Kilusang Humanista - SPNHS SHS

Kilusang Humanista - SPNHS SHS PANININDIGAN • SERBISYO • KATAPATAN Naglalayon din kami na makatulong sa mga kalapit na komunidad sa pamamagitan ng mga proyektong aming ilulunsad.

The official organization made to serve, inspire, and empower the Humanities and Social Sciences (HUMSS) learners of Sapang Palay National Highschool – Senior Highschool. 𝗠𝗶𝘀𝘀𝗶𝗼𝗻
Layon ng organisasyon ang makatulong sa lahat ng estudyante, hindi lamang sa kapwa humanista, kun 'di sa lahat ng mag-aaral ng Sapang Palay National High School. Makapagbigay ng sapat o higit pang mga impormasyon para sa ikabubuti ng bawat isa. Mahubog at maibahagi ang mga talino't talento ng bawat mag-aaral na karapat- dapat na pagtuunan. Ang mga opisyal at komite ng organisasyon ay gagawin ang lahat para matagumpay na magampanan ang mga responsibilidad na nakaatas sa bawat isa upang mahubog ang kakayahan at sarili ng isang Humanista gamit ang kolektibong paggawa.

𝗩𝗶𝘀𝗶𝗼𝗻
Ang Kilusang Humanista ay may hangarin na hubugin ang mga estudyante ng Sapang Palay National High School tungo sa pagiging progresibo't mulat sa kaganapan ng komunidad at lipunan. May layunin na makamit ang kabuuang pag-iral ng pakikiisa, paggawa, at positibong pakikisangkot na s'yang ikauunlad ng sarili na hindi nalilimitahan ang karapatan at kalayaan ng mga nakapaligid sa kaniya. Magiging tagapag-ugnay at kasangga ng mga mag-aaaral ng Sapang Palay National High School at ng masa sa pag-abot sa pagbabago sa sarili, paaralan, at lipunan.

𝐈𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐞𝐬𝐩𝐞𝐬𝐲𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐚𝐫𝐚𝐰 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐢𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐞𝐬𝐩𝐞𝐬𝐲𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐥𝐢𝐝𝐞𝐫! 𝐌𝐚𝐥𝐢𝐠𝐚𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐚𝐫𝐚𝐰𝐚𝐧 sa ating minamahal na Punongg**o, 𝐌𝐚’𝐚𝐦 𝐈𝐫𝐧𝐚...
30/09/2026

𝐈𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐞𝐬𝐩𝐞𝐬𝐲𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐚𝐫𝐚𝐰 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐢𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐞𝐬𝐩𝐞𝐬𝐲𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐥𝐢𝐝𝐞𝐫!

𝐌𝐚𝐥𝐢𝐠𝐚𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐚𝐫𝐚𝐰𝐚𝐧 sa ating minamahal na Punongg**o, 𝐌𝐚’𝐚𝐦 𝐈𝐫𝐧𝐚 𝐃. 𝐌𝐞𝐣𝐢𝐚! 🎂

Sa pagdiriwang ng inyong kaarawan, buong-pusong pagbati at pasasalamat ang hatid ng buong 𝐤𝐨𝐦𝐮𝐧𝐢𝐝𝐚𝐝 𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐚𝐫𝐚𝐥𝐚𝐧. Ang inyong dedikasyon, malasakit, at patuloy na paggabay ay nagsisilbing inspirasyon sa ating mga g**o, mag-aaral, at kawani.

Sa inyong pamumuno, patuloy ninyong ipinapakita ang kahalagahan ng 𝐩𝐚𝐠𝐢𝐠𝐢𝐧𝐠 𝐫𝐞𝐬𝐩𝐨𝐧𝐬𝐚𝐛𝐥𝐞, 𝐦𝐚𝐬𝐢𝐩𝐚𝐠, 𝐚𝐭 𝐦𝐚𝐲 𝐦𝐚𝐥𝐚𝐬𝐚𝐤𝐢𝐭 𝐬𝐚 𝐛𝐚𝐰𝐚𝐭 𝐢𝐬𝐚. Ang inyong mga payo at suporta ay malaking bahagi ng paghubog sa ating paaralan bilang isang komunidad na may pagkakaisa at layuning umunlad.
Nawa’y ang panibagong taon ng inyong buhay ay mapuno ng 𝐤𝐚𝐥𝐢𝐠𝐚𝐲𝐚𝐡𝐚𝐧, 𝐦𝐚𝐛𝐮𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐥𝐮𝐬𝐮𝐠𝐚𝐧, 𝐭𝐚𝐠𝐮𝐦𝐩𝐚𝐲, 𝐩𝐚𝐠𝐦𝐚𝐦𝐚𝐡𝐚𝐥, 𝐚𝐭 𝐰𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐡𝐚𝐧𝐠𝐠𝐚𝐧𝐠 𝐛𝐢𝐲𝐚𝐲𝐚. Nawa’y patuloy kayong bigyan ng lakas at karunungan upang maisakatuparan ang inyong mga hangarin para sa ating paaralan at sa bawat mag-aaral.

𝐌𝐮𝐥𝐢, 𝐢𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐥𝐢𝐠𝐚𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐚𝐫𝐚𝐰𝐚𝐧, 𝐌𝐚’𝐚𝐦 𝐈𝐫𝐧𝐚 𝐃. 𝐌𝐞𝐣𝐢𝐚! Nawa’y maging makabuluhan, masaya, at puno ng masasayang alaala ang inyong espesyal na araw. 💐

𝐌𝐮𝐥𝐚 𝐬𝐚 𝐢𝐧𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐛𝐮𝐨𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐦𝐢𝐥𝐲𝐚 𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐚𝐫𝐚𝐥𝐚𝐧, 𝐦𝐚𝐫𝐚𝐦𝐢𝐧𝐠 𝐬𝐚𝐥𝐚𝐦𝐚𝐭 𝐬𝐚 𝐢𝐧𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐰𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐬𝐚𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐥𝐢𝐥𝐢𝐧𝐠𝐤𝐨𝐝 𝐚𝐭 𝐩𝐚𝐠𝐠𝐚𝐛𝐚𝐲.

