vitamin A Supplementation.
31/07/2026
๐ข PABATID SA MGA MAGULANG AT TAGAPAG-ALAGA
Ang Barangay Health Workers (BHWs) ng Barangay Francisco Homes Guijo ay magsasagawa ng bahay-bahay na pag-iikot sa Miyerkules, Agosto 5, 2026, simula 1:00 ng hapon, upang bisitahin ang mga kabahayan na may mga batang 6 na buwan hanggang 59 na buwan (6 mosโ59 mos) taong gulang.
Layunin nito ang pagbibigay ng Measles-Rubella (MR) Vaccine sa ilalim ng Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR-SIA) upang maprotektahan ang ating mga anak laban sa tigdas at rubella.
๐ Kasabay na rin ang immunization posting sa Daycare Center, kung saan maaaring dalhin ng mga magulang ang kanilang mga anak upang mabakunahan.
โ
Hinihikayat ang lahat ng magulang at tagapag-alaga na makiisa at ihanda ang inyong mga anak sa oras ng pagbisita ng ating Barangay Health Workers at dalhin sila sa Daycare Center.
Sama-sama nating pangalagaan ang kalusugan ng ating mga anak. Magpabakuna. Ligtas ang bakuna, ligtas ang bata!
-SIA
28/07/2026
Para po sa mas pinalawak na customer convenience, magbubukas na po ang ating Customer Service at Payment Center sa SM City San Jose del Monte sa mga susunod na araw. See you po!
28/07/2026
Mga paalala at gabay tungkol po sa ilang serbisyo na maipapaabot namin sa inyo.
27/07/2026
๐ Maligayang Kaarawan, Hon. Celso A. Apatan! ๐
Taos-puso naming ipinapaabot ang aming pagbati sa inyong kaarawan. Maraming salamat sa inyong tapat na pamumuno, dedikasyon, at malasakit sa mga mamamayan ng Barangay Francisco Homes Guijo.
Nawa'y patuloy kayong pagpalain ng mabuting kalusugan, karunungan, at lakas upang maipagpatuloy ang inyong mahusay na paglilingkod sa ating komunidad.
Maligayang Kaarawan at mabuhay po kayo! ๐๐
๐ข PAUNAWA AT PAGHINGI NG PAUMANHIN
Magalang po naming hinihingi ang inyong pang-unawa at paumanhin, lalo na sa ating mga residente ng Phase I at Phase J, kaugnay ng pansamantalang pagkawala ng mga street lights sa inyong lugar.
Nais po naming ipabatid na ang mga kinakailangang kable para sa pagpapalit at pagkukumpuni ng mga street lights ay na-order na at kasalukuyan pa lamang naming hinihintay ang pagdating ng mga ito. Kaagad po naming isasagawa ang pagkukumpuni at muling pagpapailaw sa sandaling dumating ang mga materyales.
Maraming salamat po sa inyong pasensya, pang-unawa, at patuloy na pakikiisa habang isinasagawa ang mga kinakailangang hakbang upang maibalik ang maayos na serbisyo.
Mula sa Sangguniang Barangay at sa pamumuno ng ating Punong Barangay Celso Boy Apatan marami pong salamat.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Contact the school
Telephone
Address
San Jose Del Monte
3023