08/08/2026
Isang malaking karangalan para sa Marangal National High School ang pagkamit ng โIkatlong Puwestoโ bilang isa sa mga paaralang may pinakamaraming nagparehistro at aktibong gumagamit ng DepEd Smart Portal, kabilang ang mga g**o, mag-aaral, at mga magulang.
Ang DepEd Smart Portal ay isang inisyatibo ng Learning Resource Division Office ng San Jose del Monte City na naglalayong palawakin ang access ng mga g**o, mag-aaral, at iba pang stakeholders sa contextualized digital learning resources at suportahan ang tuloy-tuloy na pagkatuto sa pamamagitan ng teknolohiya.
Ang pagkilalang ito ay ipinagkaloob sa katatapos na LR Division Training Workshop, na dinaluhan at kinatawan ng ating Learning Resource Coordinator na si Sir Mark Kenneth D. Ferrer.
Ang tagumpay na ito ay hindi lamang tagumpay ng isang tao, kundi bunga ng sama-samang pagkilos at suporta ng buong Marangal NHS.
Taos-pusong pasasalamat sa ating Punongg**o, Pang-Ulong G**o, Department Head Designates, Curriculum Chairpersons, Class Advisers, Learning Resources (LR) Club, mga g**o, at mga mag-aaral na aktibong nagsulong, nagparehistro, at gumamit ng DepEd Smart Portal.
Mabuhay ang Marangal NHS! Patuloy nating itaguyod ang makabagong Learning Resources para sa mas mahusay na pagkatuto. ๐๐