𝘔𝘨𝘢 𝘴𝘢𝘭𝘪𝘵𝘢 𝘯𝘪: 𝘌𝘭𝘪𝘬𝘩𝘢𝘺𝘢 / 𝘐𝘯𝘧𝘰𝘳𝘮𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯 𝘊𝘰𝘮𝘮𝘪𝘵𝘵𝘦𝘦
𝘋𝘪𝘣𝘶𝘩𝘰 𝘯𝘪: 𝘊𝘩𝘭𝘰𝘦 𝘉𝘢𝘳𝘳𝘢𝘮𝘦𝘥𝘢 / 𝘔𝘶𝘭𝘵𝘪-𝘛𝘦𝘤𝘩 𝘊𝘰𝘮𝘮𝘪𝘵𝘵𝘦𝘦

𝘽𝘼𝙍𝘼𝙉𝙂𝘼𝙔 𝙃𝙐𝙈𝘼𝙉𝙄𝙎𝙏𝙊𝙍𝙄𝙀𝙎: 𝙈𝙂𝘼 𝙆𝙐𝙒𝙀𝙉𝙏𝙊𝙉𝙂 𝙉𝘼𝙂-𝙄𝙒𝘼𝙉 𝙉𝙂 𝙏𝘼𝙉𝘿𝘼 📖🎙️ May mga g**ong hindi lamang nagturo ng aralin, kundi naging ...
27/09/2026

𝘽𝘼𝙍𝘼𝙉𝙂𝘼𝙔 𝙃𝙐𝙈𝘼𝙉𝙄𝙎𝙏𝙊𝙍𝙄𝙀𝙎: 𝙈𝙂𝘼 𝙆𝙐𝙒𝙀𝙉𝙏𝙊𝙉𝙂 𝙉𝘼𝙂-𝙄𝙒𝘼𝙉 𝙉𝙂 𝙏𝘼𝙉𝘿𝘼 📖🎙️

May mga g**ong hindi lamang nagturo ng aralin, kundi naging bahagi ng mga 𝙠𝙪𝙬𝙚𝙣𝙩𝙤𝙣𝙜 𝙝𝙞𝙣𝙙𝙞 𝙣𝙖𝙩𝙞𝙣 𝙢𝙖𝙙𝙖𝙡𝙞𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙡𝙞𝙡𝙞𝙢𝙪𝙩𝙖𝙣. Sa bawat payo, tawanan, at simpleng sandali, may mga alaalang unti-unting humuhubog sa kung sino tayo ngayon. 🌻

Ngayong paparating na 𝙏𝙚𝙖𝙘𝙝𝙚𝙧𝙨’ 𝘿𝙖𝙮, bibigyang-buhay ng 𝙆𝙞𝙡𝙪𝙨𝙖𝙣𝙜 𝙃𝙪𝙢𝙖𝙣𝙞𝙨𝙩𝙖 ang mga kuwentong ito sa pamamagitan ng 𝘽𝙖𝙧𝙖𝙣𝙜𝙖𝙮 𝙃𝙐𝙈𝘼𝙉𝙄𝙨𝙩𝙤𝙧𝙞𝙚𝙨: 𝘼 𝙏𝙚𝙖𝙘𝙝𝙚𝙧𝙨’ 𝘿𝙖𝙮 𝙎𝙥𝙚𝙘𝙞𝙖𝙡—isang podcast na naglalayong iparinig ang mga tinig ng ating mga HUMSS/ASSH students habang ibinabahagi ang kanilang 𝙥𝙞𝙣𝙖𝙠𝙖𝙢𝙚𝙢𝙤𝙧𝙖𝙗𝙡𝙚 𝙣𝙖 𝙠𝙖𝙧𝙖𝙣𝙖𝙨𝙖𝙣, 𝙢𝙚𝙣𝙨𝙖𝙝𝙚, 𝙖𝙩 𝙥𝙖𝙨𝙖𝙨𝙖𝙡𝙖𝙢𝙖𝙩 para sa kanilang mga g**o.

Sapagkat sa likod ng bawat estudyanteng natutong mangarap, may g**ong minsang naniwala sa kanila. Sa likod ng bawat aral, may g**ong naglaan ng oras, tiyaga, at puso. 💛
𝙄𝙨𝙖𝙣𝙜 𝙠𝙪𝙬𝙚𝙣𝙩𝙤. 𝙄𝙨𝙖𝙣𝙜 𝙖𝙡𝙖𝙖𝙡𝙖. 𝙄𝙨𝙖𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙨𝙖𝙨𝙖𝙡𝙖𝙢𝙖𝙩. Para sa mga g**ong hindi lamang nagturo, kundi nag-iwan ng marka. 🌻

📌 𝙆𝙤𝙡𝙚𝙠𝙨𝙮𝙤𝙣 𝙣𝙜 𝙢𝙜𝙖 𝙆𝙪𝙬𝙚𝙣𝙩𝙤:
Setyembre 27–28, 2026

📌 𝙋𝙖𝙜-𝙪𝙥𝙡𝙤𝙖𝙙 𝙣𝙜 𝙢𝙜𝙖 𝙆𝙪𝙬𝙚𝙣𝙩𝙤:
Oktubre 1–5, 2026

𝙉𝙖𝙞𝙨 𝙢𝙤 𝙗𝙖𝙣𝙜 𝙞𝙗𝙖𝙝𝙖𝙜𝙞 𝙖𝙣𝙜 𝙞𝙮𝙤𝙣𝙜 𝙠𝙪𝙬𝙚𝙣𝙩𝙤? 𝙄-𝙘𝙡𝙞𝙘𝙠 𝙖𝙣𝙜 𝙡𝙞𝙣𝙠 𝙨𝙖 𝙞𝙗𝙖𝙗𝙖 𝙖𝙩 𝙞𝙥𝙖𝙧𝙞𝙣𝙞𝙜 𝙖𝙣𝙜 𝙞𝙮𝙤𝙣𝙜 𝙩𝙞𝙣𝙞𝙜! 🎙️
https://forms.gle/njb3crADMVGy2VPR6

