02/03/2026
Sa pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan, buong galak at pagpupugay nating kinikilala ang napakahalagang papel ng mga kababaihan sa ating paaralan. Sila ay mga g**o, punong-g**o, tagapamahala, at kawani na araw-araw ay nagsisilbing haligi ng karunungan, pag-asa, at pagbabago sa ating mga paaralan at komunidad. Sa kanilang walang sawang dedikasyon, integridad at malasakit, naipapasa hindi lamang ang kaalaman kundi pati ang mga pagpapahalaga at pangarap na magbubukas ng mas maliwanag na kinabukasan para sa kabataang sidro.
Sa kabila ng mga hamon sa larangan ng edukasyon, nananatiling matatag at mapanindigan ang kababaihan sa ating paaralan sa pagtupad sa kanilang tungkulin. Ipinapakita nila ang kahusayan sa pamumuno, husay sa pagtuturo, at taos-pusong paglilingkod na tunay na sumasalamin sa diwa ng bayanihan at pagmamahal sa bayan.
Nawa'y magsilbing paalala ang pagdiriwang na ito na patuloy nating itaguyod ang pagkakapantay-pantay, paggalang at pagbibigay-kapangyarihan sa kababaihan sa lahat ng antas ng edukasyon. Sama-sama nating ipagdiwang ang kanilang lakas, talino at puso sa paglilingkod.
Mabuhay ang kababaihan at g**ong sidro.
Buwan ng Kababaihan!!!