03/10/2026
๐๐๐๐ฃ๐ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ: ๐ฃ๐ฎ๐ด๐ฝ๐๐ฝ๐๐ด๐ฎ๐ ๐๐ฎ ๐บ๐ด๐ฎ ๐๐ฎ๐บ๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐๐ฎ๐ฎ๐ด๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ ๐๐ฎ ๐ง๐ฎ๐ด๐๐บ๐ฝ๐ฎ๐
Sa bawat taludtod, hinahanap ang bawat salitang kayang magbigay-hugis sa mga wangis o anyo sa likod ng pisara na hindi kayang sabihin ng mga payak na salita.
Sila ang mga nasa ilalim ng mga nakaarkong kilay o โdi naman kayaโy mga ngiting nagliliwanag. Sa isang kuwento, sila ang bidang nakatayong matatag. Bawat makabuluhang salitang isinasambit ay tila agos na tumatangay sa kaisipan ng mga nakaupong walang muwang.
Sila ang humahawak sa mga kamay ng mga musmos na Juan sa daang puno ng mga yapak na walang kasiguraduhan. Higit pa sa dugong nag-uugnay, ang wagas nilang dedikasyon ay humuhubog hindi lamang ng kaisipan, kundi pati ng buhay na aakay sa mga dalisay na pangarap ng mga mag-aaral.
Kaya kung sakali mang mabigyan ang bawat isa ng pagkakataong buklatin ang mga pahinang pinagsulatan ng mga estudyante para sa mga g**o, makikita ng kanilang dalawang mata kung gaano kaganda ang mundong ipinapakita ng kanilang puso at tinig sa bawat estudyanteng prenteng nakikinig sa kanilang harapan.
๐จ๐ป๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ต๐ถ๐ป๐ฎ: ๐๐ป๐ด ๐ด๐๐บ๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ ๐๐ฎ ๐บ๐ด๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ฎ ๐๐๐ป๐ด๐ผ ๐๐ฎ ๐๐ฎ๐ด๐๐บ๐ฝ๐ฎ๐.
Sa bawat pagdampi ng dulo ng pluma sa mga papel, may mga salitang pilit na hinahanap upang maipinta ang isang pasasalamat na hindi sumasapat sa karaniwang kataga. Sa bawat kahig ng mga letra ay pagtangkang ipaalam kung gaano kagaan ang buhay kapag nariyan ang mga g**o. Sila ang umaagapay at gumagabay na tila hindi sapat ang salita para ilarawan ang mga bagay na hindi kayang sambitin nang harapanโang paghanga, pagkilala, at respeto sa mga maestrong tumatayo sa harap ng pisara upang gumabay patungo sa pagkatuto.
Higit sila sa isang propesyonโisa rin silang magulang na saksi sa paglaki ng mga kabataan. Hinuhubog ang mga isipang salat sa kasanayan, kasabay ng pagtuklas ng kanilang kakayahan. Sa likod ng bawat doktor, inhinyero, siyentipiko, at maging kapwa g**o, naroon silang minsang umaalalay sa unang hakbang ng kanilang pagkatuto.
๐๐ธ๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ต๐ถ๐ป๐ฎ: ๐๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ธ๐ฟ๐ถ๐ฝ๐ถ๐๐๐ผ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ถ๐๐๐ด๐ฎ๐น ๐ป๐ถ๐น๐ฎ ๐๐ฎ ๐น๐ถ๐ฏ๐ผ-๐น๐ถ๐ฏ๐ผ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ฑ๐๐ฑ๐๐ฑ๐ฎ.
Hindi gaanong nakikita sa bawat kuwentong naibabahagi ang mga gawaing binubuo, mga araling sinusuri, mga presentasyong pinaghahandaan, at ang mga ginugugol ng isipan gabi-gabi na tanging ang buwan ang nagiging kanlungan upang makapagsimula ng umaga nang may ngiti sa mga labi.
Naroroon pa rin sila.
Nagpapatuloy sa kabila ng mga pagsubok na pinagdaraanan, isinasantabi ang mga pagtatanong ng isipan, at walang humpay na sinisindihan ang minsang nauupos na mga nag-aalab na puso para magsilbi at magturo sa mga kabataan.
Kaya, mga maestroโt maestrang patuloy na nagiging inspirasyon ng bawat kabataan para magpatuloy, magpasikhay, at mas lalo pang magpakahusayโpagpupugay sa inyong lahat.
Malinaw sa kaibuturan ng puso ng mga mag-aaral na hindi lamang ito simpleng serbisyong kailangang mapanindigan, bagkus isang minimithing pangarap na binuo ng inyong mumunting isip noong kayo ay nagsisimula pa lamang. Hindi lang ang kabataan ang pag-asa ng bayan, sapagkat ang mga g**o rin ay isa sa mga bahaging nagbibigay ng pag-asa sa kabataan.
๐๐ธ๐ฎ๐๐น๐ผ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ต๐ถ๐ป๐ฎ: ๐๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ต๐ฎ๐ต๐ฎ๐ป๐ฑ๐ฎ ๐๐ฎ ๐ธ๐ถ๐ป๐ฎ๐ฏ๐๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐ป.
Darating ang panahon na ang mga mistulang prenteng nakaupo lamang sa kanilang mga silya ay magiging tulad din ng mga g**ong tumitindig nang matuwid at may paninindigan sa serbisyong sinumpaan. Isa-isang makakamit ang mga pangarap na minsang ibinahagi sa loob ng apat na sulok ng silid-aralan.
Nariyan ang mga pagkakataong liliparin na sa kanilang mga alaala ang bawat aralin, ang mga mabababang markang nakukuha, ang gantimpala sa mga pagsusulit, ngunit nananatili sa sisidlan ng kanilang pusoโt isipan ang isang bagayโ
Ang mga g**ong tumayong ina at ama sa pangalawang tahanan.
Kayo ang pangalawang naniwala sa kakayahan ng bawat kabataan, pangalawang nanatili kahit binabatikos na ng mga unos at pagdududa.
Kayo ang mga g**ong mahigpit ang kapit sa pag-alalay upang hindi maligaw ang bawat isa sa tinatahak na daan tungo sa pag-abot ng pangarap at kinabukasan.
Kaya naman, bago pa makalipat ang pluma sa susunod na mga taludtod at matagumpay na makarating sa pinakahuling pahina, nasulat na ng mga estudyante ang salitang โAming g**o, maraming salamat, mahal kita,โ sapagkat higit pa sa isang selebrasyon, nahuhubog ang pagmamahal na handog sa bawat mag-aaral kahit saan mang panig ng mundo.
Lalo lamang lumilinaw sa bawat gunita ng mga estudyante na hindi lamang sa simpleng pagsulat nila nananatili ang lahat ng mga damdaming nais ipabatid upang maramdaman ng bawat g**o ang pasasalamatโkundi upang makuha ang pagkakataong makita ng bawat isa ang sarili sa paraang matagal na nilang nakikita.
Sa huling tuldok ng natitirang tinta, isang pagbati at pagpupugayโโ๐ ๐ฎ๐น๐ถ๐ด๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ฑ๐ถ๐ฟ๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐บ๐ด๐ฎ ๐ด๐๐ฟ๐ผ.โ
Pagbati at pasasalamat mula sa FCPC Press Corps!