𝘔𝘨𝘢 𝘚𝘢𝘭𝘪𝘵𝘢 𝘯𝘪𝘯𝘢: 𝘔𝘢𝘳𝘒𝘢𝘵𝘩𝘢
𝘋𝘪𝘣𝘶𝘩𝘰 𝘯𝘪: 𝘝𝘳𝘪𝘤𝘬𝘻 𝘗𝘦𝘳𝘢𝘭𝘵𝘢

🎉 𝑴𝑨𝑳𝑼𝑮𝑶𝑫 𝑵𝑨 𝑷𝑨𝑮𝑩𝑨𝑻𝑰 𝑺𝑨 𝑴𝑮𝑨 𝑵𝑨𝑮𝑾𝑨𝑮𝑰 𝑺𝑨 𝑻𝑨𝑮𝑰𝑺𝑨𝑵𝑮 𝑫𝑨𝑮𝑳𝑰: 𝑾𝑨𝑳𝑨𝑵𝑮 𝑲𝑨𝑯𝑨𝑵𝑫𝑨𝑨𝑵𝑮 𝑻𝑨𝑳𝑼𝑴𝑷𝑨𝑻𝑰! 🎉Isang taos-pusong pagbati sa mga na...
10/09/2026

🎉 𝑴𝑨𝑳𝑼𝑮𝑶𝑫 𝑵𝑨 𝑷𝑨𝑮𝑩𝑨𝑻𝑰 𝑺𝑨 𝑴𝑮𝑨 𝑵𝑨𝑮𝑾𝑨𝑮𝑰 𝑺𝑨 𝑻𝑨𝑮𝑰𝑺𝑨𝑵𝑮 𝑫𝑨𝑮𝑳𝑰: 𝑾𝑨𝑳𝑨𝑵𝑮 𝑲𝑨𝑯𝑨𝑵𝑫𝑨𝑨𝑵𝑮 𝑻𝑨𝑳𝑼𝑴𝑷𝑨𝑻𝑰! 🎉

Isang taos-pusong pagbati sa mga natatanging mag-aaral na nagpamalas ng kahusayan, tapang, at kaalaman sa 𝑻𝒂𝒈𝒊𝒔𝒂𝒏𝒈 𝑫𝒂𝒈𝒍𝒊: 𝑾𝒂𝒍𝒂𝒏𝒈 𝑲𝒂𝒉𝒂𝒏𝒅𝒂𝒂𝒏𝒈 𝑻𝒂𝒍𝒖𝒎𝒑𝒂𝒕𝒊. Sa kabila ng limitadong oras na paghahanda ipinakita ninyo ang inyong paninindigan, kumpiyansa, at galing sa paglalahad ng inyong mga opinyon.

Pagbati sa mga nagwagi:

🏆 𝑲𝒂𝒎𝒑𝒆𝒐𝒏
𝑱𝒊𝒂𝒏𝒏𝒂 𝑭𝒂𝒊𝒕𝒉 𝑬. 𝑷𝒂𝒏𝒕𝒓𝒐𝒑𝒊𝒔

🥈 𝑷𝒂𝒏𝒈𝒂𝒍𝒂𝒘𝒂𝒏𝒈 𝑮𝒂𝒏𝒕𝒊𝒎𝒑𝒂𝒍𝒂
𝑫𝒊𝒂𝒏𝒂 𝑴𝒂𝒓𝒊𝒆 𝑴. 𝑩𝒂𝒍𝒎𝒆𝒔

🥉 𝑷𝒂𝒏𝒈𝒂𝒕𝒍𝒐𝒏𝒈 𝑮𝒂𝒏𝒕𝒊𝒎𝒑𝒂𝒍𝒂
𝑷𝒓𝒊𝒏𝒄𝒆𝒔𝒔 𝑳𝒐𝒓𝒂𝒊𝒏 𝑷. 𝑷𝒂𝒔𝒕𝒆𝒓𝒂

Ang inyong tagumpay ay bunga ng sipag, dedikasyon, at lakas ng loob na humarap at magsalita nang buong puso. Nawa’y magsilbi itong inspirasyon sa iba pang mga Humanista na patuloy na linangin ang kanilang talento at ipahayag ang kanilang boses.

Mula sa buong Kilusang Humanista, kami ay lubos na ipinagmamalaki ang inyong tagumpay. Patuloy ninyong ipakita ang husay at diwang Humanista sa bawat pagkakataon.

𝑴𝒖𝒍𝒊, 𝒎𝒂𝒍𝒖𝒈𝒐𝒅 𝒏𝒂 𝒑𝒂𝒈𝒃𝒂𝒕𝒊 𝒔𝒂 𝒊𝒏𝒚𝒐𝒏𝒈 𝒍𝒂𝒉𝒂𝒕!🎊

𝘔𝘨𝘢 𝘴𝘢𝘭𝘪𝘵𝘢 𝘯𝘪: 𝘌𝘭𝘭𝘦 𝘡𝘺𝘳𝘢 𝘕𝘰𝘵𝘰𝘳𝘪𝘰 | 𝘐𝘯𝘧𝘰𝘳𝘮𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯 𝘊𝘰𝘮𝘮𝘪𝘵𝘵𝘦𝘦 𝘔𝘦𝘮𝘣𝘦𝘳
𝘋𝘪𝘣𝘶𝘩𝘰 𝘯𝘪: 𝘈𝘴𝘢𝘪𝘢𝘩 𝘠𝘰𝘶𝘴𝘶𝘧 𝘚𝘶𝘭𝘵𝘢𝘯 | 𝘔𝘶𝘭𝘵𝘪-𝘛𝘦𝘤𝘩 𝘊𝘰𝘮𝘮𝘪𝘵𝘵𝘦𝘦 𝘔𝘦𝘮𝘣𝘦𝘳

𝐓𝐀𝐓𝐀𝐊 𝐇𝐔𝐌𝐀𝐍𝐈𝐒𝐓𝐀: 𝐌𝐔𝐋𝐀 𝐒𝐀 𝐓𝐈𝐍𝐈𝐆 𝐇𝐀𝐍𝐆𝐆𝐀𝐍𝐆 𝐒𝐀 𝐓𝐈𝐓𝐈𝐊 ❤️‍🔥‎‎Kahapon, 𝐒𝐞𝐭𝐲𝐞𝐦𝐛𝐫𝐞 𝟎𝟗, 𝟐𝟎𝟐𝟔, idinaos ng 𝗞𝗶𝗹𝘂𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗛𝘂𝗺𝗮𝗻𝗶𝘀𝘁𝗮 ang 𝐓𝐀...
10/09/2026

