18/06/2023
Magandang buhay Heighteners!
Halina't ating tunghayan ang inihandang presentasyon ng Supreme Secondary Learners Government (SSLG) para sa ating mga dakilang Ama. Happy Father's Day!
Ama,
Tatlong letra at iisang salita,
Salitang sumisimbolo ng iyong pagkadakila
Salitang ikaw lang ang maipapakilala.
Haligi,
Ikaw ang haligi na hindi mapapalitan,
Ikaw ang ama na suporta ko sa bawat laban,
Ikaw ang magulang na hindi nagpakita ng kahinaan
Hanga ako sa iyong kalakasan.
Salamat papa
Sa pagmamahal at bawat suporta
Sa bawat ginagawa ko ikaw ang lagi kong inspirasyon,
Inspirasyon na lumaban at umahon.
Hindi maikukumpara,
Ang pagiging dakila ng aking nagiisang ama,
Ang pagiging matapang nasa kaniya ko nadala,
Na sa ngayon ako'y malaki na misyon ko ng mahalin siya at gawing mahalaga.
Mas mahalaga sa pera,
Ang pagmamahal ng isang tunay na pamilya
Pamilya na katulong mo sa iyong problema
Pamilya na lubos kung magmahal katulad ni papa.
Sa tuwing ako ay may problema, yakap at payo niya saaki'y nagpapakalma.
Pagsusumikap niya'y hindi matutumbasan, minsa'y ginagawang umaga ang gabi para sa maganda naming kinabukasan.
Isang taong napakahalaga, walang katumbas at minamahal ko nang sobra-sobra.
Pagmamahal niyang walang hanggan at walang makakapantay ni sino man.
Lagi ring nandiyan kapag aking kailangan.
Nandiyan din para gumabay sa aking bawat hakbang, kaya siya'y aking lubos na hinahangaan.
Ama, Tatay, Daddy, Papa, Itay, Tatang, mga madalas na tawag sakanila, mga amang maituturing na bayani, at higit na dakila sa mga nakararami.