19/09/2026
๐๐๐ซ๐ ๐๐๐๐ ๐
๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐
๐๐๐ฃ๐๐๐ ๐๐ โ๐๐๐๐ ๐๐ ๐กโ๐ ๐๐ข๐๐๐ ๐๐ ๐กโ๐ ๐ป๐๐๐ฆ ๐
๐๐ ๐๐๐ฆ, ๐๐ข๐ ๐ฟ๐๐๐ฆ ๐๐ ๐ฟ๐ ๐๐๐ฃ๐๐
Ang buong pamilyang Siena ay inaanyahan ang lahat sa nalalapit na ika-tatlumpu't tatlong taon ng debosyon sa ating Mahal na Birhen, Ina ng Santo Rosaryo, ang Family Rosary Crusade (FRC). Ang ating FRC ay mag-uumpisa sa ika-30 ng Setyembre, 2026 (Traslacion) hanggang ika-10 ng Oktubre, 2026.
Ang tema ng ating FRC ngayong taon ay "Inang Maria: Buklod ng Pamilya sa Pananampalataya at Kapayapaan."
Sa panahong patuloy nating nasasaksihan ang kaguluhan at karahasan sa ibaโt ibang panig ng mundo, higit na kailangan ang pagkakaisa at kapayapaang nagmumula sa pananampalataya. Ang ating Inang Maria ay ating huwaran at halimbawa ng ganap na pagtitiwala sa Diyos at tagapamagitan na umaakay sa atin palapit kay Hesus, ang bukal ng tunay na kapayapaan. Bilang Ina, ipinapaalala niya sa atin ang kahalagahan ng panalangin, pagpapatawad, at pagmamahalan sa ating mga pamilya, lalo na sa panahon ng pagsubok at pagkakawatak-watak.
Mahal na Ina ng Santo Rosaryo, Birhen ng La Naval,
ipanalangin mo kami sa iyong anak na si Hesus.