𝐓𝐀𝐓𝐀𝐊 𝐇𝐔𝐌𝐀𝐍𝐈𝐒𝐓𝐀: 𝐌𝐔𝐋𝐀 𝐒𝐀 𝐓𝐈𝐍𝐈𝐆 𝐇𝐀𝐍𝐆𝐆𝐀𝐍𝐆 𝐒𝐀 𝐓𝐈𝐓𝐈𝐊 ❤️‍🔥
‎
‎Kahapon, 𝐒𝐞𝐭𝐲𝐞𝐦𝐛𝐫𝐞 𝟎𝟗, 𝟐𝟎𝟐𝟔, idinaos ng 𝗞𝗶𝗹𝘂𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗛𝘂𝗺𝗮𝗻𝗶𝘀𝘁𝗮 ang 𝐓𝐀𝐆𝐈𝐒𝐀𝐍𝐆 𝐃𝐀𝐆𝐋𝐈: 𝐓𝐚𝐥𝐮𝐦𝐩𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐖𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐆𝐚𝐧𝐚𝐩 𝐧𝐚 𝐊𝐚𝐡𝐚𝐧𝐝𝐚𝐚𝐧.🎙️ ‎Kung saan ating nasaksihan ang ating mga ipinagmamalaking 𝐇𝐮𝐦𝐚𝐧𝐢𝐬𝐭𝐚 na taas noong hinarap ang hamon at ipinakita ang kanilang angking 𝐭𝐚𝐥𝐢𝐧𝐨 𝐬𝐚 𝐭𝐚𝐥𝐚𝐬𝐭𝐚𝐬𝐚𝐧 at ang pagpapatunay sa pagiging ‘𝐓𝐚𝐭𝐚𝐤 𝐇𝐮𝐦𝐚𝐧𝐢𝐬𝐭𝐚’—sapagkat kanilang ipinakita ang kanilang makabuluhang 𝐤𝐚𝐚𝐥𝐚𝐦𝐚𝐧 at 𝐩𝐚𝐧𝐢𝐧𝐢𝐧𝐝𝐢𝐠𝐚𝐧 patungkol sa mga 𝐧𝐚𝐩𝐚𝐩𝐚𝐧𝐚𝐡𝐨𝐧𝐠 𝐢𝐬𝐲𝐮 sa ating lipunan! 🫡

At kung usapang pagpapakita ng galing, aba, kinain na nila lahat! 🙌🏼
‎
‎Kaugnay nito, ginanap din ang 𝐓𝐀𝐆𝐈𝐒𝐀𝐍𝐆 𝐃𝐀𝐆𝐋𝐈: 𝐓𝐢𝐭𝐢𝐤𝐚𝐧, na may temang “𝐓𝐚𝐥𝐢𝐧𝐨 𝐬𝐚 𝐋𝐢𝐤𝐨𝐝 𝐧𝐠 𝐒𝐚𝐥𝐢𝐭𝐚.” ✍️📖 ‎Dito naman binigyang-singaw ang isa pang pagkakataon para sa ating 𝐊𝐚-𝐇𝐮𝐦𝐚𝐧𝐢𝐬𝐭𝐚 upang ipamalas ang kanilang 𝐦𝐚𝐥𝐚𝐰𝐚𝐤 𝐧𝐚 𝐢𝐦𝐚𝐡𝐢𝐧𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧 at 𝐦𝐚𝐤𝐮𝐥𝐚𝐲 𝐧𝐚 𝐩𝐚𝐠𝐛𝐢𝐛𝐢𝐠𝐚𝐲-𝐛𝐮𝐡𝐚𝐲 sa bawat kuwento sa pamamagitan lamang ng mga 𝐬𝐚𝐥𝐢𝐭𝐚.
‎
‎Dito’y ating nasaksihan na sa bawat titik, may talino. Sa bawat ideya, may tinig. At sa bawat 𝐇𝐮𝐦𝐚𝐧𝐢𝐬𝐭𝐚, may kuwentong kayang magbigay-buhay ng iba. 🌻
‎
‎𝘔𝘨𝘢 𝘴𝘢𝘭𝘪𝘵𝘢 𝘯𝘪: 𝘒𝘢𝘵𝘩𝘪𝘦𝘳𝘢𝘪𝘯 𝘙𝘦𝘮𝘰𝘵𝘰 / 𝘐𝘯𝘧𝘰𝘳𝘮𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯 𝘊𝘰𝘮𝘮𝘪𝘵𝘵𝘦𝘦 𝘔𝘦𝘮𝘣𝘦𝘳
𝘔𝘨𝘢 𝘬𝘶𝘩𝘢 𝘢𝘵 𝘥𝘪𝘣𝘶𝘩𝘰 𝘯𝘪𝘯𝘢: 𝘋𝘢𝘯𝘪𝘦𝘭𝘭𝘢 𝘈𝘴𝘪𝘳𝘰𝘵, 𝘕𝘪𝘯̃𝘢 𝘛𝘰𝘳𝘳𝘦, 𝘢𝘵 𝘊𝘩𝘭𝘰𝘦 𝘉𝘦𝘳𝘳𝘢𝘮𝘦𝘥𝘢 / 𝘔𝘶𝘭𝘵𝘪-𝘛𝘦𝘤𝘩 𝘊𝘰𝘮𝘮𝘪𝘵𝘵𝘦𝘦 𝘔𝘦𝘮𝘣𝘦𝘳 𝘝𝘳𝘪𝘤𝘬𝘻 𝘗𝘦𝘳𝘢𝘭𝘵𝘢 / 𝘔𝘶𝘭𝘵𝘪𝘮𝘦𝘥𝘪𝘢 𝘗𝘐𝘖

