14/03/2025
Magandang gabi, mga manunulat📝
Kami ay labis na natutuwang ipaalam na napakaraming kwento ang inyong na-submit! Ang inyong mga ideya ay talagang nagbibigay-inspirasyon at nakakaenjoy basahin 📚✨ Gayunpaman, nais naming humingi ng kaunting pasensya, dahil ang proseso ng pagpili ng mga nanalo ay madedelay ng anunsyo
Huwag kayong mag-alala, ipapaalam namin agad ang mga nanalo sa lalong madaling panahon.✨
Salamat sa inyong pasensya at suporta at magpatuloy sa paglikha📚✨
10/03/2025
Magandang gabi sa ating lahat, may mahalagang iaanunsyo ang likha club. Maeextend ang pasahan ng story ng mga writer at ipapasa ito sa page na ito sa araw ng Martes March 11, 2025 hanggang 12pm
06/03/2025
Grade 9 Representatives
Aristotle
1.
2.
Confucius
1.
2.
Marx
1.
2.
Socrates
1.
2.
Machiavelli
1.
2.
Category
1. Women's month
2. Bahala na si Author kung anong story ang kanilang gagawin
06/03/2025
Grade 10 Representatives
Cerulean
1.
2. ✔️
Azure
1.
2.
Cobalt
1.
2.
Sapphire
1.✔️
2.✔️
Cyan
1. ✔️
2.
Category:
1. Women's Month
2. Bahala na si Author kung anong gusto nilang Story
05/03/2025
📢 Pambansang Paligsahan sa Pagsulat ng Filipino Club! 📢
Magandang araw, mga manunulat! ✨
Handa na ba kayong ipakita ang inyong talento? Inaanyayahan ng Filipino Club ang lahat ng estudyante mula Grade 7 hanggang Grade 10 na sumali sa aming paligsahan sa pagsulat! Dalawang kinatawan kada section ang kailangan.
Ano ang gagawin?
Kinatawan 1: Isang kwentong nagpapakita ng katatagan at tapang ng kababaihan para sa Buwan ng Kababaihan. 💪
Kinatawan 2: Malaya ang genre at paksa! Ipakita ang inyong pagkamalikhain! 💫
Bonus: Ang bawat kinatawan ay dapat gumawa ng cover photo para sa inyong kwento (text-based o digital art)! 🖼️
Mga Dapat Tandaan:
Originalidad: Bawal ang pagkopya! Kumuha lang ng inspirasyon, huwag kopya-paste. 😉
Wastong Wika: Gamitin ang magagandang salita! Iwasan ang mga masasakit o malaswang salita.
Pribasiya: Huwag gamitin ang totoong pangalan ng tao nang walang pahintulot.
Mga Gantimpala:
Top 1-3: Sertipiko at dagdag puntos sa Filipino! 🎉
Paano Sumali:
I-submit ang inyong gawa sa PDF format (font size 16, Canva Sans font). Tanungin lang kami para sa layout.
Magpalista sa Cerulean pagkatapos ng klase, o mag-message sa aming official page ng LIKHA CLUB!
Tara na at sumali! Ipakita ang inyong husay sa pagsusulat! ✍️
18/02/2025
Napakagandang mensahe mula sa isang estudyante na nagpahayag ng kaniyang pasasalamat at pagmamahal sa kanyang mga magulang. Kitang kita ang kanyang effort para lang ipamalas ang kanyang nararamdaman sa pamamagitan ng pagsulat sa ating ngl.
Kahit na hindi mo ito masabi sa iyong minamahal ng direkta, alam kong proud ang mga magulang mo sa iyo!
17/02/2025
FEBRUARY 17 2025
Magandang Gabi!
Heto ang NGL ngayong araw, mula sa mga estudyante ng Mulawin National Highschool✨️
Lahat sila ay nagpakita ng Gratitude at naipahayag ang kanilang gustong sabihin sa kanilang mga mahal sa buhay o sa kanilang mga kaibigan sa pamamagitan lamang ng pagsulat.
Kahit na kayo man ay nahihiyang sabihin ang mga ito ng direkta, alam ko namang naipapakita ninyo ang pagmamahal niyo sa inyong pagkilos at pagtrato sa kanila.
Salamat sa mga nag share at nagbigay ng pasasalamat sa kanilang mga mahal sa buhay/kaibigan, alam kong magkakaroon din kayo ng lakas ng loob para masabi ang mga salitang nasa kaloob-looban ng iyong puso.
17/02/2025
"Kahit tapos na ang Valentines, di pa rin mawawala ang diwa ng pagmamahal ng bawat isa"
-Filipino Club
Maaari kayong mag post ng message sa ngl patungkol sa pasasalamat o pagpapakita ng pagmamahal sa tao kung hindi ninyo ito masabi ng direkta sa inyong minamahal.
Maaaring maikli lamang ang gawin o mahabang pagsasalaysay patungkol sa iyong minamahal. Depende kung paano niyo ipapakita ang inyong pasasalamat/pagmamahal sa tao na iyon.
At bukod pa doon, bawal mag post patungkol sa panlalait o kahit anumang salita na nakaka diskrimina sa taong inyong susulatan. Dahil patungkol ito sa pagpapakita ng pagmamahal hindi pagpapakita ng panlalait sa iba. (Counted yon as Cyberbullying kaya wag nyo pong gagawin)
Ang ngl po namin ay hanggang FRIDAY, February 21 2025. Pwede na kayong mag isip ng iyong mga sasabihin. Pwede kayo gumawa ng PORMAL o IMPORMAL na letter (pero bawal ang mga salitang nakakasakit)
Maligayang Araw sa lahat🎀
Anonymous messages!
Anonymous messages!