23/09/2026
TIGNAN:
Muling ipinakita ng mga batang Gayanos ang kanilang husay at kabutihan sa Rescuelympics na ginanap sa City Sports Complex sa pangunguna ng tangapan ng CDRRMO sa pangunga ni Gng. Gina V. Tolentino at Mayor Florida Robes at kasama ang pamunuan DepEd CSJDM SDS Dr. Leonardo C. Canlas kasama sina ASDS Dr. Mina Gracia Acosta, SGOD Chief Esperanza Diaz-Cruz at SDO DRRM Manny Caliboso ngayong araw -Setyembre 23, 2026.
Sa pangunguna ng kanilang tagapagsanay na si PDO Mary Joy Maningas, matagumpay na nagtapos ang koponan sa 2nd Place mula sa 17 pampublikong elementarya sa buong dibisyon — isang patunay ng kanilang buong loob, disiplina, at pagkakaisa.
Hindi rin matatawaran ang suporta at paggabay ng ama ng paaralan Dr. Robert S. dela Cruz katuwang si Gng. Jovy Zañiga at dating PDO Bb. Dalia Ramos sa paghahanda ng koponan, na naging susi sa kanilang tagumpay.
Ang pagkamit ng ikalawang puwesto ay hindi lamang karangalan para sa paaralan kundi inspirasyon din sa buong komunidad ng Gaya-Gaya Elementary School upang patuloy na isulong ang kahandaan, kaligtasan, at pagkakaisa.
Muli pagbati sa Koponan ng GGES!
Papuri sa ating Dios!