𝐌𝐚𝐭𝐚𝐩𝐨𝐬 𝐚𝐧𝐠 𝐬𝐮𝐧𝐨𝐝-𝐬𝐮𝐧𝐨𝐝 𝐧𝐚 𝐬𝐮𝐬𝐩𝐞𝐧𝐬𝐲𝐨𝐧, 𝐬𝐚 𝐰𝐚𝐤𝐚𝐬 𝐚𝐲 𝐛𝐢𝐛𝐢𝐝𝐚 𝐧𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝟐𝟎𝟐𝟔 𝐂𝐥𝐮𝐛𝐂𝐨𝐧!✨Akala nyo hindi na matutuloy 'no? 𝘕𝘢𝘶𝘳 𝘯𝘢...
09/09/2026

𝐌𝐚𝐭𝐚𝐩𝐨𝐬 𝐚𝐧𝐠 𝐬𝐮𝐧𝐨𝐝-𝐬𝐮𝐧𝐨𝐝 𝐧𝐚 𝐬𝐮𝐬𝐩𝐞𝐧𝐬𝐲𝐨𝐧, 𝐬𝐚 𝐰𝐚𝐤𝐚𝐬 𝐚𝐲 𝐛𝐢𝐛𝐢𝐝𝐚 𝐧𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝟐𝟎𝟐𝟔 𝐂𝐥𝐮𝐛𝐂𝐨𝐧!✨

Akala nyo hindi na matutuloy 'no? 𝘕𝘢𝘶𝘳 𝘯𝘢𝘶𝘳 𝘯𝘢𝘶𝘳𝘳𝘳𝘳𝘳

Pahinga muna sa mga schoolworks, Kilusan! Dahil sa pagpasok ng end-block, mga booths ng bawat organisasyon ang bumungad sa Junior-High School grounds— at siyempre, nangunguna na riyan ang 𝙏𝙞𝙣𝙙𝙖𝙝𝙖𝙣 𝙣𝙜 𝙆𝙞𝙡𝙪𝙨𝙖𝙣, 𝙆𝙖𝙨𝙖𝙮𝙨𝙖𝙮𝙖𝙣 𝙖𝙩 𝙆𝙪𝙡𝙩𝙪𝙧𝙖 na inihahandog ng 𝗞𝗶𝗹𝘂𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗛𝘂𝗺𝗮𝗻𝗶𝘀𝘁𝗮!

Mula sa 𝘙𝘰𝘭𝘺𝘰 𝘋𝘦 𝘒𝘦𝘴𝘰, 𝘗𝘢𝘭𝘢𝘣𝘶𝘯𝘶𝘵𝘢𝘯 𝘴𝘢 𝘒𝘢𝘯𝘵𝘰 𝘯𝘨 𝘒𝘪𝘭𝘶𝘴𝘢𝘯, at ang patok na patok na 𝘚𝘢𝘨𝘪𝘯𝘨 𝘊𝘰𝘯 𝘒𝘪𝘏𝘶 ang siyang bumusog sa sikmura ng mga estudyanteng na sa wakas, nakalaya na mula sa unang termino ng taong panuruan. Isa itong hudyat na muli nanamang nagbukas ang pintuan sa tindahan ng kaalaman, at sumisibol na ngiti ng mga Humanista ang nananahan.

Sa simpleng selebrasyon na ito, hindi lamang pagkain ang pumunan sa atin— gano'n na rin ang mga ala-ala na sa kabila ng mga pagsubok na dala ng papalit-palit na kurikulum, mayroong naghihintay sa bawat dulo ng estasyon na isang mumunting handog na nagpapagaan ng loob.

Ang ClubCon 2026 ay siyang nagpapaala na huwag kalilimutang huminga. Nawa'y nag-enjoy at napahinga ang inyo mga isip, mga Humanista at SPean!

𝑷𝒂'𝒏𝒐 𝒃𝒂 '𝒚𝒂𝒏, 𝒑𝒂𝒏𝒊𝒃𝒂𝒈𝒐𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒌𝒖𝒍𝒐 𝒖𝒍𝒊 𝒂𝒕 𝒌𝒊𝒕𝒂 𝒌𝒊𝒕𝒔 𝒖𝒍𝒊 𝒏𝒆𝒙𝒕 𝒕𝒆𝒓𝒎, 𝑲𝒊𝒍𝒖𝒔𝒂𝒏!🔥

𝘔𝘨𝘢 𝘴𝘢𝘭𝘪𝘵𝘢 𝘯𝘪: 𝘓𝘰𝘷𝘦 𝘑𝘰𝘺𝘤𝘦 𝘈. 𝘗𝘢𝘮𝘢𝘺𝘣𝘢𝘺
𝘔𝘨𝘢 𝘒𝘶𝘩𝘢 𝘯𝘪: 𝘋𝘢𝘯𝘪𝘦𝘭𝘭𝘢 𝘈𝘴𝘪𝘳𝘰𝘵
𝘋𝘪𝘣𝘶𝘩𝘰 𝘯𝘪: 𝘕𝘢𝘺𝘦𝘭𝘪 𝘊𝘢𝘭𝘰𝘭𝘰𝘵

𝐏𝐥𝐮𝐦𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐢𝐥𝐚𝐛𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐓𝐚𝐠𝐢𝐬𝐚𝐧𝐠-𝐃𝐚𝐠𝐥𝐢: 𝐓𝐢𝐭𝐢𝐤𝐚𝐧 𝐡𝐚𝐭𝐢𝐝 𝐬𝐚𝐢𝐧𝐲𝐨 𝐧𝐠 𝐊𝐢𝐥𝐮𝐬𝐚𝐧!Isang masigabong pagdiriwang ng talino, talento at p...
08/09/2026

𝐏𝐥𝐮𝐦𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐢𝐥𝐚𝐛𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐓𝐚𝐠𝐢𝐬𝐚𝐧𝐠-𝐃𝐚𝐠𝐥𝐢: 𝐓𝐢𝐭𝐢𝐤𝐚𝐧 𝐡𝐚𝐭𝐢𝐝 𝐬𝐚𝐢𝐧𝐲𝐨 𝐧𝐠 𝐊𝐢𝐥𝐮𝐬𝐚𝐧!

Isang masigabong pagdiriwang ng talino, talento at pagmamahal sa wikang Filipino

Mahusay kaba sa pakikipagtalastasan?
Mabilis mag-isip at kayang-kaya makipaglaban?
O baka naman mahilig magsulat ng mga tulang may laman?

