17/08/2026
📣
Alinsunod sa Memorandum Circular No. 127 na inilabas ng Malacañang ngayong 10:52 AM, SUSPENDIDO ang afternoon classes sa LAHAT NG ANTAS ng pampubliko at pribadong paaralan ngayong Lunes, August 17, 2026.
Batay ito sa rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council dahil sa inaasahang malakas na pag-ulan na dulot ng habagat.
Pakiusap, mga anak, huwag muna tayong lalabas ng bahay hangga’t maari. Manatili muna sa bahay at tumulong sa mga gawaing-bahay.
Abangan ang mga susunod na opisyal na abiso mula sa Pamahalaang Lungsod ng San Jose del Monte sa ating official page.
Mag-iingat po tayong lahat, Pamilyang San Joseño! 🧡