18/03/2026
Marangal National High School has once again achieved recognition as the Top School Utilizing the DepEd Learning Resources (LR) Portal for the month of January 2026, proudly securing 1st place at the Secondary and Integrated School Level in the Schools Division of the City of San Jose del Monte, Bulacan.
This achievement reflects the continuous efforts of both teachers and students in maximizing the use of technology to support learning. Through the DepEd LR Portal, access to essential learning materials has become more efficient, especially during times when flexible learning is needed.
This recognition is the result of the collective dedication and commitment of the entire school community to delivering quality and innovative education.
18/03/2026
History rewritten. Well done to the Diwang Marangal editorial board and mentors. 🎉👏🙏
14/03/2026
Pabatid!
Magandang gabi po sa lahat lalo na sa mga magulang.
Nanghihingi po ng pang-unawa ang kabuuan ng paaralan sa delay na nangyari sa ating nilahukan na theater play.
Katatapos lamang po ngayon ng pangalawang batch at kasalukuyan ng naghahatid ng mga bata pabalik ng paaralan. Makisuyo po na masundo ang ating mga anak sa paaralan. Nagrequest na din po ng tanod para mag assist at masig**o ang kaligtasan at kaayusan ng pag-uwi ng ating mga anak.
Maraming salamat po.
28/02/2026
Matagumpay na naisagawa ang dalawang araw na halalan para sa Supreme Secondary Learner Government (SSLG) sa Taong Panuruan 2026–2027. Sa tulong ng mga computer at tablet, naging mas mabilis at maayos ang proseso ng pagboto ng mga Marangalians.
Lubos ang pasasalamat sa mga naging bahagi ng Technical Working Group (TWG) na naging katuwang sa matagumpay na eleksyong ito, kina Ma’am Sheryl Aquino at Ma’am Cecilia Padel (mga ICT Coordinators), sa mga mag-aaral na kasapi ng COMEA at ICT, gayundin kay Ma’am Emelda R. Suyom (COMEA Focal Person), at kay Ma’am Janice Gonzales (Guidance Teacher).
Taos-puso ring pasasalamat sa walang sawang suporta ng ating butihing Punongg**o na si Ma’am Roseile Dimagiba, gayundin sa mga Head Teachers, Subject Coordinators, Curriculum Chairpersons, Araling Panlipunan Department, Class Advisers, at Subject Teachers sa kanilang pakikiisa at pagpapahiram ng oras ng kanilang klase upang maisakatuparan ang pagboto.
28/02/2026
Nagtagisan ng talino, tapang, at paninindigan ang mga kandidato ng partidong Liwanag at Lilim sa ginanap na Miting de Avance para sa Supreme Secondary Learner Government (SSLG) ng Marangal National High School.
Matapat at diretsahang sinagot ng mga kandidato ang mga katanungan ng mga panelists na sina Ma’am Rosemarie Dairo at Sir Jack Daren Quezon na mga mga g**o sa Araling Panlipunan, Ma’am Genesa Daquiaog na g**o sa HUMSS, SSLG President na si Roi Regala, SSLG Adviser na si Mam Ludilyn Royo, at ang Head Teacher II ng Araling Panlipunan na si Sir Mark Kenneth Ferrer.
Upang mas makilala pa ang kanilang personalidad at kahandaan sa pamumuno, nagkaroon din ng kapana-panabik na fast talk segment sa huling bahagi ng programa na pinangasiwaan nina Sir Jonathan Adalim at Ma’am Marie Joy Maglonzo.
Liwanag man o Lilim, ang tunay na panalo ay ang mga mag-aaral na magkakaroon ng boses at mga lider na handang maglingkod nang may integridad at malasakit.
Taos-pusong pasasalamat sa matagumpay na pagsasakatuparan ng programa sa pangunguna ng COMEA sa pangangasiwa ni Ma’am Emelda R. Suyom, katuwang ang SSLG, AP Club, at ang Kagawaran ng Araling Panlipunan.
03/02/2026
Ating ipinagdiriwang ang “National Tooth
Brushing Day”.
Kaya Marangalians, bilang paalala, huwag nating kalimutang ugaliin na magsipilyo ng ating mga ngipin.
28/01/2026
Magtiyaga😊
Magreview📚
Magdasal🙏
Third Periodic Test
January 29-30, 2026
JHS Test Schedule
Grade 7@10- 6:30-10:50 AM
Grade 8@9 - 11:05 AM - 3:25 PM
SHS Test Schedule
Grade 11 - AM shift
Grade 12 - Immersion
28/01/2026
Marangalians, gawin ang W.O.R.M.S.!
W-ash your hands
O-bserve proper use of toilet
R-educe exposure to unwashed, uncooked, and undercooked food
M-ass Deworming
S-Always wear Slippers or shoes