Halina't makilahok sa 𝗧𝗮𝗴𝗶𝘀𝗮𝗻𝗴-𝗗𝗮𝗴𝗹𝗶 kung saan puhunan mo ang pagiging malikhain, at talas ng isip sa pagpapalawak ng mga ideya kasama ang pagbuo ng mga makamundong talinghaga.

Ito na ang pagkakataon mong magsilbing boses, maging inspirasyon, mag-iwan ng marka at magpamalas ng galing sa madla
ibahagi na ang iyong opinyon at baka may mabago ka pang perspektibo ng isang estudyanteng natututo.

Ano pang hinihintay niyo?
𝙎𝙐𝙈𝘼𝙇𝙄. 𝙎𝙐𝙈𝙐𝙇𝘼𝙏. 𝙈𝘼𝙂𝙋𝘼𝙈𝙐𝙇𝘼𝙏. 𝙈𝘼𝙂𝙋𝘼𝙆𝙄𝙏𝘼 𝙉𝘼 𝙉𝙂 𝙏𝘼𝙇𝙀𝙉𝙏𝙊.

Petsa: 𝐁𝐮𝐤𝐚𝐬, September 9, 2026 sa ganap na𝟏𝟐:𝟒𝟓 𝐡𝐚𝐧𝐠𝐠𝐚𝐧𝐠 𝟏:𝟒𝟓 𝐧𝐠 𝐡𝐚𝐩𝐨𝐧.
Saan gaganapin: 𝙏𝘽𝘼

👇👇👇Mag register sa link na nasa ibaba 👇👇👇
https://forms.gle/C2ZovDsF8vgobDUF9
https://forms.gle/C2ZovDsF8vgobDUF9
https://forms.gle/C2ZovDsF8vgobDUF9

𝘔𝘨𝘢 𝘴𝘢𝘭𝘪𝘵𝘢 𝘯𝘪: 𝘋𝘪𝘢𝘯𝘢 𝘔𝘢𝘳𝘪𝘦 𝘔. 𝘉𝘢𝘭𝘮𝘦𝘴 | 𝘐𝘯𝘧𝘰𝘳𝘮𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯 𝘊𝘰𝘮𝘮𝘪𝘵𝘵𝘦𝘦 𝘔𝘦𝘮𝘣𝘦𝘳
𝘋𝘪𝘣𝘶𝘩𝘰 𝘯𝘪: 𝘋𝘢𝘯𝘪𝘦𝘭𝘭𝘢 𝘈𝘴𝘪𝘳𝘰𝘵 | 𝘔𝘶𝘭𝘵𝘪-𝘛𝘦𝘤𝘩𝘯𝘪𝘤𝘢𝘭 𝘊𝘰𝘮𝘮𝘪𝘵𝘵𝘦𝘦 𝘔𝘦𝘮𝘣𝘦𝘳

𝐇𝐚𝐧𝐝𝐚 𝐤𝐚 𝐧𝐚 𝐛𝐚𝐧𝐠 𝐢𝐩𝐚𝐤𝐢𝐭𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐢𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐠𝐚𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐠𝐬𝐚𝐬𝐚𝐥𝐢𝐭𝐚 𝐚𝐭 𝐛𝐢𝐥𝐢𝐬 𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠-𝐢𝐢𝐬𝐢𝐩? 🎙️Sa 𝐓𝐀𝐆𝐈𝐒𝐀𝐍𝐆-𝐃𝐀𝐆𝐋𝐈: 𝐈𝐦𝐩𝐫𝐨𝐦𝐩𝐭𝐮 𝐒𝐩𝐞𝐞𝐜𝐡, m...
08/09/2026

𝐇𝐚𝐧𝐝𝐚 𝐤𝐚 𝐧𝐚 𝐛𝐚𝐧𝐠 𝐢𝐩𝐚𝐤𝐢𝐭𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐢𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐠𝐚𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐠𝐬𝐚𝐬𝐚𝐥𝐢𝐭𝐚 𝐚𝐭 𝐛𝐢𝐥𝐢𝐬 𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠-𝐢𝐢𝐬𝐢𝐩? 🎙️

Sa 𝐓𝐀𝐆𝐈𝐒𝐀𝐍𝐆-𝐃𝐀𝐆𝐋𝐈: 𝐈𝐦𝐩𝐫𝐨𝐦𝐩𝐭𝐮 𝐒𝐩𝐞𝐞𝐜𝐡, magkakaroon ng pagkakataon ang mga kalahok na maipamalas ang kanilang 𝐡𝐮𝐬𝐚𝐲 𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐠𝐬𝐚𝐬𝐚𝐥𝐢𝐭𝐚, bilis ng pag-iisip, at kakayahang magpahayag ng malinaw at makabuluhang pananaw nang may kumpiyansa.

𝐍𝐚𝐫𝐢𝐭𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐝𝐞𝐭𝐚𝐥𝐲𝐞 𝐧𝐠 𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐭𝐢𝐭𝐢𝐩𝐨𝐧:

📅 𝐒𝐞𝐭𝐲𝐞𝐦𝐛𝐫𝐞 𝟗
⏰ 𝟏𝟏:𝟑𝟎 𝐀𝐌 – 𝟏𝟐:𝟑𝟎 𝐏𝐌
📍 𝐓𝐡𝐞𝐚𝐭𝐞𝐫 𝐑𝐨𝐨𝐦

Samahan natin ang bawat kalahok at saksihan ang kanilang 𝐡𝐮𝐬𝐚𝐲 𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐠𝐩𝐚𝐩𝐚𝐡𝐚𝐲𝐚𝐠 ng mga ideya at pananaw sa harap ng madla. Huwag palampasin ang pagkakataong maging bahagi ng isang makabuluhang tagisan ng 𝐭𝐚𝐥𝐢𝐧𝐨, 𝐬𝐚𝐥𝐢𝐭𝐚, 𝐚𝐭 𝐤𝐮𝐦𝐩𝐢𝐲𝐚𝐧𝐬𝐚.

𝐌𝐚𝐠𝐬𝐚𝐥𝐢𝐭𝐚. 𝐌𝐚𝐠𝐩𝐚𝐡𝐚𝐲𝐚𝐠. 𝐌𝐚𝐧𝐢𝐧𝐝𝐢𝐠𝐚𝐧.

👇👇👇Mag register sa link na nasa ibaba 👇👇👇
https://forms.gle/MEQoi9vzSdfRmpXg6
https://forms.gle/MEQoi9vzSdfRmpXg6
https://forms.gle/MEQoi9vzSdfRmpXg6

Kita-kita tayo sa 𝐓𝐀𝐆𝐈𝐒𝐀𝐍𝐆-𝐃𝐀𝐆𝐋𝐈!

𝘔𝘨𝘢 𝘴𝘢𝘭𝘪𝘵𝘢 𝘯𝘪: 𝘗𝘳𝘪𝘯𝘤𝘦𝘴𝘴 𝘓𝘰𝘵𝘪𝘴 𝘉𝘢𝘤𝘵𝘰𝘭 | 𝘐𝘯𝘧𝘰𝘳𝘮𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯 𝘊𝘰𝘮𝘮𝘪𝘵𝘵𝘦𝘦 𝘔𝘦𝘮𝘣𝘦𝘳
𝘋𝘪𝘣𝘶𝘩𝘰 𝘯𝘪: 𝘕𝘢𝘺𝘦𝘭𝘪 𝘊𝘢𝘭𝘰𝘭𝘰𝘵 | 𝘔𝘶𝘭𝘵𝘪-𝘛𝘦𝘤𝘩𝘯𝘪𝘤𝘢𝘭 𝘊𝘰𝘮𝘮𝘪𝘵𝘵𝘦𝘦 𝘔𝘦𝘮𝘣𝘦𝘳

Halina't maki-isa sa 𝗧𝗶𝗻𝗱𝗮𝗵𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗞𝗶𝗹𝘂𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗞𝗮𝘀𝗮𝘆𝘀𝗮𝘆𝗮𝗻 𝗮𝘁 𝗞𝘂𝗹𝘁𝘂𝗿𝗮 ang 𝐁𝐨𝐨𝐭𝐡 𝐧𝐠 𝐊𝐈𝐋𝐔𝐒𝐀𝐍𝐆 𝐇𝐔𝐌𝐀𝐍𝐈𝐒𝐓𝐀!YOOHOOO DITO ANG BILI! N...
02/09/2026

Halina't maki-isa sa 𝗧𝗶𝗻𝗱𝗮𝗵𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗞𝗶𝗹𝘂𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗞𝗮𝘀𝗮𝘆𝘀𝗮𝘆𝗮𝗻 𝗮𝘁 𝗞𝘂𝗹𝘁𝘂𝗿𝗮 ang 𝐁𝐨𝐨𝐭𝐡 𝐧𝐠 𝐊𝐈𝐋𝐔𝐒𝐀𝐍𝐆 𝐇𝐔𝐌𝐀𝐍𝐈𝐒𝐓𝐀!

YOOHOOO DITO ANG BILI! Nauuhaw, nagugutom, o naghahanap ng konting excitement matapos ang madugong pakikipagdigma sa 1st term Exam? Huwag lilingon sa iba, pumarito ka muna sa aming Tindahan ng mga alaala— este, 𝗧𝗶𝗻𝗱𝗮𝗵𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗞𝗶𝗹𝘂𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗞𝗮𝘀𝗮𝘆𝘀𝗮𝘆𝗮𝗻 𝗮𝘁 𝗞𝘂𝗹𝘁𝘂𝗿𝗮 matatagpuan sa harap ng infamous sunken titanic na hindi nagpapasok ng students

Hanap mo ba ang magpapalamig sa mainit mong ulo matapos malaman na kasama ka sa mag reremidiation? choss..

Halina't subukan ang ilang mga pagkaing huhuli sa inyong mga kiliti at magpapatibok sa inyong mga puso;

•𝗦𝗮𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗖𝗼𝗻 𝗞𝗶𝗛𝘂
Our special Saging Con Yelo pro max 2TB fully paid (eme)

•𝗥𝗼𝗹𝘆𝗼 𝗗𝗲 𝗞𝗲𝘀𝗼
Ang Milk Cheese Bread na perpektong kapares ng aming Saging Con KiHu!

•at hindi magpapahuli ang 𝗣𝗔𝗟𝗔𝗕𝗨𝗡𝗨𝗧𝗔𝗡 sa Kanto ng Kilusan!

Dito matatagpuan ang totoong alindog ng kulturang Pinoy. Kaya 'wag mag atubiling dumalaw at sumigaw ng "𝘗𝘢𝘣𝘪𝘭𝘪 𝘱𝘰!" sa aming munting tindahan at damhin ang saya ng tunay na tambayang Pinoy!

Sugod na sa aming 𝗧𝗶𝗻𝗱𝗮𝗵𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗞𝗶𝗹𝘂𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗞𝗮𝘀𝗮𝘆𝘀𝗮𝘆𝗮𝗻 𝗮𝘁 𝗞𝘂𝗹𝘁𝘂𝗿𝗮 kung saan hindi lang busog ang iyong tiyan, buhay na buhay din ang diwang makabayan!

BILI PO TAYO TEAM RYZZAAA

𝘔𝘨𝘢 𝘴𝘢𝘭𝘪𝘵𝘢 𝘯𝘪: 𝘙𝘪𝘢𝘯𝘯𝘢 𝘑𝘢𝘯𝘦 𝘉. 𝘛𝘢𝘣𝘶𝘢𝘤 | 𝘐𝘯𝘧𝘰𝘳𝘮𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯 𝘊𝘰𝘮𝘮𝘪𝘵𝘵𝘦𝘦 𝘊𝘰-𝘏𝘦𝘢𝘥
𝘋𝘪𝘣𝘶𝘩𝘰 𝘯𝘪𝘯𝘢: 𝘝𝘳𝘪𝘤𝘬𝘻 𝘗𝘦𝘳𝘢𝘭𝘵𝘢 | 𝘛𝘦𝘤𝘩𝘯𝘪𝘤𝘢𝘭 𝘗𝘐𝘖
𝘈𝘭𝘭𝘺𝘯𝘢 𝘓𝘦𝘢𝘯𝘪𝘭𝘭𝘰, 𝘕𝘢𝘺𝘦𝘭𝘪 𝘊𝘢𝘭𝘰𝘭𝘰𝘵, 𝘕𝘪𝘯̃𝘢 𝘛𝘰𝘳𝘳𝘦, 𝘊𝘩𝘭𝘰𝘦 𝘉𝘢𝘳𝘳𝘢𝘮𝘦𝘥𝘢 (𝘔𝘶𝘭𝘵𝘪-𝘛𝘦𝘤𝘩 𝘊𝘰𝘮𝘮𝘪𝘵𝘵𝘦𝘦 𝘔𝘦𝘮𝘣𝘦𝘳𝘴)

𝐖𝐢𝐤𝐀𝐥𝐚𝐦𝐢𝐧: 𝗠𝗚𝗔 𝗦𝗔𝗟𝗜𝗧𝗔𝗡𝗚 𝗪𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗗𝗜𝗥𝗘𝗞𝗧𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗟𝗜𝗡 𝗦𝗔 𝗜𝗡𝗚𝗟𝗘𝗦 “𝗠𝗮𝘆 𝗘𝗻𝗴𝗹𝗶𝘀𝗵 𝗯𝗮 𝗻𝗶𝘆𝗮𝗻?” 🤔 Meron… pero minsan, 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝘀𝗮𝗽𝗮𝘁 𝗮𝗻𝗴 𝗶...
31/08/2026

𝐖𝐢𝐤𝐀𝐥𝐚𝐦𝐢𝐧: 𝗠𝗚𝗔 𝗦𝗔𝗟𝗜𝗧𝗔𝗡𝗚 𝗪𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗗𝗜𝗥𝗘𝗞𝗧𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗟𝗜𝗡 𝗦𝗔 𝗜𝗡𝗚𝗟𝗘𝗦

“𝗠𝗮𝘆 𝗘𝗻𝗴𝗹𝗶𝘀𝗵 𝗯𝗮 𝗻𝗶𝘆𝗮𝗻?” 🤔 Meron… pero minsan, 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝘀𝗮𝗽𝗮𝘁 𝗮𝗻𝗴 𝗶𝘀𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗮𝗹𝗶𝘁𝗮 𝗹𝗮𝗻𝗴!

May mga salitang Filipino na mahirap tumbasan ng iisang salita sa Ingles. Hindi dahil wala itong katumbas na ideya, kundi dahil taglay nito ang 𝗻𝗮𝘁𝗮𝘁𝗮𝗻𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗵𝘂𝗹𝘂𝗴𝗮𝗻, 𝗱𝗮𝗺𝗱𝗮𝗺𝗶𝗻, 𝗮𝘁 𝗸𝗮𝗿𝗮𝗻𝗮𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗵𝗶𝗿𝗮𝗽 𝗶𝗽𝗮𝗹𝗶𝘄𝗮𝗻𝗮𝗴 𝘀𝗮 𝗶𝘀𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗮𝗹𝗶𝘁𝗮 𝗹𝗮𝗺𝗮𝗻𝗴.

Halimbawa na lamang ang “𝘁𝗼𝗿𝗽𝗲,” “𝗯𝗮𝘀𝘁𝗮,” “𝗽𝗮𝘀𝗮𝗹𝘂𝗯𝗼𝗻𝗴,” 𝗮𝘁 “𝘁𝗮𝗺𝗽𝗼.” Kaya mo bang isalin ang mga ito sa Ingles nang hindi napapahaba ang explanation? 👀

Higit pa sa simpleng bokabularyo, ang mga salitang ito ay nagpapakita ng ating 𝗺𝗴𝗮 𝗸𝗮𝗿𝗮𝗻𝗮𝘀𝗮𝗻, 𝗽𝗮𝗴𝗽𝗮𝗽𝗮𝗵𝗮𝗹𝗮𝗴𝗮, 𝗽𝗮𝗿𝗮𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗸𝗶𝗸𝗶𝗽𝗮𝗴𝗸𝗮𝗽𝘄𝗮, 𝗮𝘁 𝗸𝘂𝗹𝘁𝘂𝗿𝗮. May mga konseptong mas madaling maunawaan kapag sinabi natin sa sarili nating wika dahil may kahulugang higit pa sa literal na translation.

📖 𝗛𝗮𝗹𝗶𝗻𝗮’𝘁 𝘁𝘂𝗸𝗹𝗮𝘀𝗶𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝘀𝗮𝗹𝗶𝘁𝗮𝗻𝗴 𝗙𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗼 𝗻𝗮 𝘄𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗱𝗶𝗿𝗲𝗸𝘁𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗮𝘁𝘂𝗺𝗯𝗮𝘀 𝘀𝗮 𝗜𝗻𝗴𝗹𝗲𝘀! Baka ang salitang akala mong simple lang ay may kahulugang hindi kayang tumbasan ng isang English word.

𝘔𝘨𝘢 𝘴𝘢𝘭𝘪𝘵𝘢 𝘯𝘪: 𝘌𝘭𝘭𝘦 𝘡𝘺𝘳𝘢 𝘕𝘰𝘵𝘰𝘳𝘪𝘰 | 𝘐𝘯𝘧𝘰𝘳𝘮𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯 𝘊𝘰𝘮𝘮𝘪𝘵𝘵𝘦𝘦
𝘋𝘪𝘣𝘶𝘩𝘰 𝘯𝘪: 𝘝𝘳𝘪𝘤𝘬𝘻 𝘗𝘦𝘳𝘢𝘭𝘵𝘢 | 𝘛𝘦𝘤𝘩𝘯𝘪𝘤𝘢𝘭 𝘗𝘐𝘖

Address

San Jose Del Monte
3024

Opening Hours

Monday 7am - 9pm
Tuesday 7am - 9pm
Wednesday 7am - 9pm
Thursday 7am - 9pm
Friday 7am - 9pm
Saturday 7am - 10pm
Sunday 7am - 10pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kilusang Humanista - SPNHS SHS posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to Kilusang Humanista - SPNHS SHS:

Shortcuts

Share